Meet The Playboy

6 0 0
                                    

"Uy, Zari! Ayos ka lang?"

"Grr. Mukha ba akong ayos? Simula umaga binubuwisit na ko ng mga hinayupak na iyan. Tsk. At dinagdagan pa talaga ng gunggong na yun ha. Ang swerte ko naman ngayong araw. Cappucino na nga lang ang magpapahupa sa pagkainis ko tapos balak pa agawin sakin. Syete. Hay."

"Wag ka na mabadtrip. Sige ka, di ka makakapagfocus sa mga gagawin mo. Chill lang."

"Sige. Wooh. Inhale. Exhale. Okay na ako. Halika na."

Umakyat na kami ni Aira sa office. Tama. Isasantabi ko muna yung pagkainis ko sa lalaking asungot na iyon.

Dumiretso ako sa table ko habang si Aira dumiretso na rin sa table niya. Magkaiba kasi kami ng pwesto, sa ibang block siya. Pagpunta ko sa table ko, may nakita ako na box ng chocolate. As usual, galing na naman sa mga walang magawa. Pinuntahan ko si Aira dala ang chocolate at binigay ko sa kanya. Tsk. Mamaya sumakit pa ang ngipin ko. Pinagpatuloy ko na ang pagrereview ng marketing report namin for this month. Okay naman, constant lang ang stand, same as noong nakaraang mga months.

"Zari, pinapatawag ka ni Maam Aida sa office niya ngayon na daw" sabi ni Jen sakin.

"Sige. Salamat. Punta na ko."

Dinala ko na yung ibang papers na naprint ko na. Baka kasi eto yung dahilan kung bakit pinatawag ako ni Maam Aida/slash/ My Aunt. Kumatok ako sa pinto ng office niya at nung sumenyas siya mula sa maliit na space ng door, pumasok ako. Hmm, may kausap pala si tita. May nakaupo kasi na lalaki na nakaharap sa kanya.

"Maam, pinatawag niyo daw po ako? I have printed some of-..."

"What did I tell you Zari? You don't need to call me Maam, I am your Aunt remember? Btw, this is Mr. Rico Custodio, from the A and C publishing house."

"Nice to me-... What the! Ikaw!"

Guess what kung sino ang nakita ko? No other than, Mr. Playboy/slash/the Maniac Jerk.

"Ikaw?" sabi din ni gunggong.

"So magkakilala na pala kayo? As I was saying, his father pleaded if we could have him trained in our company. He is a good friend of mine so I accepted. And you, Zari, I want you to make him as your trainee. Marketing is the most important in business so I am giving all my trust na maturuan mo siya. Is it clear?"

"But, Tita -..."

"I know you can do it Zari. Alam ko you will not disappoint me on this, won't you? Besides, i could give you incentives for this plus he could even help you in your works. Come on."

"Yes,Tita."

Lumabas ako agad pagtapos ng paguusap na iyon. Hay. Naramdaman ko namang sumunod ang asungot na iyon.

"So, you're Zari! Hi, I'm Rico Custodio."

"Alam ko. Narinig ko kanina. Di ako bingi."

"Pero if my name is too long for you, you could call me Yours and if you don't mind, I'll call you Mine" sabi niya sabay wink. Tsk. Mukha siyang tuko lalo.

"Would you please shut your mouth? Para kang babae sa kadaldalan."

"Well, I just want to know you."

"Well, I'm not interested so please shut up or else."

"I won't shut up unless you kiss me. Go on, Okay lang naman sakin?"

WTF! He's getting on my nerves. Hindi na ako nakatiis so I hit his thing with a kick.

"Maniac."

I saw his face in pain. Buti nga sayo, manyak ka kase. I'll make your life in hell, baby.

Game Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon