Kung Maibabalik Ko Lang Sana Ang Nakaraan

79 2 0
                                    

Nagsimula sa isang bungguan
Bungguan na simula na din ng ating pagiibigan
Yung tipong nag slow mo ang mundo
Nung bigla kang tumingin sa mga mata ko
Love at first sight ang nangyare satin
Yung tipong ayaw ko ng humanap ng iba ikaw lang ang aking iibigin

Simula sa araw na yun lagi mo na akong kinukulit
"Pwede ba kitang ligawan?"tanong mong paulit ulit Alam kong mahal mo rin ako
Pero wag muna tayong magmadali hindi pa handa ang puso ko

Puso kong nasaktan ng sobra
Niloko ng mahigit sa dalawa
Pero pinangako mong ako rin ay sasaya
Kaya niyakap kita at sinabihang "oo sinasagot na kita"

Buwan ang lumipas simula ng maging tayo
At sa isang buwan na yun hindi mo ko binigo
Mga pangakong lagi mong tinutupad
Mga ngiting animoy nasa langit tayong dalawa,lumilipad

Simula sa buwan nagtagal tayo ng taon
Nangako tayo sa isat isa na pagibig nating dalawa hindi maglalaon
Madaming humanga sa ating relasyon
Mapa bata man o matanda lovelife natin ginawang insperasyon

Sana nga tayong dalawa na hanggang dulo
Dahil ikaw,ikaw lang nasa puso ko hindi kahit na sino
Siguro nga tama sila
Hindi maiwasan sa relasyon ang salitang problema

Problemang pati relasyon kayang masira
Kasalanan ko dahil nagmahal ako ng iba
Pasyensya dahil sa ating dalawa,mga pangako natin, ako pa yung sumira
Nasaktan kita ng sobra sobra
Pasyensya pero hindi talaga kita minahal ng sobra
Ginamit lang kita para malaman ang salitang love
At ngayon mga mata moy nagaalab
Dahil sa galit,sa sakit na nararamdaman mo
Nakipagbreak na ako sayo dahil napansin na din ako ng taong mahal ko

Taong mahal ko ng tunay at buong buo
Sorry sa panlolokong ginawa ko
Pero sana sumaya ka na din,
Hihintayin ko ang Karmang dadating sakin.

Ang saya saya mo na ata sa piling nya
Pero nababalitaan kong tumutulo pa din ang iyong mga luha
Dahil sa pagsira ko sa iyong pusong nagmahal lang din naman
Pero mas pinili kong mahalin sya at ikay iwanan, saktan ng lubusan

Masaya ka na nga
Kita ko naman sa iyong mga ngiti at mata
Pinapasaya ka na nya
Pero ako hindi dahil hindi kami pwede sa isat isa
Ayaw ng mahal mo na maging kami ng mahal ko
Dahil alam nyang sasaktan ko lang ang kapatid nya
Kaya inilayo sya sakin ng sobra hanggang hindi ko na sya makita at madama
Napangiti nalang ako ng mapait dahil dumating na din ang aking karma.

Apat na buwan ang lumipas Nagmahalan kayo ng mahal mo
Habang ako? Sobrang nalilito
Diba dapat na kitang pakawalan? Dahil ikaw ay aking nakaraan?
Pero bakit ganun? May sagot na ako sa aking nararamdaman
Pero hindi na ata pwede dahil sobra na kayong nagmamahalan

Ngiti mong abot langit pagkasama sya
Tawa mong napalakas pag pinapatawa ka nya
Mga bagay na ikakasaya mo tuwing kasama mo sya
Bagay na di ko makita nung tayo pa

Ikakasal na kayong dalawa
Habang ako sobrang nagsisisi sa aking ginawa
sana di na kita pinakawalan pa
Sana hindi na ako humanap ng iba
Madaming Sana diba?

Ngayon naglalakad na ang babaeng mahal mo
Yung ngiti mong buong buo
Sasagot ka na sana ng 'OO'
Kaso pumunta ako sa gitna kinuha ko lahat ng atensyon ninyo
At nagsalita "hindi kayo pwedeng ikasal buntis ako"

Nagkagulo ang simbahan
Babeng mahal mo nasa gilid, naiiwang luhaan at tumakbo ng walang hanggan
Wala akong paki kung may nasaktan man ako
wala akong paki kung nangloko ako
Dahil para sakin akin ka lang
Akin lang ang isang tulad mo

Pagkatapos ng insidenteng yun kinabukasan wala na akong balita sa inyong dalawa
Siguro umalis na kayo at nangibang bansa
Pero biglang may binalita
"Babae patay dahil sa sakit na Cancer at hit and Run tinaguriang may anak pa sa tyan"
Napaluha ako ng malaman ko na yung mahal mo yun
Napaiyak ako dahil kasalan ko ata yun
Maya maya biglang dumating ang mama mo
At sinampal ako ng todo

"MASAYA NA SANA ANG ANAK KO!!! MAGKAKAROON NA SILA NG BUONG PAMILYA NG MAHAL NYA!!! TAONG MINAHAL SYA TALAGA!! HINDI PA BA SAPAT YUNG PANANAKIT NA GINAWA MO?!!"

"Nagpakasal agad sila para sa nalalabing araw ng mahal ng anak ko! Para masulit nila! Hindi Matanggap ng Anak ko na Ang babaeng mahal Nya konti na Lang Ang panahon dito sa Lupa! Yung anak nila! Na sana magiging apo ko na! Sya yung babaeng umayos sa pusong sira na ginawa mo sa anak ko pero ngayon! Para mo na din syang pinatay! Masakit!"

*PAK*

Tinggap ko lahat ng sampal at sabunot na ginawa sakin ng mama mo
Pero bigla syang tumigil at sinagot ang kanyang telepono
"M-ma nagpakamatay si Iñigo"
At sa salitang yun gumuho ang mundo ko
Pinagsisihan ko lahat,Dahil lahat ng nangyari kasalanan ko

Sana Hinayaan na kitang mahalin mo sya
Hindi na sana ako nanggulo pa
Hinayaan ko na lang sana kayong magmahalan
Hindi na sana kita hinayaang masaktan
Hindi na sana kita iniwang luhaan
Hindi na sana ako dumalo sa inyong kasalan
Kaya ngayon lahat ng masama kong ginawa sobra kong pinagsisihan
Babaguhin ko lahat para wala nang masaktan

KUNG MAIBABALIK KO LANG ANG SANA NAKARAAAN

-*-**-*-*-*-*-*-*-*-*--*-*-*--*-*-*-*-

story starts feb.9,2016
Ended feb 18,2016
All rights reserved ©MystiquexxOcyan

Kung Maibabalik Ko Lang Sana Ang NakaraanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon