Behind your Smiles (Short Story)

87 2 0
                                    

" ah! Sandali kuya! "

sigaw ng isang babae, pero lumingon parin ako..baka kasi ako yung tinatawag..

Pagkalingon ko nakita ko na papalapit siya saakin.

" ha ha kuya nahulog mo, ha ha kanina pa kita hinahabol kaso hindi kita maabutan ang bilis mo kasi " sabi niya saakin , halata naman eh hingal na hingal nga siya eh..

Inabot niya saakin yung panyo ko, kinuha ko naman ito kaagad.

" salamat " ang sabi ko. 

" wala yun " sabay ngiti niya " kuya pwede ko bang malaman ang pangalan mo??" tanong nito.

" Dave dela Cruz " sagot ko. 

" ah! Ako nga pala si Rhea San jose " natawa naman ako sa mga apelyido namin..

" bakit ka po natawa?" tanong nito  

" haha wala naman, kasi napansin ko lang na parang mga lugar dito sa pilipinas ang apelyido natin " sagot ko ng nakangiti, napatawa rin naman siya.

" ah! Kuya ano na po bang oras na??" pagmamadaling tanong nito. 

" hmm..mga 6:40 na " -ako 

" ehh?? Sige kuya alis na po ako , nice meeting you po! sa susunod nalang po bye" sigaw nito sabay takbo..

Mukhang late na sa skul yung si Rhea. 6:40...!!?? Naku late na rin pala ako putek!!

------------------

sa School

" Dave! " sigaw ni Junn 

" ano?" -ako 

" napaka cold mo naman! Ah! Halika dito! " -Junn 

" tch! " singhal ko sabay tayo ko sa upuan at naglakad papunta kala Junn.

" may ipapakilala ako sayo.."-Junn 

hindi ko naman kaagad nakita kung sino yun dahil nakatingin ako sa may bintana..

" kuya?? Dave Right? " nagulat naman ako , paano ako nakilala nitong babaeng to ?? Napatingin ako kay Junn at mukhang ganun din siya..

" ou nga si Dave nga~! " masayang sabi nito..

Napatingin ako sa kanya..

Teka..

Sino ...nga ba siya??

" hindi niyo na po ba ako matandaan?? " tanong nito 

" makakilala kayo?? " tanong din saakin ni Junn " patay.." bulong nito..

" huh? Sino ba siya?" hindi ko siya matandaan pero parang nakita ko na siya.

" ehh?? " - gulat na reaction nung babae 

" hindi mo talaga siya kilala dave? " -Junn 

" hindi kami magkakilala " sagot ko

nakita kong parang natuwa si Junn ng marinig niya yung sinabi ko..siguro may balak siyang ligawan to..

" ehem! So..Rhea ito nga pala si Dave, Dave si Rhea " -Junn 

" a-ah..hello " -Rhea 

hindi ko na sila pinansin pagkatapos nun..naupo nalang ako sa upuan ko at nagbasa ng libro.

Rinig na rinig ko na pinaguusapan nila ako.

------------------

Lunch break

as usuall kakain ako sa may rooftop ng school namin..but this time parang may iba..

" lumabas ka na " ang sabi ko.

- Rhea's P.O.V -

" hindi mo talaga siya kilala dave? " -Junn 

" hindi kami magkakilala " sabi ni Dave. Hindi daw kami magkakilala?? Eh nung isang araw lang yun ah? Nakalimutan na kaagad niya ako??..

" ehem! So..Rhea ito nga pala si Dave, Dave si Rhea " -Junn 

" a-ah..hello " bati ko sa kanya , nagbabaka sakaling batiin niya rin ako..

Pero imbis na batiin niya ako pabalik ..

Eh

hindi niya ako pinansin at umalis nalang at naupo..

Bakit ganun??

" bakit? "-tanong sakin ni Junn 

" ah..wala wala.." ngumiti ako sa kanya..

Behind your Smiles (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon