Autumn

7 1 0
                                    

Nandito kami ngayon sa cementery kung saan nakalibing si lola. Private cementery dito. Naglalakad kami papunta sa museleo ni lola. Nakatingin lang ako sa ibaba. Napansin kong tumigil sila daddy.

"Tignan mo Hon, ang bata pa niya oh"

"Oo nga Hon. Kawawa naman, tignan mo, magka-age sila ni Autumn. Sayang naman"

Napatingin ako dun sa tinitignan nila. Isang Museleo. Pero agad ko ring inalis ang tingin ko, natatakot kasi ako sa sementeryo. Halos two hours din kaming nagtagal dito sa museleo ni lola.

"Ma, naiwan ko po yung camera ko. Balikan ko lang po"

"Sige sama mo na manang"

Bigla naman akong nakaramdam ng tapang para bumalik mag-isa. Parang dapat na mag-isa lang akong bumalik dun.

"Hindi po ma. I'm okay."

"Are you sure Autumn?"

"Yes, ma"

"Sige. Ingat ka"

Autumn ngayon kaya naman maraming dahon ang nalalaglag mula sa mga puno. Nang makuha ko yung camera ko, dumiretso na rin ako na bumalik sa sasakyan namin. Napahinto naman ako dito sa harapan ng museleo nung kaninang pinaghintuan nila daddy.

Lumapit ako. Hindi ko maintindihan kung bakit ako lumapit. Hindi ko alam kung bakit kumikilos ang mga paa ko palapit. Nakita ko yung nakalagay na pangalan.

Mark Nilo. Napansin ko rin ko rin yung birthday at yung araw na namatay siya.

Dec. 16, 1989- Sept. 28, 2011

Last year pala siya namatay. Kawawa naman. Bakit kaya? Nararamdaman ko ngayon ang mainit na luha galing sa mata ko na dumadaloy sa mga pisngi ko. Bakit ako umiiyak ngayon? Hindi ko naman siya kilala. Napalingon ako sa kaliwang bahagi ng museleo. Nakita ko ang litrato ng isang lalaki. Nakasalamin siya, may maayos na buhok at kitang-kita sa kanyang mga mata ang kasiyahan.

Lumipas na ang mga araw pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang litrato ni Mark. Hindi ko alam kung bakit, pero siguro naaawa ako sakanya dahil sigurado akong masaya siya bago siya mamatay. Na marami siyang pangarap na hindi na matutupad.

Napatingin ako sa labas ng bahay namin. Maraming dahon katulad dun sa harapan ng libingan ni Mark. Naramdaman kong bigla ang kagustuhan na pumunta doon. Kinuha ko ang camera ko at lumabas ng bahay.

At pagdating ko dito sa haapan ng museleo ni Mark, maraming tao. Siguro mga kamag-anak ni Mark. Bakit kaya maraming tao dito? Ano ba meron ngayon? Napatago ako ng wala sa oras dahil nakita kong may dalawang babae na lumabas mula sa loob. Yung isa ay umiiyak habang yung isa naman ay hinihimas yung likod ng babaeng umiiyak.

"Mare tama na"

"Mare hanggang ngayon, kahit isang taon na ang nakalipas, hindi ko pa rin tanggap na wala na si Mark"

"Ok lang yan mare. Basta kailangan nating maging masaya para kay Mark kung nasaan man siya"

"Ang dami niyang pangarap. Pero isang araw habang nagpya-piano siya, tumigil siya sa pagtugtog. Nag-alala ako kung bakit siya tumigil. Pagkakita ko sakanya... Wala na siya. Nasa lapag na siya. Sinugod namin siya sa hospital, pero wala na siya. Wala na siya"

at patuloy siya sa pag-iyak.

"Tama na yan. Sshhh.. Oo nga pala, nasan si Matt? 'Bat wala pa siya? Nagyon pa naman ang death anniversary ng kakam---"

"Katulad ko mare, hirap pa rin siyang tanggapin ang pagkawala ni Mark. Alam mo naman na sobrang malapit sila"

Halos tatlong oras din ako dito sa pinagtataguan ko bago mawala ang mga tao. Pumasok ako dito sa museleo ni Mark na makikitaan ng mga tira-tirang kalat mula sa mga tao kanina dito. Naiiyak pa rin ako hanggang ngayon sa mga narinig ko kanina. Ang dami pa niya sigurong mga pangarap. Tinignan ko ulit yung litrato niya. Napakasaya niya.

"Miss?"

Tumingin ako sa nagsalita. At nakita ko ang mukha ni Mark. Pumikit at dumilat ulit ako sa pagbabasakaling na malikmata lang ako. Pero sa pagdilat ko, nakita ko ulit ang mukha ni Mark.

"Miss? Kakilala mo ba si Mark?"

Hindi ako makasagot. Totoo ba 'tong nakikita ko?

"Ako nga pala si Matt. Kakambal ni Mark. Ikaw?"

Hindi na alam ang magiging reaksyon ko. Bigla namang may pumasok na dahon mula sa puno ang lumapag sa ulo ko.

"Ako? Ako si Autumn"

At ngumiti siya.

"Ah. Paborito ni Mark ang Autumn season"

At lumabas ang ngiti sa aming mga labi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Seasons of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon