Pagkatapos nila kumain, Nag uwian na sila sa kani-kanilang bahay at si Selena ay may sariling kotse siya na naiparada niya sa tapat ng bahay ni Jennifer at sama sama na sila dun sa kotse.
At ilang oras ay nagdrive na sila papunta sa bahay ni Pauline at may nakita sila Caitlyn na babae sa kalsada at bigla nilang hininto ang kotse! At lumabas silang tatlo pero wala namang babae na nasagasaan. Nagtataka sila kung iyon ay isang milagro.
At sumakay ulit sila sa kotse at inandar ulit iyon at mga ilang oras ay nakarating na sila sa bahay ni Pauline.
Sumunod naman ay sa bahay ni Caitlyn at nakarating na rin sila doon.
At nakauwi na rin si Selena sa bahay nila at ilang minuto ay umakyat na siya sa kwarto niya ay tinitignan niya ang mga pictures nila at nagulat si Selena na may multong lumabas sa picture nila na iyon. Takot na takot siya at sinend niya iyon sa Group Chat nilang apat.
Nagulat na rin silang tatlo sa picture na iyon. Natatakot na si Selena at binura na rin niya ang picture na iyon. Dahil sa sobrang katakutan ay bumaba na siya at pumunta sa kwarto ng kapatid niya.
At doon na si Selena natulog sa kwarto ng kapatid niya.
At si Caitlyn naman ay busy dahil may ginagawa siya sa notebook niya. At ang ganda ng ikinalabas ng design sa notebook na iyon.
At si Jennifer naman ay may kausap sa Skype at mga ilang oras ang nakalipas ay nakatulog na siya.
At si Pauline naman ay nagme-make-up dahil may pupuntahan sila ng kanyang pamilya sa Family Reunion nila.
At may pasukan na naman nila sa susunod dahil sinuspend ang pasok nila ng kanilang principal dahil sa pag iimbestiga sa nangyari sa adviser teacher nila Caitlyn.