Ikaapat na Kabanata

581 25 2
                                    


Continuation nung iniwan ni Alys sila Zeke at Audrie..

Audrie's Point of View

Ano kayang nangyari doon kay Alys? Mukhang malungkot na nadidismaya nagmamadali na ewan. May problema kaya yon?

Hindi ko muna inisip ang bestfriend ko instead binebaby sit este kinausap ko na lang si Zeke na kanina pa atang aligaga


"Au-Audrie.." sabi nito habang kinakabahan

"Oh bakit? Parang kinakabahan ka ata ah"

"May gusto sana a-akong sabihin sayo" bakit parang nabubulol ang dila nitong lalaki na to?

"Oh ano?" sabay cross arms ko habang nakasandal sa inuupuan ko since nasa catwalk lang kami ng school


"Ahhh ehhh"

Hahaha ang cute ni-- oops erase erase ano ba tong pinagsasabi ko? Naguguluhan na talaga ako sa sarili ko. Bakit ba tuwing nandito si Zeke parang ang saya ko?

These past few months kasi lagi ko na 'tong nararamdaman kapag nandiyan siya lalo na't naging parte na siya ng tropa. Yung tipong makita ko palang siya buo na ang araw ko, gusto ko lagi siyang nandiyan sa paligid ko at sa tuwing magkakalapit kami bumibilis yung tibok ng puso ko tsaka nalulungkot ako pag kasama niya ang bestfriend ko si Alys lalo na pag inaasar silang dalawa parang naiingit ako.. Naguguluhan na talaga ko sa sarili ko inlove na ba kaya ak---

"Huy Audrie nakikinig ka ba sakin?"


"Ha? A-ano ulit yung sinabi mo?" masyado na ata kong napadala sa pagiisip ko kaya I try to compose myself

"Kita mo? Hindi ka nga nakikinig wala pa nga akong sinasabi eh" sabi niya sabay tawa ng mahina. Loko to ah ako ata pinagloloko nito

"Ako ba pinagloloko mo Zeke? Ano bang klaseng sagot yan? Paano ko makikinig sago kung hindi ka pa naman nagsasalita"

"Taray mo naman pero may point ka rin naman hahaha" pagsang-ayon niya sa katangahan niya hay napakamot na lang ako sa ulo sa lalaking kaharap ko


"Tara na nga may pupuntahan tayo" aangal pa sana ako ng hilahin niya na ako kaya natangay ako ng wala sa oras, takbo lang kami ng takbo ng huminto na kami sa...

Sa sementeryong katabi ng academy. Bakit dito?!


"Uy anong ginagawa natin dito?! Balik na ng--"



"Shh huwag ka ngang maingay dito na muna tayo para tahimik"


Juice colored. Ang dami pwedeng pagtambayan dito pa sa sementeryo na napakacreepy pwede namang sa park para maganda ang ideal date nam-- we-wait anong date niyang pinagiisip mo Audrie? Hayy hindi ka na naman nakainom ng gamot

"Edi mag-isa ka dito gusto mo pala ng tahimik eh" paalis na sana ako dahil hindi ko na rin kinakaya ang takot nang hawakan niya ang kamay ko. Kung anong kuryente ang naramdaman ko pero ano bang plano nitong lalaking to? Huwag niyang sabihing mag stay kami dito. Tsaka hindi ko kayang hindi mabuhay na hindi nag iingay


"Please sige na" sa mukha bang to makakatangi ako syempre hindi kaya umupo na lang ako sa tabi niya. Sa karami-rami ba kasing lugar dito niya pa napili at tsaka ano bang gagawin namin dito? Kanina pa ko kinikilabutan dito o!


Ito kasing sementeryong to ay katabi lang ng school namin as in katabing katabi. Nasa side to, bale kapag umakyat sa isa sa rooftop ng mga building dito like the science and engineering buliding kitang-kita mo to at ang astig pa dahil kapag nasa taas ka kitang-kita yung sementeryo na may mga lapidang naka form na heart shape. Nakakamangha promise. Yun nga lang nakakatakot kasi kahit bali-baligtarin mo man ang mundo sementeryo parin to


I'm with the KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon