Kabanata 2
Us
After that day, hindi na ako tinigilan ni Jake. He's always following me and it's creeping me out. Alam niyo iyong pakiramdam na laging may sumusunod sa'yo tapos may mga mata pang nakatingin sa paligid mo? Grabe! Dinaig ko pa ang nasa horror movie tuwing nasa school ako.
Gustong-gusto ko siyang bigwasan at sigawan pero hindi ko magawa. Nakakainis! Bakit ba kasi kailangan kong magpanggap na mahinhin, nakangiti palagi at karespe-respeto sa paningin ng mga tao dito? Hindi ako 'to eh. Kabaligtaran 'to ng Maria Johann na kilala ni Jake Marlou Ibañez.
Ang totoong Maria Johann ay hindi babaeng kumilos. Hindi mahinhin, sigang maglakad, malakas tumawa at hindi mahilig magsuot ng mga pambabaeng damit. Isang simpleng t-shirt at loose pants, okay na. Hindi siya mahilig magsuot ng mga doll shoes at heels. She prefers rubber shoes. Mas mabilis kasing gumalaw kapag ganoon ang suot. Hindi kagaya noong ibang babae na halos iluwa na ang kaluluwa sa mga suot nila.
That's the MJ that everyone in my family knows but my Mom said that I should act like a lady. Hindi daw maganda sa isang babae ang mga ganoong istilo pero hindi ko siya sinunod. Nagalit na siguro siya sa akin kaya pag-uwi ko sa bahay noong nagbakasyon ako sa Seoul, wala na ang mga gamit ko. As in, wala lahat. My clothes, loose pants, rubber shoes and caps even the displays in my rooms, nawala lahat. Napalitan lahat iyon ng mga gamit ng isang babae. Halos masuka ako sa mga nakita ko sa closet ko. My gray, black and white shirts lahat iyon napalitan ng feminine clothes and most of them are color pink. My loose pants? All of them are now shorts and skirts. My rubber shoes? Iilan na lang natira halos lahat heels and doll shoes.
Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit ginawa iyon ni Mommy. Because, I am freaking engaged to that guy! She wants me to be a lady whenever I'm with Jake. Sa totoo lang, nakakabwisit eh. Tanggap naman ni Jake na ganoon ako.
"Hey." I looked up to him. I just gave him my death glare. Tinawanan lang niya ako at umupo sa tapat ko.
"Highblood ka na naman sa akin, wala pa naman akong ginagawa. Ganoon na ba ako ka-hot sa paningin mo?" Sabi niya habang nakahalumbaba sa harapan ko. Inirapan ko naman siya.
"Ang yabang mo talaga. Alam mo, kung hindi dahil sa'yo, hindi sana ako nahihirapan ng ganito." Sabi ko. Sumeryoso naman ang mukha niya. Umayos naman siya ng pagkakaupo at humalukipkip.
"What did I do? As far as I remember, wala akong ginagawa sa'yong masama. Hindi ka ba natutuwa na na-engage ka sa katulad kong gwapo? Madaming babae ang nasira ang pangarap dahil sa'yo." Proud na sabi niya. Napakuyom naman ang kamao ko. Bwisit.
"Huwag ka ngang bilib diyan sa sarili mo. Nakayabang mo. Kung hindi dahil sa'yo, hindi sana ako nagpapanggap ng ganito. Hindi sana ako nahihirapang itago kung sino talaga ako. Iyong tipong gustong-gusto ko ng magwala dahil sa naririnig ko sa mga babae dito, hindi ko magawa. Ayoko ng ganito." sabi ko. Nakatingin naman siya sa akin na parang manghang-mangha.
"You have your choice Maria Johann. May choice ka pero mas pinili mo iyan. Tanggap naman kita kahit sino ka pa pero mas gusto ko iyang ganyan ka kapag nandito tayo sa school kasi hindi mo ako kayang alaskahin. Haha. But Maria, whenever you're with me, just be your true self. Hindi mo kailangang magpanggap kapag kasama mo ako." Sabi niya habang titig na titig sa akin. Hindi naman agad ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Akala mo kung sinong mahinhin oh. May itinatago rin naman palang kalandian."
"Yes, girl. Wala namang special sa kanya. She's not pretty kaya."
"Umaarteng ganyan para mapalapit kay Jake. Akala mo naman magugustuhan siya."
Napayuko ako sa mga narinig ko. Bwisit sila! Wala silang karapatan na salitaan ako ng ganoon. Kung makapag-usap, akala mo wala dito ang pinag-uusapan. Nakakainis na! Sumosobra na sila. Tumayo ako na nakakuyom ang mga kamao ko. Kung iniiisip nila na wala lang sa akin 'to, nagkakamali sila. Hindi ako kailanman nagpapatalo.
Maglalakad na sana ako papunta sa mga babaeng nag-uusap ng may humawak sa kamay. Sa gulat ko ay binawa ko agad ang kamay ko pero hinawakan niya ulit.
"Ano bang ginagawa mo?" Tanong ko kay Jake. Muntik ko ng makalimutan na kasama ko nga pala siya. Alam ko na nakatingin na naman sa amin ang mga tao dito.
"Calm down, Maria. You don't need to fight them. Alam mo ang totoo so you don't have to level to them. You are special in your own way. Kung hindi nila nakikita iyon, it's their lost." He said. Wala na naman akong masabi. Pinaupo niya ulit ako tapos umali siya. Sinundan ko naman siya ng tingin. Papunta siya doon sa grupo ng mga babaeng nag-uusap tungkol sa akin.
"Hey, girls!" He greeted them. Mukhang nagulat naman ang mga babae na makita si Jake doon. Tss. Mga malalandi!
"Jake." Halos mautal sila sa pagbanggit sa pangalan ni Gago.
"I heard what you've said to my fiancé earlier." He casually said. Bwisit! Wala pang nakakaalam ng tungkol doon. Bakit niya sinasabi? Hindi niya dapat ipagkalat ang tungkol doon. Kakausapin ko pa si Mom about that matter. Ayoko kasi talagang magpakasal sa katulad ni Jake.
"What? Fiancé?" Tanong noong isang babae na putok na putok ang pisngi dahil sa blush on. Tumango naman si Jake. Ngiting-ngiti pa siya.
"So, kapag may narinig pa ulit akong masama tungkol sa fiancé ko, all of you will be dead. Nagkakaintindihan ba tayo, girls?" Nakangiti pa din siya. Iniwan na niya iyong mga babae at lumapit sa akin. Hinawakan naman niya ang kamay ko.
"Let's go." sabi niya sa akin. Nakangiti pa din siya. Nagpatianod naman ako sa kanya. Ano bang ginagawa niya? Hindi ba niya naisip na mas lalo lang kaming pag-uusapang dalawa? Dapat naiinis ako sa ginagawa niya pero bakit hinahayaan ko lang siya.
"I told you, they are in a relationship."
"They're really look good together."
"Before pa naman eh, masasabi mo na talaga na sila kasi iba iyong mga galaw ni Jake sa girl."
Sa lahat ng madaanan naming table, hindi ako nawawalan ng naririnig. Feeling ko, instant artista kami na katulad nina Kathryn Bernando at Daniel Padilla na hinihintay ng publiko na umamin.
Wala naman kaming dapat aminin na dalawa. Yes, engaged kami sa isa't isa. Hanggang doon na lang iyon. Hindi ko siya gusto. Hindi ko rin siya mahal. Lumaki man kami ng sabay, hindi naman mababago noon ang katotohanan na hindi ko siya tinitingnan kagaya ng ibang babae. Nasanay na ako sa ganyan niya. Lagi niya akong ipinagtatanggol kapag may umaaway sa akin. Natural na lang sa akin iyong mga ginagawa niya.
"Iyak." Napatingin ako sa kanya. Titig na titig siya sa akin. Anong sinasabi nito?
"Alam kong gwapo ako. Huwag mo na akong titigan. Umiyak ka na diyan. Alam kong kanina mo pang pinipigilan iyan. Hindi kita pagtatawanan at pakikialaman." Sabi niya at sumandal sa pader na nasa likuran namin. Dinala niya ako sa likod sa likuran ng Science lab. Kahit papaano may nagagawa namang maganda ang lalaking 'to. Tiningnan ko ang kamay kong hawak niya pa rin. Hindi pa niya binibitawan simula kanina.
"Alam mo kahit nakakainis ka, may nagagawa ka ring maganda kahit papaano." sabi ko sa kanya at sumandal na rin sa tabihan niya. Hindi naman siya nagsalita. Kapag may mga ganitong nangyayari, alam na alam niya talaga iyong dapat gawin. Hinayaan niya lang akong umiyak. Ito iyong side na hindi ko kayang itago sa kanya. Iyakin ako. Mahina. Akala lang ng iba, malakas at matapang ako pero sa totoo lang, mahina talaga ako. Mas nangingibabaw ang emosyon ko. Hindi ko kayang pigilan.
"Iyakin talaga." Rinig kong sabi niya at hinawakan iyong ulo ko para idantay sa balikat niya.
"Akala ko ba hindi mo ako papakealaman." sabi ko habang patuloy sa pag-iyak.
"Ang pangit mo kasi. But you know what? You don't need to cry. It's just nothing. They don't know anything about you. Wala silang pakealam kung ikaw ang gusto kong palaging kasama. They don't know about us. So, don't give a damn on what they're saying. Ako lang ang may karapatang magpaiyak sa'yo." He said. Lalo naman akong napaiyak sa sinabi niya. Bwisit talaga. Iyong puso ko, bumibilis ang tibok.
BINABASA MO ANG
Fall of Maria
General FictionCatch me if I fall. --- Hindi lahat ng naghihintay may napapala. Hindi lahat ng nagmamahal, minamahal. Hindi lahat ng nasasaktan, nakakalimot. Hindi lahat ng umiiyak, napapatawa. Hindi lahat ng nakangiti akala mo masaya. Hindi lahat ng nahuhulog, na...