Tatlong taong nakalipas ngunit hindi parin nagbabago ang sistema ko, anjan parin ako sa tabi mo at tinatawagan mo parin ako kapag kailangan mo ng tulong. Sabi ko tama na pero hindi ko pala kaya. Ngayon wala na kayo ng mahal mo pero naghahanap ka pa rin ng bago, gaano ba kahirap na makita ako na nasa harap mo. Natanda na tayo, madaming nagtatanong kung may nobyo na ako pero hindi ko sila masagot kasi hanggang ngayon umaasa parin ako. Umaasa na makita mo na ako ang nasa tabi mo sa oras na kailangan mo. Andaming dumating na problema sayo, nanjan ako na halos gusto ko kunin ko ang problema mo para hindi kana malungkot. Gustong gusto ko na sabihin sayo pero hanggang ngayon hindi ko parin alam kung paano. Siguro mawawala din ito paglipas ng panahon. Maikli pa ang sampung taon at kailangan ko pang maghintay ng mahaba habang taon para maayos ko ang sarili ko at mawala na ang nararamdaman ko sa iyo. Umaasa ako na sa susunod magiging masaya na ako, walang nararamdaman para sayo at binigyan na ako ng Diyos ng taong magmamahal sa akin tulad ng pagmamahal ko sayo ngayon.

BINABASA MO ANG
HEART and MIND
PoetryAng mga mababasa dito ay ang tunay na nararamdaman ng taong nagkukubli. Nais ko lang ibahagi ang nasa isip at puso ko.