The 2 am Routine

27 2 0
                                    

The 2 am Routine

by: crazySaddistAlien


  CREDITS: salamat po ate _missJess13_ for the beautiful cover ^^ dedicated din po ito sa inyo. Salamat po ulit ^^ 

=====================================================================================

2 am na ngayon and honestly, hihi hindi pa ako natutulog. Wala lang, masaya kasing magpuyat at magtulog-tulugan e. Pero seriously speaking, may hinihintay kasi akong someone kaya hindi ako makatulog.


 Ewan ko ba, tuwing 2 am kasi may mga nararamdaman akong kakaiba, hindi naman kakaiba na nakakatakot ha, yung kakaiba na parang may nasa tabi mo, parang may tao na nakatingin sayo, yung ganung feeling. Ewan ko ba, basta ang weird.


Napatingin ako sa wall clock na nasa tapat ng higaan ko.


1:59 am

 Isang minuto na lang at mararamdaman ko na naman yung weird na feeling. Humiga na ako sa higaan ko at ipinikit ang mga mata. Ilang sandali pa ang hinintay ko at naramdaman ko na ang kakaibang presensiya. Hindi ko nga alam kung bakit e, pero kung gusto ko naman, pwede ko namang imulat ang mga mata ko para makita ang mukha at makilala ko ang tao na gumagawa nito pero may kung ano sa sistema ko na nagsasabing 'huwag! hayaan mo na lang'.


"Hi"  panimula niya gamit ang isang cold na boses. Yung boses na gugustuhin mong marinig palagi at hindi magsasawa.  "Na-miss kita"  dugtong niya pa at ang sarap niyang sagutin ng 'araw-araw ka ngang nanggugulo tapos nami-miss mo pa ako' pero siyempre pinabayaan ko na lang. Ang sarap kasing pakinggan ng mga boses niya, yung parang nanaginip ka.


 Ilang sandali pa at nawala na yung kakaibang feeling na nararamdaman ko, at noong tumingin ako sa orasan, dun ko lang nalaman kung bakit.


2:01 am

 Ang weird talaga na nagtatagal lang yung presensiya ng someone na yun sa loob ng isang minuto. Parang nagma-magic. Haiist yaan mo na nga, makatulog na lang at maaga pa ang pasok ko bukas.


----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


"ate, gising na. Anong oras na o? Baka ma-late ka sa school mo"   nakaramdam ako ng kung ano na parang may nang-aalog.


"hmm? Pwedeng 5 minutes pa, o di kaya 30?"  sagot ko sa taong yun without looking. Nakapikit lang ako at ninanamnam ang napakasarap kong tulog. Naisip ko lang, minsan ang sarap talaga pakasalan nung higaan ano? feeling ko kasi ayaw ko ng mahiwalay sa kanya e.


Ilang sandali pa ang hinintay ko at nung maramdaman kong wala ng nanggugulo ay napanatag ako. Haay buti naman at tumigil na ang kapatid ko sa panggugulo. And yeap, yung nanggigising sa akin kanina ay ang nakababata kong kapatid.


*blaaaaaaaaaag*


 bigla akong napaupo sa kama ko noong marinig ko ang malakas na kalampag ng kung ano.  "birthday ko na ba? Anong nangyayari?"  natataranta kong tanong at bumungad sa akin ang naka-cross arms kong kapatid na may hawak na dalawang takip ng kaldero.

HOUSE OF ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon