Chapter 17

6 1 0
                                    

So ayun na nga. Naging kami ni Steven. Alam kong ang bilis lahat ng pangyayari. Ewan ko nga eh. Tama ba naging desisyon ko na sagutin siya?

"Uy babaita!" Here he goes again. May chismis nanaman siguro ang baklang 'to!

"Oh anong meron, Sis?" Tanong ko naman. Patay malisya kunwari.

"Balita ko, kayo na daw ni Fafa Teb ah!" Sagot niya. Ambilis talaga ng chismis.

"But.. how did.." hindi ko pa tapos sinasabi ko ng ipakita niya ang phone niya sakin.

"See these. HAHAHA kakilig naman!" Baliw na bakla eh.

"Wait. Where did you got those pics?" Tanong ko.

"Uhmm.. Oh shocks! Hinihintay pala ako ni Yans ngayon. K. Bye Lek! See yah around!" Tapos nag-flying kiss. Luuuh! Umiiwas siya!

"Uy.. T-teka ngaaa! Bumalik ka ri..to.. Haaays!" At iniwan na niya ako dun. Saan kaya niya nakuha yung pictures na yun? Akala ko, kaming dalawa lang ni Teb magkasama nun sa park eh.

So naglakad na ako para pumasok sa first class ko. Wala namang unusual feeling. Parang normal lang. Wala naman kasing long sweet message si Teb kaninang umaga or kahit good morning text. Hindi rin niya ako sinundo. Or kahit sumilip lang sa window, wala.

Habang naglalakad sa hallway, andaming nagbubulungan habang nakatingin sakin. What's their problem?

Pagkapasok ko sa room, lahat ng attention nila, nabaling sakin. Ultimo yung nag-rurush ng diorama sa sulok, napatingin sakin.

"What? Is there a problem on my face or something?" Tanong ko. Well it's kinda aanoying.

Tapos ayun, back to reality nanaman sila. Ano ba!

Dumiretso ako kay Yans na akala ko pupuntahan ni Genesis. Lokong bakla 'to! May tinatago ngaaa!

"Yaaaannss!" Bungad ko.

"Yo." Sagot niya lang.

"Ay ang tipid. May pinag-iipunan ng reply?" Sagot ko naman.

"Walaaaaa." Sagot niya rin sabay ngiti ng malaki.

"'Yang mga ganyang ngiti talaga eh! Ano bang meron?" Tapos kinapa-kapa ko mukha ko. Tinignan ko rin mukha ko sa salamin. Baka may dumi. Eh kanina pa nila ako tinitignan!

"Wala ngaaa! Kinikilig lang!" Sagot niya sakin.

"Sus! Eh bakit nila ako tinitignan?" Tanong ko.

"Ah eh. Malay ko! Siguro kasi na-miss nila mukha mo o baka.. o baka maaga ka ngayon o kaya naman.. ah.. maganda mukha mo o baka talaga.. ano.. yung--"

"Ay ang daldal teh?" Sabat ko.

"Konti lang!" Sagot niya ulit sabay tawa. Baliw talaga.

Maya-maya, dumating yung president sa class ni Miss Science. Yessssss! Mga ganitong scene, alam na eh!

"Good morning everyone." Bati ni Hailey.

"Good morning Class 3 president." Bati ng lahat. Ayos 'diba? Oo. Kagalang-galang. Ganun kasi protocol sa university. Ayon sa Code No. 22 ng Unibersidad de Talento Rules and Regulations, "Officials that are above you, dean, principal, faculty, instructors, teachers, EVEN students with authority should be respected." OHAAAA! Lahat dapat ng student na papasok dito, memorize lahat 'yang singkwentang Codes na 'yan! Naalala ko lang nung freshie pa ako dito sa Univ. na 'to, pagtapak-na pagtapak ko sa room. Leche flaaan! Pina-recite samin yung Codes! Buti sana kung may kasama ako eh! Pero wala bes! I'm alone in my deepest darkest moment! Nakakaasar din kasi yung kuya kong masungit! Hindi ako sinabihan na kailangan pala yun dito! Pero nang dahil dun naman, nakilala ako bilang 'FCG' or 'Forgotten Codes Girl'. Nang dahil diyan, naging famous tuloy ako sa school! HAHAHAHA oh 'diba?

Waiting for Superman's ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon