8

17 0 0
                                    


Ikinulong niya ako sa mga bisig niya na nakatitig parin sa akin.

" John Ric ano ba ?!
Wala nga kasi eh. "

" Hahalikan kita kapag hindi mo
sinabi. Sabihin mo na Erdz. "

Hindi ko pwedeng aminin
ang feelings ko.
Pagtatawanan niya ako.
At baka nga iwasan niya pa ako.

" Pilitin mo pa ako sige !
Uuwe na ako John Ric. "

" Sinisira mo naman kasi
ang araw ko eh ! "

Tinitigan ko na siya ng masama.
Mas gugustuhin ko nalang
na umuwe kesa naman mabuking niya ang feelings ko.

" Wala akong aaminin.
Uuwe na ako John Ric. "

Pinilit ko siyang itulak palayo.
At hindi ko siya nilingon
ng lumabas ako ng room niya.

Pero sinundan niya ako.

" Erdz ! Sandali lang ! "

Patakbong akong dumiretso
papunta sa gate pero bigla niya
akong hinawakan sa braso.

" Magagalit si Mama.
Nagluto pa naman siya
ng pasta spaghetti tapos uuwi ka. "

" Paulit ulit ka kasi eh ! "

" Next time, ayoko ng tao
na bubulong bulong sa harap ko.
Huwag mo ng ulitin ah. "

" Arte ah. "

" Huwag mo akong asarin ah.
Hahalikan na talaga kita. "

Halikan mo !

Natakpan ko ang bibig ko.
Muntik ko ng masabi
ang nasa isip ko.

" May binubulong ka no ? "

" Bakit ba ang babaw
ng ikinagagalit mo ? "

Beep ! .. Beep !

Isang kotse ang nagpark sa tapat
ng bahay nila John Ric.
At lumabas mula sa sasakyan
ang babae na naka suot ng shades, naka long sleeve, naka mini skirt at naka high hills.

" Hi John Ric. "

" Crizel. You here. "

Hindi ko natanong kay John Ric
kung kaano ano niya ang babae dahil agad itong nilapitan siya
at inakala kong girlfriend niya
dahil biglang kinabig nito
ang beywang ni John Ric.

She placed her arms around
his neck.

Hindi niya ako nakitang kasama si John Ric dahil maliit ako ?

O liberated lang talaga siya ?
At wala siyang pake sa tao
na nasa paligid niya ?

Bigla akong naasiwa na tumingin sa kanila kaya lumayo ako
at pumunta sa swimming pool.

Hindi ko alam kung dahil
ba sa selos ?

O dahil ba sa baho ng hininga
ni John Ric na kanina pa tinitiis
ng sikmura ko ang dahilan,
kaya hindi ako makahinga ?

Hindi ko magawang panuorin sila. Nakapulupot ng bongga
ang babaeng hindi ko alam
kung ano ni John Ric.

Tumalikod ako ng palapit sila
sa kinatatayuan ko.

" Crizel. Si Erdz. Friend ko.
Erdz. Si Crizel - "

" Girlfriend niya ako. "

What ?!

Nagulat ako pero, parang sinasabi ng utak ko na hindi ko dapat paniwalaan ang narinig ko.
Bumuntong hininga si John Ric
after magpakilala nung girl
na jowa niya.

Ang Classmate Kong Bad BreathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon