Pasukan na ulit nagsimula na si Caitlyn maghanap ng kababalaghan sa St.Gelione Academy.
After nun recess na nila at nagpa iwan sa room nila may nararamdaman siyang kababalaghan naglakad siya dahan dahan para tignan ang nakabukas na pinto ng Section-T.
Wala ang teacher nila kaya hindi na pumasok ang mga taga Section-T. Alam din ni Caitlyn na sinara ang pinto na iyon bago sila umakyat sa room nila nakita din niya na sinara iyon ng security guard ng school nila.
Kinakabahan na siya at habang naglalakad siya nakapasok na siya sa room ng Section-T pinagpapawisan na siya sa takot at bigla niya naramdaman ang lamig sa loob ng room pero ang init init ng panahon ngayon.
Nagulat siya at bigla siyang napatingin sa likuran niya akala niya may dumaan pero wala naman katao tao sa room na iyon.
Tumakbo na siya palabas dahil sa takot at bigla siya ginulat ng mga kaklase niya. Nagalit siya dahil sa kalokohan ng mga kaklase niya at sabi ni Caitlyn "Kayo nakakainis na kayo hindi nakakatuwang biro yun kala niyo! Paano pag may napahamak talaga?!".
Pumunta na lang si Caitlyn sa loob ng room nila. Natapoos na ang recess nila at nagsimula na ang klase ulit. Tingin ng tingin si Caitlyn sa Corridor ng school.
Bigla siya pinagsabihan ng teacher niya sa Science. "Hey! Miss Caitlyn,are you listening to our lesson?!". Sabi ng teacher niya at nag sorry na lang si Caitlyn.
After nun uwian na nila dumiretso na lang pauwi si Caitlyn sa bahay nila at balik ulit siya sa pagreresearch tungkol sa St.Gelione Academy.
Marami siyang nakita ulit at marami ang bagong news tungkol ulit doon pero may isa siya nakita na news na parang kagaya lang din sa St.Gelione Academy.
At habang binabasa ay ang istorya iyon ay tungkol sa mga ibang school na haunted o misteryong school.
At pagkatapos niya ay natulog na lang siya. At nakatulog na siya ay 12:30 AM.