Pre-Chapter: First Meeting

84 0 0
                                    

Sam's POV

Hi! Ako nga pala si Samantha! College student. A typical college student sa isang kilalang school in Manila. Transferee lang ako and I'm taking up business management on my third year. Sabi nila maganda daw ako pero hindi ako naniniwala dahil wala pang nakaka-appreciate. HAHA! Until one day...

(Dial sa phone)

Sam: Hi bes! Samahan mo naman ako sa mall.

Tricia: Hindi ako pwede eh. Aalis kami ni mommy. Why don't you call anne na lang kaya?

Sam: As if namang free siya. Siguradong kasama na naman niya yung boylet niya no!

Tricia: Sorry bes! Di talaga ako pwede e! Alam mo naman 'tong mama ko di'ba?

Sam: Okay bes I understand. Kita na lang tayo sa monday.

Tricia: O sige! Bye!

Sam: Byeee!

(End Call)

Sam: Mukhang loner ako ngayon  ha? makapag-shower na nga.

(After several minutes)

Tapos na' ko manood ng movie sa mall 'nun so I decided na mag-window shopping muna. tumitingin ako ng mga damit'nun ng may biglang bumangga sa'kin.

Lalaki 1: Bulag ka ba? tumingin ka nga sa dinadaanan mo.

Sam: (Self talking) Aba! Antipatiko 'to ha? siya pa ang galit?

Pinakinggan ko pa ang mga sumunod niyang sinabi.

Lalaki 1: O ano? Natulala ka na d'yan?

Lalaki 2: Pare. Tama na. Ang dami na ng tao na nakatingin.

Sam: Excuse me? Ang kapal naman ata masyado ng mukha mo para magalit. As far as I know ikaw itong bumangga sa'kin ha.

Lalo akong nainis nang ngumisi pa itong kumag na lalaki.

Lalaki 1: Alam mo miss, lumang tugtugin na yan eh. Pwede mo naman kase itanong yung number ko e, kaso kung manliligaw ka sa akin... busted ka na agad! tumawa pa talaga siya.

Sam: Ang yabang talaga neto! Sobrang hangin. Grrr!

Lalaki 1: O ba't di ka na nakapagsalita dyan? So totoo nga?

Lalaki 2: Tama na yan pare. Uwi na tayo.

Sam: Ah ganun? so feeling mo gwapo ka?

Lalaki 1: At oo bakit?

Sam: (ngumiti, half smile sabay suntok sa mukha) Asa ka naman na magkakagusto ako sa'yo! Panget! Ayan ang nababagay sa katulad mong mayabang! hmp! Maka-alis na nga. (sabay talikod, lakad at tingin sa namamagang kamay)

Lalaki 1: (sumigaw) Teka lang!

'di ko na siya pinansin nun dahil sa sobrang inis at sakit ng kamay ko. hindi naman talaga siya panget eh. actually ang gwapo nga niya. Para siyang bida sa koreanovelang napanood ko pero hayaan mo na. Aanhin ko naman ang gwapo kung ubod naman ng yabang.)

TJ's POV

Ako nga pala si TJ. Tristan Joshua ang buong pangalan ko. 3rd year college na sa San Lorenzo College pero 4th year na dapat ako pero dahil sa bulakbol ako, naiwan ako sa third year. Major in business management ang course ko pero parang mas major pa ko sa alak, yosi at babae. Kilala ako sa campus namin bilang sanggano pero kasabay nun kilala din ako sa pagiging playboy ko. Puro pambababae na lang ang ginawa ko simula ng mag-break kami lang mahal kong si Ruby. Nangako ako noo na wala na akong seseryosohin ng biglang...

Chris: Pare okay ka lang? (natatawa)

TJ: (Sapo ang dumudugong ilong) Walanghiya yun ah. ginawang punching bag ung ilong ko.

Chris: Sira ka rin naman kasi pare eh! Bakit mo pa pinagtripan yun?

TJ: Pikon kasi e and besides paharang-harang siya sa daanan.

Chris: Pare kung gumagana yang utak mo, malawak itong daan oh? dapat dito na lang tayo dumaan. Sabihin mo type mo talaga siya. Di'ba?

TJ: Typeeeee?!? Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Hindi ko trip yung mga kagaya niyang pakikay no! Mukhang mga isip bata 'yon!

Chris: Maganda naman yun ah? Hot nga eh.

TJ: (Naiiling) Malabo na ata talaga yang mata mo. Iwasan mo na yang kakalaro ng computer. Kahit malasing ako di ko papatusin yun eh.

Chris: (Natatawa) Oo na. Oo na. Tara na't gusto ko ng umuwi.

TJ: Sige. (Sinapo ulit ang ilong) Buti tumigil na yung pagdugo nito. Humanda sa'kin yun pag nakita ko.

Chris: Oo na. Dami po pang sinasabi eh. (sabay akbay sa kaibigan)

Naiinis talaga ako ng mga oras na yun. First time lang na may sumuntok sa'kin na babae at sa mukha pa talaga. Totoo yung sinabi ni Chris na hot nga siya kaso ang sungit naman. Pero parang may something sa sarili ko na hindi ko maintindihan habang kausap siya. Magkikita pa kaya kami nun? pero dapat kong panindigan ang sinabi ko na hinding hindi ako pipili ng tulad niya.

(Abangan ang chapter 1 next Sunday. (: Don't forget to vote and comment. follow me on my twitter account: https://twitter.com/KuyaStepher )

When a Heart Cries OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon