Fall⬇6

28 2 0
                                    

Kabanata 6

Great

Sa sobrang gulat ko sa ginawa niya ay hindi agad ako nakagalaw. Sobrang bilis ng pangyayari. Nanlalaki pa ang mga mata ko samantalang siya ay nakapikit. Hindi ko namalayan na may luha na palang pumapatak sa mga mata ko. Humiwalay naman siya sa pagkakahalik sa akin. Tiningnan niya ako na parang namamangha siya sa nakikita niya. Nang makahuma ako sa nangyari ay agad na lumapat ang kanang kamay ko sa pisngi niya. Sa sobrang lakas ng pagkakasampal ko ay halos bumakat na ang kamay ko sa kaliwang pisngi niya.

How dare he to kiss me? Wala siyang karapatan na gawin iyon sa akin. Hindi ko kailanman pinangarap na siya ang makakakuha ng first kiss ko. Lalo akong nainsulto ng marinig ko siyang tumawa.

"Stop laughing assh*le! Walang nakakatawa sa ginawa mo. Nakapasama mo talaga." sabi ko sa kanya. Tumigil naman siya sa pagtawa at tiningnan ako ng seryoso. Naramdaman ko nalang ang kamay niya sa pisngi ko. Para naman akong nabato sa kinatatayuan ko. Pinupunasan niya ang luha sa pisngi ko.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" kinakabahang tanong ko sa kanya habang tinatanggal ang kamay niya sa mukha ko.

"Isn't it obvious? I'm wiping your tears." kaswal na sagot niya sa akin.

"Don't touch me." sabi ko pero hindi pa rin niya tinatanggal ang kamay niya. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin. Sinubukan ko siyang itulak pero sobrang lakas niya.

"Nakakarami ka na Jake. Kanina ka pa." sabi ko sa kanya. Narinig ko na naman ang pagtawa niya.

"I waited too long to do this on you. Hindi mo alam kung gaano ko kagustong gawin ang bagay na ito sa'yo. I always wonder when will I hold you like this. I think my time is starting to coming now. I can do everything that I want to you because you're mine now. I won't say sorry for stealing your first kiss because that kiss is already reserved for me. Sa akin lang, Maria." Hindi ko naman alam ang sasabihin ko sa kanya. Gusto kong magsalita pero hindi ko alam kung anong una kong sasabihin sa kanya.

"Don't try to get away from me Maria because I will always find my way to get to you. I won't ever let you go. I will do everything to make you fall for me. Kahit maghintay pa ako ng sobrang tagal mahalin mo lang ako, gagawin ko. Kasi alam kong ikaw ang hihintayin ko. Huwag  mo ng tangkain na itulak muli ako sa iba kasi kahit anong gawin mo, sa'yo lang ang puso ko. Kahit saktan mo man ako ng paulit-ulit, tatanggapin ko kasi sobra-sobra ang pagmamahal ko sa'yo."

"You're crazy. How can you love someone like me? I'm different from the girls who's crazy about you. I'm not the ideal girl of every guys. Mas lalaki pa ako sa'yong kumilos." sabi ko sa kanya. Nakayakap pa din siya sa akin.

"I don't care. Wala akong pakealam kung ganyan ka kasi iyan naman ang minahal ko sa'yo. Yes, I'm crazy. I'm a crazy jerk who's deeply in love with you." Iyong puso ko, abnormal na naman. Sobrang bilis na naman ng pagtibok. Itinulak ko naman siya. Hindi naman na siya pumalag.

"I'm going home. Tell my Mom na sumakit iyong ulo ko kaya umalis na ako." sabi ko sa kanya at nagsimula ng maglakad papunta ng parking lot. Hindi ako pwedeng magpadala sa mga sinasabi niya. Siraulo talaga siya.


---

Pagpasok ko palang sa gate ng school ay usap-usapan na ang balita tungkol sa engagement namin ni Jake. Panay ang tingin sa akin ng mga babaeng nagkakandarapa sa kanya. Nakakairita. Kapag nadadaanan ko sila panay ang pagsasalita ng kung anu-anong masasamang salita na halata namang pinaparinig nila sa akin. Gustong-gusto kong pagsasampalin at kalbuhin ang mga babaeng iyon pero hindi ko pwedeng gawin. Para na akong sasabog sa sobrang bwisit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fall of MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon