Chapter 4

30 3 2
                                    

Charlice's POV

Hala! grabe ka author kaganina natapunan ko siya ng toyo tapos ngayon naman kasama ko siya magpasyal sa kapatid niya ganun ba kalaki kasalanan ko sayo(Uhmmm...hindi naman wala akong mapagtripan eh kaya ito pinagtitripan kita ayos diba)

/Bumulong sa hangin/Buti ka mahal kita(Ano yung sinasabi mo dyan)

Ahh! wala yun

"Uy! babae Uy!!!"

"Ay! Putapepe"

"Anung sabi mo?"sabi niya habang tinatakpan yung tenga ng kapatid niya

"Ah! wala nagulat kasi ako"

"Psh! sa susunod kasi mag ingat ka sa pananalita mo Baka magaya pa yan ng kapatid ko"

"Kasalanan mo rin naman yun eh kung hindi mo ako ginulat hindi  ako mapapasabi ng ganun"

"Tumahimik ka na nga lang  ang daldal mo eh manahimik ka lang  dyan "

Naglakad lang kami ng tahimik ang awkward wala man lang nagsasalita sa amin parang ang laki nang galit niya sa mga madadaldal ay sayang madaldal kasi  ako eh crush ko pa naman siya diba nga opposite attract sabi sa science pag magkapareho kayo magrrepel kayo o maghihiwalay ang talino ko talaga.

Nagcellphone nalang ako habang pinapasyal namin yung kapatid niya buti pa yung kapatid niya kahit dinadaldal siya hindi siya naangal pag ako naman nagagalit siya ang gulo niya.

"Pwede na ba tayong bumalik sa classroom natin magsisimula na kasi yung sunod na subject"Pagaaya ko nakakabored na kasi eh wala akong kausap.

Naglakad na lang siya pabalik sa room nanghindi man lang sumagot sa akin kahit tango lang grabe ang tamad ata nitong tao na ito eh.

Nakabalik na ako ng room pagbukas ko ng pinto nakita ko nagdidiscuss na pala yung panghuli naming teacher.

"Ms. Mercado" tinawag ako ng teacher namin, bigla ako kinabahan."You may now take your set nagsisimula na yung klase natin" akala ko mapapagalitan ako.

"Nagtaka ka noh kung bakit hindi ka pinagalitan ni maam?"sabi ng katabi ko pagka upo ko.

"Oo eh bakit hindi nya ako pinagalitan?" sabi ko sa kanya na may halong pagtataka.

"Sinabihan kasi ni maam yung filipino teacher natin na lumabas ka kasi may pinautos siya sayo, Ano kamusta siya kasama ang gwapo nun ah"

"Nakakainis kasama ang gwapo sana eh kaya lang pangit naman yung ugali."

"Crush mo naman?"patanong na sabi niya.

"Unti"

"Baliw ka na nga talaga "

"Ms. Mercado mind to share what you two talking about!"

"Nothing maam" sabay naming sabi."Yan kasi eh ang ingay mo eh" sabay nanaman naming sabi at tumawa lang kami ng mahina.

Pagkatapos kami pagalitan ay biglang nag ring yung bell.

Dali-dali na akong lumabas para sunduin si Leslie.

"Uy! Halika na" sabi ko sa kanya ng makita ki siya.

"Wait lang masakit yung hila mo" sabi niya kaya binitawan ko na.

"Sorry. Bilisan mo may sasabihin ako sayo." sabi ko sakanya binilisan namin ang lakad namin parang ang excited nito eh parang kaganina lang wait lang mashakit.

Pagkapunta naming parking lot "Oh! Anu yun bilis"

"Ok! Wait lang huminahon ka muna. Ganito yun ng recess bigla ka diba umalis so tumakbo ako at hinanap kita habang tumatakbo bigla kong nakasalubong si Joshua tapos yun nabungo ko siya so ang ending natapunan ko siya ng toyo sa damit tapo--"

"Bakit ka kasi tumakbo pwede namang maglakad ka eh" pagputol niya sa akin.

"Bakit ka kasi umalis eh?. Ok balik na tayo sa kkwento ko so natapunan ko nga siya sa damit sumigaw siya sa galit so sorry ako ng sorry sa kanya kulang nalang kantahin ko yung sorry sorry ng super junior buti may extra siyang damit kaya ok naman diba nga pumunta ako sa room mo at sinigawan kita yun yon. Tapos bumalik na ako sa room kasi nag ring na nga yung bell pagkatapos ng isa naming subject filipino na bigla akong tinawag ni maam bigla akong kinabahan nun baka kasi pagalitan ako akala ko lang pala yun inutosan ako ni maam na samahan si Vonn sa kabilang room pata eexcuse si Joshua so sinunod ko nga bumalik na kami sa room may sinabi si maam kay Joshua inutusan siya na ipasyal si Vonn so ginawa nga ni Joshua tapos may pahabol pa si maam na nagkamali talaga ako na akala ko hindi niya alam na natapunan ko sa Joshua ng toyo sabi ni maam Isama mo si Ms. Mercado. Akala ko tala--"

"OMG! Kasama mo siya mag pasyal Kyaaaaahhhh! Gosh anung feeling makasama ang kamukha ng bias mo?"pagputol niya nanaman sa pag kkwento ko.

"Uhmmmm Hindi! Nakakabwisit siya kasama grabe ang tahimik tapos habang kinakausap ko si Ms. Author tinatawag niya pala ako hindi napansin so nagulat ako at may lumabas sa bibig ko na hindi kanaisnais kaya pinagalitan niya ako tap--"

"Uy! Ano yang hindi kanaisnais na yan ha anu sinabi mo sa kanya na may gusto ka sa kanya noh" pagputol niya nanaman sa pag kkwento ko nakakabwisit na ha.

"HINDI GA*O PWEDE KA BANG TUMAHIMIK MUNA PAGKATAPOS KO NALANG MAG KWENTO IKAW MAG COMMENT BWISIT HA!!!" sigaw ko nakakabwisit na eh putol ng putol eh.

"So balik na tayo. Pinagalitan niya ako kasi nasabi ko ay putapepe eh kasama nga diba namin yung kapatid niya so technically maririnig niya yon so hindi na ako nagsalita hanggang sa napatingin nalang ako sa orasan at malapit na ang susunod na subject kaya sinabihan ko na siya na bumalik ang ginawa ng bastos na Joshua na iyon hindi man lang nagsalita o kahit tumango lang basta basta nalng siya maglalakad pabalik sa room yun na" pagtapos ko sa kwento ko.

"Ang swerte mo grabe siguro mukha kayong happy family nun habang pumapasyal na iimagine ko na siya nakakakilig isave mo sa akin yung bestfriend niya ha akin yun" sabi niya

Ang ga*o  talaga tong babaeng to sarap sabunutan eh  buti mahal ko to bestfriend ko to eh.

Nagpaalam na kami sa isat isa at sumakay na sa sarili naming kotse at umuwi na pagka uwi ko diretso ako sa kama at kinuha ang laptop ko at inopen ang aking facebook.

May pag kastalker kasi ako so yun sinearch ko si sino paba edi si Joshua hahaha grabe puro picture niya yung wall niya bakla ba siya?

Ifriend nga natin "Sana tanggapin niya yung friend request ko" sabi ko sabay click dun sa add friend pagkatapos nun nilog out ko na ang acc. ko at shinut down ang laptop ko sabay higa.

"Hay may nakalimutan ba akong gawin parang may nakalimutan ako" sabi ko pumunta ako sa bag ko at binuksan ito pagkabukas ko nakita ko yung polo niya na natapunan ko nang toyo.

"Sabi na nga eh may nakalimutan ako"sabi ko lumabas ako ng kwarto at bumaba at hinanap ang labandera namin.

"Ate pwedeng palabhan po yan ngayon kay langan ko po kasi yan isauli bukas sorry po kung hindi pa kayo magpapahinga isa lang pi naman yan eh"sabi ko

"Hindi maam okay lang yung trabaho ko naman yun eh"

"Ate ang pormal mo naman huwag mo na akong tawaging maam parang ang tanda ko na eh"

"Eh ma--" pagputol ka sa sasabihin niya.

"Ate naman eh sabi ko huwag niya na akong tatawagin na ganyan eh sige po magagalit po ako sa inyo gusto niyo po ba yun"

"Eh anu pong itatawag ko po sa inyo"

"Uhmm Clang na lang po"

"Ahh ok po akin na po para malabhan ko na"

"Ay ito na po paki ingatan po ha hindi po yan akin"sabi ko at umakyat na papuntang kwarto at nag set muna ako ng alarm at natulog na.

===================

A/N: Wohh sorry sa late kong update masyado na kasing busy si Ms. Author sa pag aaral kaya nakakalimutan ko nang mag update sorry sa mga typo dito sa chapter na to.

Huwag niyong kalimutan mag vote at comment yun lang po annyeong.



I'm Inlove with my Teacher's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon