Hindi ako iniiwanan,
Kahit anong hamon sa buhay,
Lagi siyang nasa likuran,
Maasahan ko s'yang tunay.Ang magkaibang kasarian,
Hindi hadlang sa kaibigan,
Pagkaka-iba'y iginalang,
Naging masaya at matapang.Unang kita ay sa palayan,
Nangyaring 'di malilimutan,
Mukhang maamo sa malapit,
Ngunit umaapaw ang kulit.Pagkikita'y hindi nasundan,
Mukha mo'y tila nalimutan,
Sa dami ng pinagdaanan,
Naburang tunay sa isipan.Kasiyahan sa paaralan,
Dalawang tao'y nautusan,
Pinaglakad sa kaparangan,
Madaming kwento ang naturan.Naging katabi sa upuan,
Hanggang maging magkaibigan,
Magkasangga sa bawat laban,
Suntukan man o sa sigawan.Tuwing bakasyon sa eskwela,
Tayo parin ay magkasama,
Gamit ang isang bisikleta,
Maghapon tayo sa kalsada.Ang dating batang nasilayan,
S'ya na palang nasa harapan,
Takot ang biglang nangibabaw,
Magkahiwalay balang araw.Sampung taon na ang lumipas,
Pagsasama ay di kumupas,
Distansya lang ang namagitan,
Samaha'y di mapapantayan.Magkapatid ang s'yang turingan,
Iyak at tawa s'yang takbuhan,
Panalangin ay habang buhay,
Samahang walang katapusan.
BINABASA MO ANG
HEART and MIND
PoetryAng mga mababasa dito ay ang tunay na nararamdaman ng taong nagkukubli. Nais ko lang ibahagi ang nasa isip at puso ko.