KAPITULO VI:SA MALALIM NA SALITA...

1.3K 85 3
                                    

Paumanhin sa aking mga mambabasa.
Ngayon lang po ako nakapaglagay ulit ng panibagong yugto ng kwentong ito.

Itong yugto ay inaalay ko sa malalalim na tao. :)

Fastforward...

Am, Philippine literature class,int.

Nagulat lahat ng estudyante ni Althea kung bakit
May dala syang gitara sa klase.

Drake
Prof, bakit may dala kayong gitara?
May jamming session ba tayo ngayon?

Althea
Magandang tanong yan. Malalaman nyo kung
Bakit may dala akong gitara.pero bago ko
Sagutin ang tanong na iyan, maari ko bang
Malaman kung nasaan ang mga takdang
Aralin nyo?

Nagbulungan ang buong klase. Umingay na lalo
Sa mga tanunga at bulungan.

Althea
Hayan. Dyan kayo magagaling. Ilan na ba
ang mga edad ninyo para kayo pagsabihan
Na Gumawa at maghanda para sa presentasyon
Nyo? Tutal may gitara ako dito, pumunta kayo
Isa isa rito sa harapan at tutugtog ako.
Ipapakilala nyo ang inyong sarili sa pamamagitan
Ng tula.

Jade
(On her mind)
Dami talagang papresko ng taong ito.

Althea
Ang mauuna ay si.. Jade buenavista.

Jade
(On her mind)
No shit?! Seryoso ba talaga ito? Mukhang
Gumaganti itong taong ito.

Althea
Jade? Tatayo ka o nanaisin mong hindi ko gdaan Ang classcard mo?

Tumayo si Jade kahit ayaw nya.
Badtrip na badtrip talaga sya kay Althea. hindi parin Nya makalimutan ang diskusyunan nila noong nakaraang Gabi sa brewery.

Tumayo na si Jade sa harapan ng kanyang mga kaklase at Nagsimula na din si Althea na ikumpas ang mga kwerdas Ng kanyang gitara.

*insert song-makataruok (gdc)

Jade

Mapusok.
mataimtim.
Malalim.

Maraming bagay na bumabagabag
Sa aking isipan, lalo na sa aking
Nararamdaman.
Gayunman, maraming tinatahak
Na labis na hindi maunawaan.

Mapait.
Masalimuot.
Tila parang isang presong
Nakakulong at Labis na gustong makawala.
Nais baguhin ang mundong aking ginagalawan.
Sapagkat, noong nasa tuwid na daang aking
Tinatahak, napagtanto ko na isa palang
Daan ang aking matutuklasan na kung
Saan doon ko makikilala ang aking sarili.

Ito ako.
Ito ang daang aking tinatahak.
Ito ang daan kung saan ko nakilala ang
Aking sarili.

Ito ako.
Malayang ilalahad kung ano nga ba
At kung saan ako nararapat sa mundong
Aking kinatatayuan.

Ito ako.
Ito ako na Malayang inilalahad ang aking
Damdamin na walang takot
At pangambang nararamdaman
Sa aking puso.

Ang Bokalista Kong Prof(Rastro/jathea Fanfic Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon