SPSPKNB-Chapter 3:

7 1 0
                                    

Keane's POV'

'Sorry but I'm breaking up with you'

'Sorry but I'm breaking up with you'

'Sorry but I'm breaking up with you'


Paulit-ulit na sinasabi ng utak ko.It's been 2 weeks when he broke up with me pero pakiramdam ko kahapon lang nangyari ang lahat.

Napabalik ako sa realidad ng maramdaman kong may tumulong luha sa mata ko.

"Miss are you okay?"

Napa-angat ako ng tingin at nakita ko ang isang lalakeng nakasuot ng pang soccer at doon lang rumehistro sa utak ko na nasa gilid pala ako ng soccer field.

"Sorry Miss nasaktan kaba?"

Tumingin ako sa kanya na parang nagtataka.Ano ba pinagsasabi nito?

"Nag pra-practice kasi kami tapos nung sinipa ko yung bola masyado atang napalakas at napunta sa direksyon mo"

Tumango nalang ako,'Grabe ka Keane dahil sa kaengotan mo muntik kanang tamaan ng bola' sabi ko sa isip ko.Masyado na talagang na occupied yung utak ko nakakahiya tuloy.

"Miss are you okay? kung gusto mo dadalhin nalang kita sa clinic"

Umiling nalang ako dito,kung pwede nga lang ipa check up sa doctor yung puso ko ginawa kona kaya lang wala namang gamot sa heart broken ehh buti pa sa heart disease meron.

"Are you sure?"

Aish! Bakit ba ang kulit ng lahi neto? gwapo nga,maputi at mukhang mayaman kaya nga lang ang kulit.

"Don't mind me okay? puntahan mo nalang ang team mate mo mukhang kanina ka pa hinihintay"

"Okay"

Sagot nito at tumakbo paalis,dahil hindi rin naman ako makapag concentrate kinuha ko na ang mga libro ko at nagsimulang maglakad palayo.

Habang naglalakad ako sa hallway hindi ko maiwasang marinig ang bulung-bulungan nila.

"Sya ba yung ex ni Dino? grabe kawawa naman sya"-Girl 1

"Diba sya yung nanalo sa  quiz bee last month?"-Girl 2

"Always naman ehh,atsaka sa pagkaka-alam ko valedictorian sya since kinder"-Girl 1

"Wow! Genius,kawawang Dino"-Girl 2

Hindi kona pinansin pa ang iba't-ibang sinasabi nila at naglakad nalang ako patungong library.

"Good afternoon Ma'am"

Bati ko kay Mrs.Imperior na syang librarian sa School nato.Nginitian nya lang ako at binigay ang ID ko.Pumunta naman ako sa may likod para ibalik kung saan ko kinuha ang mga librong hiniram ko.

Habang nag-aayos ako ay nakarinig ako ng ungol kaya nagtaka naman ako atsaka tumingin sa paligid.Tila na estatwa naman ako ng mapalingon ako sa likod ko kung saan medyo madilim na part ng library.

Hindi ko alam kung iiyak ba ako o tatakbo dahil sa likod ng bookshelf nakita ko si Dino na may kahalikang babae habang hinihimas ang maselang bahagi ng katawan nito.

Kahit hindi pa ako tapos sa pag-aayos ay tumakbo na ako palabas ng library.Kahit blurred na ang paningin ko ay patuloy parin akong tumatakbo wala na akong pakialam kung makabunggo ako o madapa ako.

Napahinto nalang ako ng makarating ako sa rooftop hindi ko alam pero dito ako dinala ng mga paa ko.

"Yun ba?! yun ba ang dahilan kaya ka nakipag break sa akin ah?!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa panaginip...Sa panaginip ka nalang baTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon