7

28 0 0
                                    


Ayoko Erdz,
nakakahiya sa parents mo.

Binasa ko ang sagot ni John Ric
sa isang one fourth paper
na salitan naming sinasulatan,
as a away of communication
namin.

Birthday ko naman eh.
Ngayon lang John Ric.

Reply ko sa papel.
Naghintay ako ng ilang minuto
sa reply niya.
Ang tagal bago niya ibinalik
sa akin ang one fourth paper.

After A while, nilapag niya
sa table ko.

Labas nalang tayong dalawa.
O kaya, movie marathon tayo
sa amin after ng birthday mo.

Ayoko sana dahil hindi ko siya
na -convinced na pumunta
sa birthday ko,
pero parang medyo pabor
sa akin ang plano niya.

Sige !

After niyang basahin ang sagot ko sa one fourth, tumingin siya
na nakangiti sa akin.

" Ok na. Sagot mo snacks ah. "

Thumb's up lang ang isinagot
niya sa sinabi ko.
Agad niyang hinatak ang braso ko ng mag ring ang bell.
Sign na dismissed na ang klase.

Tinginan naman sa amin
ang mga monkey na nagpipilit mag anyong tao.

Sila na yata classmates !

Hagalpakan ng tawa ang lahat
ng tsonggo.

" Isang kiss naman diyan ! "

Kiskisin niyo mukha niyo !

Inirapan ko silang lahat
at sinundan ko si John Ric
na naunang magwalked out.

Para kong P.A na nakasunod
sa likuran niya. Sobrang bilis niya maglakad palabas ng school.

Naupo siya sa waiting shed,
at ako, hingal na nilapitan siya.

" Masanay ka na John Ric. "

" Bakit ikaw ? Sanay kana ? "

Alam ko ang nararamdaman
ng binubully. Nabawas bawasan
lang ng konti sa part ko,
dahil binubully ako dahil
sa kaniya.

Nasa gitna kami ng pag uusap
ng lapitan na naman kami
ng iba naming classmates.

" Pwede ba ? Tigilan niyo kami ! "

Shocked ako.
Sinigawan sila ni John Ric
paglapit nila. Makapangyarihan
talaga ng bad breath niya.
Takbuhan silang lahat.

" Success ! "

" Napapano ka Erdz ? "

" Tama ang ginawa mo.
Gamitin mo ang kapangyarihan mo sa kanila. "

" Walang nakakatawa sa sakit ko. Tumigil ka sa katatawa mo. "

Nautahan naman ako.
At parang gusto kong maiyak
sa sinabi niya.
Pinagalitan ko ng husto
ang sarili ko dahil napahiya ako.

" Sorry na John Ric.
Sa iyo ko lang nailalabas
ang kakengkoyan ko. "

Minsan nakakapagod ding
kayang maging tahimik.
At nakakabad breath kaya
kapag hindi nagsasalita.

" John Ric, huwag na nating ituloy ang movie marathon after ng birthday ko. "

" Hindi naman ako galit eh.
Nainis lang. Dapat masanay ka na rin sa akin. Friends tayo diba ? "

Ang Classmate Kong Bad BreathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon