Kabanata 5
Engagement Party
Gulat na gulat iyong bakla na nag-ayos sa akin ng bumalik siya sa kwarto ko. Ano daw ginawa ko sa mukha ko at nagmukha akong aswang. Yung sobrang ganda ko daw kanina tapos pagbalik niya ay ibang Maria ang tumambad sa kanya. Napatawa naman ako sa reaksyon niya. Ang OA kasi niya.
Napatigil naman ako sa pagtawa nang mapansin ko na titig na titig siya sa akin. Nayakap ko naman ang sarili ko kasi bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ang mukha ko.
"H-Hoy! Anong ginagawa mo? Huwag mong sabihin na nagpapanggap ka lang na bakla." sabi ko sa kanya.
"Ay grabe ka girl! Babaeng-babae ako noh! Tigilan mo nga iyang pagyakap sa katawan mo. It's so nakakadiri kaya. Hindi kita gusto noh. Ayoko ng kabibe. My gosh! Kinikilabutan ako." maarteng sabi niya.
"Eh kasi naman iyong pagtitig mo nakakatakot tsaka iyang paghawak mo sa mukha ko." sabi ko sa kanya. Sinimulan naman niyang i-retouch ang make up ko.
"Kasi naman girl, iyong mga mata mo. Ang gandang tingnan. Nawala iyong lungkot eh. Parang nag-glow bigla. May magandang nangyari ano?" sabi niya.
"Hmm. Ganun? Wala naman. Hindi naman pala masamang harapin mo iyong kinatatakutan mo." sagot ko sa kanya. Hindi naman siya nagtanong muli at tinapos na iyong mukha ko tapos pinasuot na din niya sa akin iyong gown na susuotin ko. Ngiting-ngiti naman siya sa akin.
"Ay, ang bongga! Grabe! Mala-dyosa ka girl! Sana ako na lang ikaw. Daming Fafa na maghahabol sa'yo eh." sabi niya. Ngumiti lang naman ako sa kanya. Tinanong niya kung nasaan iyong cellphone ko. Kukuhanan daw niya ako ng picture tapos nakipag-selfie naman siya sa akin. Tuwang-tuwa naman ako sa kanya. Ngayon na lang ulit ako nakatawa ng ganoon.
"Girl, ba-bye na ha. I hope na magkita pa ulit tayo. Ay, alagaan mo si Fafa ha. Haha. Bye!"
Alagaan? Sana nga magawa ko iyon kagaya ng gusto ni Misha. Naalala ko na naman iyong sulat. Matapos ko kasing basahin iyon ay hindi na tumigil sa pagluha ang mga mata ko. Kinuha ko iyong maliit na papel na nagpatak kanina ng itago ko ang kahon.
P.S. Ikaw ng bahala kay Jake ha. Mahal na mahal ko iyon. Tsaka alam kong mahal mo din naman iyon so alagaan mo siya ha. Ikaw lang ang babaeng gusto ko para sa kanya. Wala ng iba. Kapag sinaktan mo yun, babalikan kita. Hihilahin ko mga paa mo. Haha. Joke lang bestfriend!
Baliw talaga ang kaibigan kong iyon. I made a mental note na dalawin siya. Ang tagal ko na ding hindi nakakabisita sa kanya.
---
"Good evening, ladies and gentlemen! We are gathered here today to witness the engagement of Mr. Jake Marlou Ibañez and Maria Johann Mendoza.." wala na akong maintindihan sa mga sinasabi ng speaker. Kinakabahan ako sa totoo lang. Sigurado ba ako sa gagawin kong 'to? Paano kung umalis na lang kaya ako? Hindi naman mahahalata ni Mom na nawala ako kasi busy siya sa mga bisita niya.
"Ah, Miss Maria, saan po kayo pupunta? Tinatawag na po kayo." sabi ni Manang.
"Ako po? Pero ang alam ko po ay mamaya pa ako tatawagin. Si Jake po muna yung tatawagin." sagot ko lalong dumoble iyong kaba ko ng makita si Mom na papalapit sa akin. Kainis!
"Hey, young lady. If you're trying to escape, don't bother anymore. You're not going anywhere. Please get out now. Kanina ka pang tinatawag. Please don't ruin this night Maria Johann! Makinig ka naman sa akin." Mom told me. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Bahala na. As if naman na magpapakasal ako sa kanya. Engagement lang 'to.
"Smile, Maria Johann." She said. Sinenyasan niya yung speaker na okay na.
"So, there she goes... Miss Maria Johann Mendoza." the speaker said then Mom pushed me to get out.
Nasilaw ako sa sobrang liwanag ng lumabas ako. Kitang-kita ko ang saya sa mga mukha ng mga tao. Lahat sila ay nakangiti sa akin. Masayang-masaya sila pero ako, delubyo ang nararamdaman ko.
"Miss Maria, any words?" the speaker asked me when I reached the center. What am I going to say? I looked at my Mom. She's eyeing me intently. I get the microphone.
"Good evening everyone! Thank you for coming to my engagement party to Mr. Ibañez. Please, enjoy the night." I said. I looked around and there, I saw JM's friends. Lahat sila ay nandito. Halos manigas ako sa kinatatayuan ako ng maramdaman siya sa tabihan ko. Yumuko siya para makatapat sa tenga ko. Nakiliti ako ng bahagya ng maramdaman ko ang paghinga niya.
"You didn't ditch me, Maria Johann. Nice." He said. Hindi naman ako agad nakahinga. Umakbay siya sa akin at ngiting-ngiti siya sa mga tao sa harapan namin. Ang galing mo talagang umarte, Ibañez.
Sinabihan kami ng speaker na tumayo sa gitna para magsayaw. Gusto ko sanang sabihin na masakit na iyong paa ko kasi hindi naman ako sanay magsuot ng heels. Si Jake naman ay parang walang pakealam sa kung anuman ang ipagawa sa kanya.
"So we will witnessing as Mr. Jake Mare Ibañez and Ms. Maria Johann Mendoza dance. You can join them. Sweet music, Maestro." Nagsimulang magsitayuan ang mga lalaki kasama ang kani-kanilang partner. Halos mapuno ang dance floor sa dami ng mga sumasayaw. Nakayakap na yung iba sa mga partners nila which I find it gross. It's an eyesore.
"Why aren't you dancing? May problema po ba Ms. Mendoza? Kanina pa po kasi kayong nakatayo. Halos nagsasayaw na po ang lahat pero kayo pong dalawa ay nakatayo lang dyan." Tiningnan ko yung speaker. Hindi ko naman alam ang isasagot ko.
"There's no problem. I'm just waiting for her to be comfortable. She's really nervous until now. We will dance later." Jake answered. The speaker nodded and left us.
Iniwan ko siya dun sa gitna. Naglakad ako papuntang powder room. I really don't like this kind of event. Nahihirapan akong maggagalaw. It's really uncomfortable wearing these stuffs. Napatingin naman ako sa kamay na humawak sa braso ko.
"Maria, where do you think you're going?" it's Jake. Ano naman sa kanya kung magpunta ako sa powder room. Tinaggal ko naman ang pagkakahawak niya sa akin at hinarap siya.
"Ano naman sa'yo kung saan ako pupunta? Unang-una Mr. Ibañez, hindi kita boyfriend. Kung iniisip mo na may relasyon tayo dahil sa engagament na ito, nagkakamali ka. Pangalawa, hindi ako nagpunta sa party na 'to dahil gusto ko. Nagpunta ako dito kasi ayokong ipahiya si Mom sa harap ng mga kasosyo niya. Pangatlo, masama na bang magpunta ngayon sa powder room? Masama na bang magtanggal ng heels kahit sandali lang? Masama na rin bang bumalik muna ako sa dating ako kahit sandali lang? Kasi sa totoo lang, ayoko ng mga ganito. Alam kong alam mo iyon Mr. Ibañez. So, kung wala ka ng kailangan sa akin, aalis na ako." naiinis na sabi ko sa kanya at tinalikuran siya pero bago ko pa man maihakbang ang mga paa ko ay nahila na niya agad ako paharap muli sa kanya.
"You talked too much." Sabi niya at walang sabi-sabi na hinalikan niya ako.
BINABASA MO ANG
Fall of Maria
General FictionCatch me if I fall. --- Hindi lahat ng naghihintay may napapala. Hindi lahat ng nagmamahal, minamahal. Hindi lahat ng nasasaktan, nakakalimot. Hindi lahat ng umiiyak, napapatawa. Hindi lahat ng nakangiti akala mo masaya. Hindi lahat ng nahuhulog, na...