Unang Kabanata

2K 52 8
                                    

Dedicated to: redxwritingxhood

Alysson's Point of View


"Yan ang bagay sayo!"


"Pumili ka kasi ng babagayan!"


"Hindi ka bagay dito!"



"Mag drop ka na! Hahahahaha"



Yan ang naririnig ko sa mga classmate ko at walang ibang ginawa kundi tapunan ako ng basura at harina sa kinatatayuan ko. Hindi ako gumagalaw ngunit yung mga mata ko patuloy bumubuhos. Sanay naman ako eh. Sanay naman akong pag-tripan ng mga tao sa paligid ko at sa oras na nangyayare ito sa akin, isang tao lang ang tutulong sakin.


"Alys!"


Narinig ko ang boses niya sabay ang habag ng yapak niya na papunta sa kinatatayuan ko.




"Tumigil nga kayo sa ginagawa niyo! Ilang beses ko na ba kayong pagsasabihan na tigilan niyo ang pangbubully niyo kay Alysson! Sa oras na mangyare to ulit baka hindi na ko makapagtimpi at kayo ang ipapadrop-out ko!"



"Ewan ko ba sayo Audrie kung bakit mo kinakampihan yang nerd na yan! Siya lang naman ang panira sa grupo niyo!" sagot ni Phoebe. Isa sa sikat na cheerleader sa school.




"At sino ipapalit namin? Ikaw?" sabi ni Audrie habang lumalapit kay Phoebe. "Na walang ibang ginawa kundi maglagay ng palamuti sa mukha mo na kulang na lang eh maging espasol na sa sobrang daming foundation na nilagay mo, FYI nagmumukha ka nang bakla and please don't call me Audrie we're not close"




Pagkasabi ni Audrianna Sabellano also known as Audrie ay biglang tumahimik ang classroom kahit si Phoebe na kanina parang leon ay naging tuta na nangangailangan ng nanay. Ito naman talaga ang laging eksena. Aapihin ako at darating siya.

"Bes tara na tulungan na kitang pagpagin yung harina diyan sa uniform mo pero may extra naman akong uniform ipapahiram ko muna sayo tsaka hinihintay na rin tayo ng iba. Buti na lang bumalik ako dito dahil kung hindi baka ano pang ginawa nila sayo"


Inalalayan niya kong tumayo. Mukha akong kawawa sa kalagayan ko. Tama naman sila eh, ako lang ang sabit sa grupo.

Dito kasi sa Hudston Academy, may dalawang grupo. Una ang mga sikat na tao tulad ni Audrie sila ang nakakataas ng hierarchy sa school habang ang isang grupo ay mga estudyanteng tinatawag nilang patapon. Doon dapat ako sumasama sadya lang na hindi ko mahindian si Audrie. Ang aking childhood bestfriend.

Siya ang pinakasikat sa Hudston or in short isa siyang queen bee. Hindi lang sa maganda, mabait pa siya kaya maraming tao ang nagkakagusto sa kanya. Bata pa lang kami, bibo na talaga siya kaya kahit yung sarili kong ama, kinagigiliwan siya.


"Girls sorry kung nahuli kami. Napagkaisahan na naman kasi si Alysson sa room ng mga walanghiya nating mga classmate"

Sabi ni Audrie, tumahimik na lang ako since hindi ako komportable sa suot ko ngayon. Masyado kasing maikli sa akin dahil ganito ang mga uniform ni Audrie. Ibang iba sa uniform ng mga ordinaryong estudyante na nag-aaral dito.

"Alys okay ka lang ba? May nakuha ka bang galos? Gusto mo samahan kita sa clinic?" usisa ni Jewel.

Jewel Blanco. Siya ang 'ate sa amin. Kapag kinakailangan mo ng sasabihan ng problema, pwede mo siyang lapitan.

I'm with the KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon