Part 3

20 2 0
                                    

sabi ko na nga ba eh may problema yung babaeng yun eh..halata naman...

" Bro! Nakita mo ba si Rhea?" si Junn na dati ay may balak manligaw ..ayun sumuko na ng malaman niyang nakikipagusap saakin yun...ewan ko ba doon...

" malay ko " sagot ko sa kanya 

" kahit kailan ka talaga!! Sige ihahatid ko pa yung babes ko eh! " ou may gf na siya...

Hindi ko nalang siya pinansin nung umalis na siya....at nagsimula na akong magbasa...

Sniff sniff

huh?? May naiyak ba?? Sino kaya yun? Tumayo ako at hinanap yung naiyak

sniff sniff

nasaan? Pataas ng rooftop, paano ko narinig hanggang sa classroom namin? Kasi malapit lang naman ang room namin pataas ng rooftop at tysaka tahimik na dito kasi uwian na..

Pagdating ko doon may nakita akong babaeng nakaupo malapit sa mga bars ng rooftop...

Si

Rhea...naiyak nanaman..

Lumapit ako sa kanya..pagkatingala niya ay bumunyag saakin ang maamo niyang mukha at the same time malungkot

naupo ako sa tabi niya at nagtanong " ano nanaman ang nangyari? "

hindi siya sumagot , pero nagulat ako ng yakapin nalang niya ako bigla..

" ...please...just let me stay like this for a while ..." pakiusap niya saakin..wala na din naman akong magagawa pinabayaan ko nalang siya

" wala na talagang nagmamahal saakin...iniwan na nila akong magisa...wala na akong kasama...lagi nalang bang ganito.? " mas lalong humigpit ang yakap niya saakin " lagi nalang ba akong iiwan magisa?? Wala na ba talagang nagmamahal sakin?? Masama ba akong tao? Hindi naman di ba? Ano bang nagawa ko??" she cried.

" wag mo ngang sabihin iyan.." sambit ko naman sa kanya, bumitaw siya sa pagkakayakap saakin

" paanong hindi !? Eh halos lahat nalang ng mahalaga sa buhay ko iniiwanan ako! Lagi nalang...wala na ba akong halaga sa kanila? Siguro nga ako lang tung mukhang tanga na umaasa na yun ang mangyari..napakalaki kong tanga!! " sigaw niya saakin..

" tama na.." sabi ko

" bakit ba kasi ...ano ba kasing ginawa ko?? Ikaw....iiwan mo rin ba ako? " tanong niya saakin..

Bakit ko siya iiwan? Ngayong nagsimula ko nang maramdaman ang isang bagay para sa kanya..

" hindi kita iiwanan.." sagot ko sa kanya 

" yan...yan ang mga linyang lagi nilang sinasabi saakin..pero...in the end iiwan din nila akong nakatunganga lang sa isang tabi...at hindi na babalikan.."-Rhea 

" hindi ako tulad nila.." - ako 

" paano mo nasabi ? " - Rhea

dahil....

" dahil mahal kita..."-ako

nagulat siya sa sinabi ko, ngunit hindi parin niyang magawang ihinto ang sarili sa pagiyak..

Nilapitan ko siya at hinawakan ang kanyang mga balikat..

" ito ang tatandaan mo...hindi lahat ng mga ng iwan sayo ay ginusto nila, may mga iba na sadyang gusto, sadyang hindi, tulad nalang ng mga magulang mo....sa tingin mo ba ginusto nila yun? Hindi di ba.. Hindi ka rin naging masamang kaibigan...wag mong sisisihin lahat ng iyon sa sarili mo...kasi kung wala ka naman talagang ginawang masama, sila na yun...at hindi ikaw.." sabi ko sa kanya...

Patuloy parin siya sa pagiyak...

Behind your Smiles (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon