Chapter 9
"So Ms. Alcantara, payag ka na ba sa deal namin sayo." Si Mr. Gonzales iyong nagsasabi saakin. Sino siya? Isa lang naman sya sa tumawag saakin para maging isang talent.
Nagulat nga ako kung paano niya ako nakilala eh samantalang di ren naman sya connected sa R.A records na pinagrecordan ko. Nagtataka kung saan nya ako nakilala at sa dami daming pwedeng maging talent eh ako pa pinili nya.
Pero aarte pa ba ako? Pangarap ko to at hinde ko na papalampasin pa.Bahala na basta chance ko na ito.
"Sige po Mr.Gonzales, saan po pwedeng mag sign ng kontrata." binigay nya saakin ang kontrata. Habang pinipirmahan ko di ko maiwasan na tumingin sa pagmumukha niya nakangiting may kahulugan. Sa totoo lang may itsura si Mr. Gonzales bata pa ito kung tutuusin mga nasa 25-28 years old.
"Thank you Ms. Alcantara." nakikipag shake hands sya sa akin.
"Maraming salamat Mr. Gonzales." nakangiting sabi ko.
"Call me Manager Tim. Since talent na kita ngayon."
Pagkatapos ng deal namin ay umalis na kaagad ako sa building na iyo para magcelebrate. Shempre achievement to noh. Kung dati madaming rejection pero nagpursige ako kaya eto ako ngayon unti unting natutupad yung pangarap. Salamat sa Diyos dahil sinasagot nya ang mga dasal ko.
--
"Congrats friend!" yakap saakin ni Rianne.
"Onga pablow out ka naman jan oh." sabi naman ni Louie.
Pumayag naman ako sa gusto nila, dahil pumunta kami sa club. Hinde ako palainom at hinde ako party girl pero dito ka sila nagaya kaya pumayag na ako.
@SphereYohan: Clubbing with friends.
Madami dami ren kaming nagcecelebrate kasama ang mga ibang kaibigan ko. Inaalok nila ako uminom pero di na ako pumayag dahil magdridrive ako ngayon.
"Ang kulet mo Rianne. Sabi ko wag ka na magsuot ng ganyan kaikli dito sa club eh! Kainis! Tignan mo yung mga tingin nila oh!" sita ni Louie habang tinatakpan ng jacket ang mga exposed na legs ni Rianne samantalang si Rianne naman si ay nakapout lang.
Grabe ang sweet talaga ng dalawang toh. Ako kaya kailan magkakalove life? Na makatotohanan!
"Wait lang guys ha mag rerefill lang ako." sabi ko habang tinutukoy ang basong hawak hawak.
Pupunta sana ako sa counter bar kaso biglang may nangbangga saakin kaya naman natapunan yung damit ko ng juice.
"Anu bayan, kainis naman." pinupunaspunasan ko naman ang damit kong natapunan.
"Miss pasensya ka na, don't worry babayaran ko na lang yung damit." napatingin naman ako sa lalakeng nakabangga ko. Maputi ito maganda ang mga mata at napakaganda ng katawan inshort pogi.
"Wag na, magpapalit na lang ako." mejo irita na sabi ko sakanya paalis na sana ako pero bigla na lang nyang kinuha yung kamay ko.
"Since ako naman yung may kasalanan, take my card. Call me kung may kailangan ka." nginitian naman niya ako habang ibinibigay saakin yung card.
"Hinde na kailangan." sabi ko pero nagpumilit.
"Just take it." tapos sya yung umalis.
Binasa ko naman ang card. 'Hiro Fortalejo 091********. Inilagay ko na lang sa wallet ko.
Pumunta naman ako naman ako kanila Rianne at doon nakicelebrate nalang ulet.
"Ang pogi naman ng kausap mo kanina friend sino yun?" tanong ni Rianne.
"Di ko kilala."
"Pero kausap mo."
"Wala yun nagkabangga lang kami. Wag mo na pansinin yun." sabi ko habang umiinom ng inumin.
"Pero gwapings gurl baka siya na yung hinahanap naming soulmate para sayo." Tumawa naman sila at inasar lang akong inasar ng biglang nagring yung cellphone kayaagd kong sinagot.
"Hello Ms. Alcantara magkita tayo bukas." iyon lang ang sinabi ni Manager Tim at agad ren binaba ang telephone.
Pagkatapos namin sa club ay pumuntana ako sa bahay at sinabi kanila mommy ang good news. Kaya ayun kinonggrarulate nila ako.
--