LOVE EQUATION

32 3 0
                                    

LOVE EQUATION

written by crazySaddistAlien

------------------------------------------------------

Napatingin ako kay Rouel nung may iabot siyang papel sa akin. Hindi naman crumpled yung papel kaya sa tingin ko ay hindi naman to basura. Ang kaso, ano namang gagawin ko dito?

  Kinalabit ko siya pero hindi siya tumingin sa direksiyon ko. Kinalabit ko ulit siya and this time, tumingin na siya saken with his usual death glare.

*gulp*

"H-hehe a-anong meron dito sa papel?"  naka-kunot noo kong tanong at nakita ko siyang napa-rolled ng mga mata. Tsaka tumingin ulit sa unahan. Tsk. Sungit!  Gusto ko sana siyang awayin pero naawa naman ako kaya umayos na lang ako ng upo.

*

  Nagdi-discuss si ma'am nung mapansin kong natutulog si Rouel. At hindi lang yun dahil masama na ang tingin sa kanya ni teacher. Haaishh! Patay talaga tong isang to.

Unti-unting lumapit si ma'am kay Rouel at dahil din dun pasimple ko naman siyang ginigising. Pero sheems! Ang tagal niyang magising. Narating ni ma'am yung row namin at halos lahat ng kaklase ko ay nakatingin at binabantayan ang magiging next move ni ma'am.

  "Mr. Rouel"  mahina pero madiin na sabi ni ma'am kaya kinabahan ako. Shocks naman Rouel, mawawala ka sa pagiging top 1 kapag hindi ka nagising.

"Mr. Rouel"  muling tawag ni ma'am sabay tap sa desk ni Rouel. Napa-angat naman ng ulo si Rouel tsaka tinignan ako ng masama. Ano na naman ang ginawa ko? Huhu

  Gusto ko sanang depensahan ang sarili ko kaso nagsalita na si ma'am. Tsk naman, mukha ba akong gumawa ng masama para tignan niya ko ng ganun? Y.Y wala naman akong ginagawa e.

  "Mr. Rouel explain the proverb 'The butterfly must pursue the flower and the geese must seek the sea' from the Tale of Chunyang"    Mariin na sabi ni ma'am tsaka bumalik sa unahan. Naiinis naman na tumayo si Rouel.

  "The proverb means that the guy must court the girl just like the butterfly was seeking for the flower. Same as the geese, seeking for the sea"   pagpapaliwanag ni Rouel. Ang galing galing talaga neto <3

  Naupo na siya sa kinauupuan niya samantalang napanganga naman si Teacher. Ang galing naman kasing talaga ni Rouel, hindi ko nga ma-gets yung kwento e, yung proverb pa kaya? Pero siya. Siya, nasagutan niya agad. Haaaay ang swerte swerte ng taong gusto niya.

  Napangalumbaba ako hanggang sa matapos ang klase... Ang boring boring naman kasi. Buti nga ginaganahan pa ako pumasok para kay Rouel e, kundi dahil sa kanya baka hindi na ako pumapasok ngayon.

  Mabilis at agad kong inayos ang mga gamit ko. Ako na lang kasi ang natitira ngayon sa classroom, e bali-balita pa naman na may mumu daw dito. Hala!!

Nanayo ang balahibo ko nung maalala ko yung mga kwento ng mga kaklase ko tuwing nag-iisa daw sila sa room. Kakatakot.. Huuu~
 

Natigil ako sa pag-iisip noong marinig ko ang boses niya na parang inis na inis.   "Bakit ba ang tagal tagal mong kumilos Kerria?"  tanong niya at dahil doon napaharap ako. Nasa pintuan siya, nakasandal habang naka-cross ang mga braso niya sa chest niya. In short, ang hot. Choss!

Lumingon ako sa kaliwa't kanan ko para makasigurong ako yung kausap niya. Teka... kausap niya ba talaga ako? O baka naman multo lang to?

  Nakita kong napa-rolled eyes siya kaya naman na-confirm kong siya nga si Rouel. Ang taray kasi e. Ngumiti ako.  "Ako yung kausap mo diba?"  tanong ko at napa-rolled eyes ulit siya.

HOUSE OF ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon