Chapter 15

9 1 0
                                    

Pagkarating namin ng Cafe Belize, di muna kami umorder. Pinag-usapan muna namin yung tungkol sa coin.

"So.. What's about the coin?"

"Oh. Uhm, matagal mo na kasi akong stalker. Ay, admirer pala. Stalkers are for losers."

"Oh tapos?"

"Ayun, feeling ko mapapansin mo ko, one day. So, I kept on waiting for you. Marami akong couple things na pinagawa. Bracelets, watches, even shirts. Ka-baklaan diba?"

Nanahimik nalang ako. So he doesn't just like me, he loves me na? Uh-oh. Don't assume, Lek. Ang OA mo.

"But one time, umuwi ka sa bahay niyo nang may kasamang ibang lalake. Inisip ko na baka pinsan or friend mo yun. Pero inakyat mo sa room mo. And you posted some stuffs with him. I saw you posted 'DARYL' on your wall. So nawalan ako ng lakas. He's your boyfriend now. And I'm just a nobody."

"Oh." Yan lang tangi kong nasabi. Medyo nakakalungkot. Di ko alam na alam niy lahat ng nangyayari sakin nun.

"I know everything about you. Your laughs, even your tears. Kasabay ng pag-ngiti mo sa piling niya ang pagluha ko sa mga bagay na kailangan ko ng itapon din."

He cleared his throat for a while. Tapos nagsalita ulit.

"But then, As the song goes by, How can I move on when I'm still inlove with you? I even burned out everything to forget you. Kasama dun yung coin. HAHA guess what, di siya nasunog. Nung itinapon ko na yung ash dun sa garbage bin, nahulog pa yung coin. Pinulot ko yun tapos tinapon sa kalsada. Wish ko na sana mapulot mo. Para naman sana, kahit maliit na memory from me lang, meron ka. At ayan na nga. Napulot mo."

"Why didn't you tell me all about these?"

"Para saan pa? Para guluhin kayo ng boyfriend mo? Wag nalang. Hindi naman ako ahas na nang-aagaw ng hindi sakin. Hindi ako bitch. Alam kong masaya kayo, masaya ka. So I'll just be happy for the both of you."

"Sino bang nauna? Si Daryl o ikaw?"

"Uhm, hindi ko rin alam."

"Two years din akong niligawan ni Daryl e."

"Two years lang? Third year today? Haaay. Ako nga, since grade six pa tayo."

"Huh? Pero paanong--"

"Wala ka kasing pakialam sa surroundings mo. Mas nauna pa nga kami sa village kesa sa inyo eh!"

"Owws?"

"Oo kaya. Oh heto, kilala mo ba kung sino neighbor mo sa right?"

"Uhm, wala na kayang nakatira dun!"

"Oh sino yung dati?"

Natameme nalang ako. HAHAHA wala nga talaga akong pakialam sa surroundings namin.

Tinawag ko nalang si Kuya Randell para maka-order na kami. Medyo nagugutom na rin kasi ako.

"Hi Lek, yung dati?"

"Opo, kuya."

"How about you sir?"

"Kuya Ran naman! Sir ulit?"

"O sige, Teb. Yung dati rin?"

"Opo."

"Wait. Kilala mo siya?"

Ngumiti nalang si Kuya Randell. So, kilala niya nga?

Pagkaalis pa lang ni Kuya Randell, nagsalita nanaman si Teb.

"Ano yung dati mong kinakain?"

"Uhm, spc carbonara without parsley. Eww. HAHA and chocolate mousse. E ikaw?"

"Same same."

"Huh? HAHAHA"

"Oo nga."

"Ahhh. Oh, paano mo nakilala si Kuya Randell? Siguro avid customer ka rin dito. Hays. This place is so awesome talaga. Nice, relaxing, a place where I can find leisure."

"Wow. What a nice opinion. Sandali lang ha."

Tumayo siya mula sa pinagkaka-upuan niya at pumasok sa office ng Cafe. What? Authorized personnel lang pwede dun diba? Bakit siya pumasok?

Pagbalik niya, may dala na siyang colored papers. Size ng origami paper. Tapos may mga colored pens pa.

"What are those for?"

"Thought board."

"Oh. Eh bakit ikaw gumagawa niyan?"

"Ay. I'm managing this Cafe."

"WHAAAAAAT?" Gosh. Ang ingay ko yata.

"Shhhh. Yes. Ako nagpapatakbo nito."

"How?"

"My mom's name is Belize. She said I should put up a business na ako lang mismo ang magmamanage. So here is it."

"Ahhh. Ang galing."

"Yah. And proudly saying, never pang nalugi ito or nagkulang sa kinita for 4 years na."

"Wow. Just wow. So now what?"

"Now, you will jot there everything you said about this place."

"Eh? Saan ko naman ididikit pagkatapos?"

"May board sa office. Kunin ko later."

"Ay uh. Okay."

So I wrote down everything I said awhile ago. Sabi niya e.

Na-serve na yung food namin pero di pa muna namin kinain. Kinuha ni Teb yung board sa office. Ang cute nga e. Color red with the touch of pink and velvet.

Ipinadikit niya yung board sa wall, malapit sa door. Nakaka-amaze nga e kasi yun lang yung katangi-tanging wall na walang laman. I mean, walang design, walang painting or picture. It's just a plain wall.

Pagkadikit ng isang crew doon ng board, idinikit ko rin yung paper na sinulatan ko. Here's the content.

There's no such word that best describes this place because it describes all the perfections I'm looking at every cafe. So love this place ❤

It kinda look so nice. Iniwan namin sa table ang colored pens and papers kung sakaling gustong magsulat nung mga customers.

Pagkatapos nun, bumalik na kami sa table namin and nag-start nang kumain. Pansin rin namin na marami nang nagpopost ng thoughts nila sa board.

"Successful yang pakulo mo Mr. Manager!"

"Credits to you. Thank you!"

"Ikaw kaya may idea nito. HAHA"

"HAHA basta salamat."

Pagkatapos naming kumain, nagpahinga muna kami. Marami-rami na rin nag-post ng thought e.

Nang mag-alas syete na nang gabi, naisipan naming umuwi na pero bago umalis, binasa namin yung mga thoughts sa board.

Nakakagaan ng kalooban pero may isang nakuha ang attention ko.

To the manager of this Cafe,
Thanks for putting up this board. I hope na mapansin mo na ako. Matagal na po kitang crush.
-Belissima

I got silent until we go home. I don't know why. Ni hindi ko na talaga pinapansin nasa paligid ko. Hays.

Umakyat ako sa room ko with that confusement. Humiga na ako sa bed. Maya-maya, nag-ring yung phone ko kaso di ko pinapansin. I turned on Airplane Mode. Gusto ko ng peace of mind today.

"Wait Lek-Lek, are you jealous?"

Waiting for Superman's ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon