Ikalawang Kabanata

904 28 5
                                    

Dedicated to: _deyschxl

Kung sino po yung dinedicate ko dito, isa lang masasabi ko MAGANDA. HAHAHA.

-babe 🌟

---


Dayne's Point of View


Gumagala kami nila Jewel dito sa malapit na mall sa school. Hindi na kasi sumama si Alys sa amin and that's a good thing. May kapit lang kasi kay Audrie kaya napapasama sa amin yung weirdong nerd na yon.



Oo, kailan man hindi ko na talaga tanggap si Alys sa grupo namin. Actually hindi lang ako, marami kami except syempre sa dakilang bestfriend niyang si Audrie.


"Girls I have to go, may pupuntahan pa kasi ako. Emergency lang. Ciao!"


Bineso muna kami ni Audrie bago siya umalis.




"Hayy nakakapagod din pala magpanggap no. Bakit kasi hindi na tayo magplano para mapatalsik na yan si Alys?" inis na sabi ni Iyah.


"Chill ka lang tsaka alam mo namang kapag tinaboy natin paalis si Alys mapapasama si Audrie" -Jewel



"Kapag nawala si Audrie mawawala na lahat ng kasikatan na meron tayo ngayon" -Bea

May point si Bea sa sinabi niya, letse kasing Allyson na yan eh! Ang lakas ng kapit. Uminom na lang ako ng frappe na binili ko. Pampagaan ng loob kumbaga. Nagulat ako ng may dumampi na labi sa pisngi ko.



"Hi Babe" sabi ni Terrence Bautista. Ang Ultimate Playboy ng Hudston Academy.




"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.




"Naglalakad lang kasi ako dito sa mall at nakita kita kaya dumeretyo ako dito by the way I brought some boys, okay lang ba sa inyo?"




"Sure Terrence" sambit ni Iyah.




Hindi na rin kami nagtagal sa mall, dumeretyo na kami agad sa isang sikat na bar along the way sa Makati. Kung tinatanong niyo, sanay kaming uminom ng alchoholic drinks kahit minor pa kami. We used to go out at night and party all we want.




"Babe you want more?" pagaalok sa akin ni Terrence ng vodka.




"Nope I'm fine. Inumin mo na lang yan, lalabas lang ako, I need some fresh air"





Iniwan ko na si Terrence sa table namin at lumabas na ko ng bar. Pagkalabas na pagkalabas ko niyakap na ako agad ng malamig na hangin. Masyado ng malamig since winter season na. Nilibot ko ang mga mata ko at pagkakita ko sa left side nakakita ako ng picture perfect na pamilya. Nakatitig lang ako sa kanila hangang makalagpas sila sa kinatatayuan ko. Naalala ko na naman yung dati..




FLASHBACK...




"Papa! Saan ka pupunta? bakit may dala kang maraming bag? Iiwan mo na ba ang princess Dayne mo?"



"Na-nak a-anong klaseng tanong naman mga yan. May pupuntahan lang akong bussiness meeting kahit ang mommy mo sasama sa akin. Diba Maricris?"






"Ahh oo anak, babalik din kami" sabi ni mommy na may nagaalangang ngiti. Kinausap ni mommy si yaya, nagulat nga ko ng may binigay si mommy na makapal na sobre. Ano kaya yun?





I'm with the KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon