AFRAID

27 3 1
                                    

AFRAID

written by crazySaddistAlien

Ivan's POV

Nahihirapan na akong layuan siya. Ang hirap niyang i-resist. Everytime na lumuluhod siya sa harapan ko at nagmamakaawang na sana maging kami ay para akong tumatanggi sa isang biyaya. Bihira lang na magustuhan ka ng babaeng mahal mo pero hindi ko talaga siya pwedeng maging girlfriend e.

Her parents once told me 'hindi ka nababagay sa anak namin. She's rich and your family? Well, you have wealth but not too much' ..Ayaw kong maging kami hangga't hindi ko napapantayan ang yaman na meron sila. Ang pamilya niya.

Kung pwede ko lang siyang yakapin at halikan sa harap ng maraming tao ay nagawa ko na. Ayaw ko siyang mapahiya sa harap ng mga tao. Ayaw ko siyang manligaw sa akin, gusto ko ako dahil ako ang lalaki kaso..

I sigh in frustation. Nafu-frustrate ako sa sarili ko dahil hindi ko magawang ipaglaban ang nararamdaman ko. Ni hindi ko siya kayang ipaglaban.

Napatingin ako sa cellphone ko noong mag-vibrate ito. Pre. Hindi ka ba talaga kikilos? Kasi kung hindi ako na lang .Napamura ako ng mahina noong mabasa ko ang text ni Steve. Talagang nang-iinis siya eh nuh? Gusto ba nitong mag-away kami?

Wag mo siyang agawin. Akin siya. At AKO ang gusto niya sinadya kong i-caps lock ang salitang 'AKO' ng madama niya ang katotohanan. Ilang sandali lang ang hinintay ko at muling nag-vibrate ang phone ko.

Pareho tayong may gusto kay Love. At sa tingin ko pre, masyado ng nasasaktan si Love. Siguro nga hindi ako ang gusto niya, pero hindi ko siya sasaktan at pipilitin ko rin siyang ipaglaban... Di tulad mo!

Naiyukom ko ang palad ko dahil sa pagkagigil. Nakakagigil siya. Napa-buntong hininga ako noong mag-text si Love sa akin.

Good Morning =) I love you at hindi ako magsasawang mahalin ka <3 Napangiti ako noong mabasa ko ang text niya. Pinress ko ang reply button. I love you too Love. I really do I was about to press the send button but then, naalala ko yung sinabi ng mom niya kaya agad ko itong binura at hindi na lamang nag-reply.

That's my everyday routine. Ang hindi reply-an ang mga text niya kahit gustong-gusto ko siyang reply-an. Napapikit ako ng mariin. How I wish I can fight for her. I really love her but I'm afraid. Natatakot ako sa pwedeng mangyari.

***********
Kinabukasan...

Masyado akong na-guilty noong lagpasan ko si Love. I want to say 'Tumayo ka na jan Love' o di kaya ay 'Don't do this Love, ako ang dapat na gumagawa nito' .But I'm afraid. Once again, natalo na naman ako ng feelings ko.

Nagpatuloy ako sa classroom ko at nadatnan ang isa sa mga kaklase kong obsess ata sa akin. "Bakit ikaw lang ang tao?" tanong ko sa kanya habang naglalagay ng gamit sa locker.

Tinignan ko siya at tanging pagkagat lang sa labi niya ang ginawa niya. Tss, as if naman nakaka-akit siya?

"Babe." Halos mapa-rolled eyes na ako dahil sa sinabi niya.

"I'm not a pig" matabang na sabi ko tsaka naupo sa kinauupuan ko. I miss Love, kahit nakita ko siya kanina, pakiramdam ko ang layo-layo niya sa akin.

Nakita kong nag-rolled eyes siya pero wala akong pake. Simula noong magustuhan ko si Love, siya na lang talaga ang naging batayan ko sa salitang 'ganda' at 'pag-ibig' kaya siguro hindi na ako makahanap ng mas better kesa sa kanya. Dahil para sa akin, siya na ang BEST.

napatingin ako sa cellphone ko noong mag-vibrate ito at ewan ko ba pero automatic na ata akong nainis nang makita ko kung sino ang nag-text.

From Steven
Kita tayo sa garden pre.

Agad akong pumunta sa garden ng school para sana mapatay na siya. Ang kaso lang kawawa na man siya kaya isasantabi ko muna.

"Pre" makikipag-apir sana siya kaso tinignan ko lang yung kamay niya. Tsk, ang kapal din talaga ng mukha neto e no?

Binawi niya ang kamay niya at seryoso akong tinignan.

"Alam mo na siguro kung para saan to diba?" Napabuntong hininga siya. "Hindi ganoon kayaman ang pamilya ko pero kaya kong ipaglaban ang nararamdaman ko kay Love, e ikaw?" akmang susuntukin ko na sana siya pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. Tama naman kasi siya e.

"Maaring mahal ka ni Love, Sa NGAYON. Pero kaya kong ialay ang lahat para mahalin niya din ako. E ikaw? Anong magagawa mo maliban sa pag-iwas sa kanya?" Tanong niya at dahil doon napayuko ako. I'm such a coward.

"Pag-isipan mo pre. Bago pa ako makagawa ng plano at agawin siya sayo" Sabi niya at pagkatapos noon ay umalis na siya.

Tinext ko si Love na pumunta sa garden. Ang akala ko talaga hindi siya pupunta pero nagkamali ako. I was about to approach her nang biglang may humigit saken tsaka ako biglang hinalikan. Sa sobrang inis ko'y naitulak ko siya. Napatingin ako sa puwesto ni Love kanina pero wala na siya.

Aaarrgh! Napatingin ako sa babae na natulak ko kanina, umiiyak siya pero wala akong pake. Hindi naman sa first kiss ko yung kinuha niya, pero kasi pakiramdam ko hindi na ako bagay kay Love... lalo

Love was my first kiss. Nakaw lang yung halik ko sa kanya habang natutulog siya nun. It was a smack but it mean everything to me.

I sigh at iniwan ng mag-isa yung babae.

****

Halos naikot ko na ang buong school pero hindi ko makita si Love. Nakailang text at tawag na rin ako sa kanya pero hindi siya sumasagot. Nagsisimula na akong kabahan. She's clumsy kaya mas natatakot ako.

Napatingin ako sa cellphone ko nung mag-vibrate ito. Lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko noong makita ko ang reply niya.

Tsk. Ano naman kayang ginagawa ng isang iyon dun sa classroom? Agad akong pumunta doon at hindi na nag-hesitate na pumasok sa loob. Agad ko siya niyakap noong makita ko siya

"Love" I called her name. Mabuti naman at ayos ka lang. I want to voice it out pero nagulat ako sa nasabi ko "I love you" nagulat ko din yata siya dahil bigla siyang napahiwalay sa yakap ko.

"Say it ag---" I wasn't be able to finish her words. Nataranta ako sa sinabi ko

"...as my friend" dugtong ko sa sinabi ko kanina at nakita kong lumungkot ang mukha niya. Tsk, for the nth time, naduwag na naman ako. "Sa araw-araw mong pangungulit. Na-realize ko na hindi na pala ako naiinis sayo. I'm just acting na naiinis ako. Hanggang sa naisip ko na baka pwede kitang maging kaibigan" Sabi ko at nakita kong naiiyak na siya. Ang sakit lang. Pero paano ko siya haharapin?

"Dapat na ba akong magpa-party?" Sarcastic niyang sabi habang nagka-crack na ang boses.

Wala na akong sinabi at binuhat na lamang siya ng pangkasal. I'm sorry Love, sorry kung takot ako "I just can't love you Love, the way you do" I lied at pagkatapos nun ay hinatid ko na siya pauwi sa kanila. Alam ko na ang bahay nila, dati pa kaya hindi na ako nagtanong sa kanya kung saan

HOUSE OF ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon