CHAPTER EIGHT:

14 1 0
                                    

Savannah's POV:

"What do you want me to do?" I boredly asked him.

"Sit." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Huh?"

"Are you deaf? I said sit." Kahit nagtataka ay umupo ako sa harapan niya. Nasa dining room kami ngayon dahil nag-brebreakfast ang ugok na to. "Get her a plate." Agad naman sinunod ng maid ang utos niya at binigyan ako ng plato. "Eat."

"I already ate." He glared at me.

"Are you defying your master's order?"

"Kumain na nga ako. Busog pa si tummy."

"Serve her food." Sinunod naman ng maid ang tugon niya at agad nilagyan ang plato ko ng pagkain. Agad naman akong natakam. PG kasi ako! "You're too skinny and flat chested. So eat, horsey." F-flat c-chested!? Urgh!

"Hoy! Fyi, di ako flat chested! Cup B to! Cup B!" Sabay turo sa boobs ko. He raised his right brows at me.

"I don't even see your boobs. It's flat." Sabay gesture sa kamay niya sa ere ng flat surface. I fumed.

"Minsan ka nalang nagsasalita nilalait mo pa ako." Sabi ko sa kanya. He said nothing. Tahimik kaming kumain.

I glanced at him. Kumakain lang siya ng tahimik habang nagbabasa ng dyaryo. Nakakunot ang kanyang noo. Ano kaya ang binabasa niya na ganyan nalang ang itsura nito? Bumalik nalang ako sa pagkain. Nagulat ako ng bigla niyang nilapag ang dyaryo na pagalit sabay walk out. Problema nun?

"Anong nangyari, ija?" Tanong ni Manang Wellia sa akin.

"Ewan ko ba dun. Nag-walk out nalang bigla." Tumayo ako sa upuan at kinuha ang dyaryo. Kumunot ang noo ko.

Chase Jimenez, a multi-millionaire son dating Sandra Griffin, a popular international super model.

Ano ba ang ikinagagalit niya dito? Ohemgee! Baka nagseselos siya na ang Jimenez na ito ay may dinadate na super model. Bakla si Blake! Ohmygosh! Baka yun nga! Pero para namang imposibleng maging bakla yun. At isa pa sayang ang lahi niya kung ganoon.

"Ija, okay ka lang ba?" Sinilip niya ang tinitingnan ko na dyaryo. "Oh! Si Sir Chace to, ha. Pwede patingin, ija?" Tumango ako at ibinigay sa kanya ang dyaryo. "Mabuti naman at sa wakas ay masaya na si Sir Chace."

"Bakit po manang?"

"Eh, kasi dalawang taon na ang nakakalipas ay may girlprend si Sir Chace na maganda. Magkamukha nga kayo, ija---"

"Horsey." Napatalon ako sa gulat.

"Ano ba Harrison! Ginulat mo naman ako!"

"Hurry! We're going somewhere." I stared at him.

"Where?" Di niya ako sinagot sa halip ay tumalikod ito at naglakad palayo. I rolled my eyes annoyingly.

"Sige manang. Mauna na kami. Babye po!"

"Magiingat kayo."

"Okay po."

------------

"Where are we going?" I asked. Nasa kotse niya kami ngayon. I must say his car is such a bae! I love sports car and if it's Ferrari, I totally swoon at it.

"Hey! Nagtatanong kaya ako sayo." Di pa rin niya ako kinikibo. Pag di ka pinapansin ng isang Blake Harrison, meaning yan manahimik ka nalang dahil wala siyang balak sagutin ka. At dahil ayokong magsayang ng laway ay nanahimik nalang ako. Hmph! Bahala siya!

Tinanaw ko nalang ang tanawin sa labas. Suddenly droplets of water came pouring down. Ngumiti ako. I love the rain! I slowly closed my eyes and listened to the pouring rain.

Saving The Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon