Chapter 10
Nandito ako ngayon sa loob na ako ng kotse ko at inaayos ang make up ko mamaya pa naman kase yung usapan namin ni Manager Tim kaya maglilibot muna ako sa mall.
Ng makaramdam naman ako ng gutom ay kumain ako mag-isa sa isang fast food. Oo loner ako, pero sanay na ren naman ako kaya okay lang di ko na sinama sila Rianne dahil may date ata sila Louie.
Pagkatapos kong kumain ay pumunta naman ako sa department store, tumitingin tingin ako ng mga damit.
"Mommy, mommy ang pogi ni Cypher Hudson. Mommy pwede ba bilhan mo ako ng ticket sa concert niya. Please" napatingin naman ako sa sinabi ng batang babae habang tinuturo yung poster ni Cypher at pinipilit yung mommy niya.
Gusto ko nga sabihin sa bata na 'Ate wag mong pagaksayahan yung panahon mo jan, masama ugali niyan tsaka ayaw niyan sa mga bata kaya wag mo nang idolohin yan.' pero dahil mabait ako hindi ko na lang sinabi dahil baka mahirapan ang nanay na magbuhat ng umiiyak na bata.
"Masyado ka pang bata para sa concert niyan. Mag-aral ka muna ng mabuti para bilhan kita." sige mommy bolahin niyo yung bata ng umasa sa wala.
"Mommy naman eh." reklamo ng bata. Tumingin naman sila sa gawi ko, napansin ata nila na nakatingin ako sakanila. Tinaasan naman ako ng kilay ng Mommy. Ang taray niya nga eh.
Umalis na lang ako sa pwesto na yun.
Naglalakad ako ng biglang magring cellphone ko.
"Ms. Alcantara 4pm sharp kailangan ka na dito, okay?" iyon lang sinabi niya at agad ibinaba ang phone.
Tinignan ko orasan ko 1:30 pa lang naman eh kaya uuwi muna ako sa bahay.
---
Ng makarating ako sa building namin ay agad ako sinalubong nila Manager Tim. Ang pogi niya naka tuxedo siya. Bat kaya neto piniling mag manager eh samantalang siya mismo ay pwedeng magmodel.
"Ms. Alcantara good thing your here. Punta ka na sa likod para maayusan ka na." Aayusan para saan?