Spoken Word

66 0 0
                                    

Isang araw gumusing ako nasa isip kita, hinding hindi ka mawala kahit anong pilit hindi ko magawa. Bakit? Wag mo nang itanong dahil baka madulas ako at masabi kong dahil mahal kita. Hindi ko alam kung saan, kelan, at paanong minahal kita, pero hindi na mahalaga yun dahil sa sandaling ito lilimutin na kita. Ang salitang MOVE ON na noon hindi ko magawa ngayon kailangan ko nang magawa dahil alam kong meron ka nang mahal. Ang pinakamasakit talaga ay hindi ko man lang nasabi sa iyo na mahal kita, madaming oras ang sinayang para sabihin sayo, pero isa lang naman ang dahilan ayaw kong masaktan. Ayokong harap harapan mo sasabihin ang pangalan ng iyong mahal, na baka pagkarinig ko ng boses mong humihingi ng tawag dahil hindi mo ako mahal ay kasabay ang aking mga luha na nag uunahang kumawala. Masaya ako dahil tinurung mo akong isang matalik na kaibigan at kailangan kong tanggapin ang katotohanan na hanggang matalik na kaibigan lang ako. Ngunit ngayong may mahal kana at nasa kanya kana at lahat ng oras mo ay ubusin mo na sa kanya, ano na ako sayo? Para akong isang gamit sa tambakan na kapag kailangan saka mo lang hahanapin, na kapag hindi ka pinayagan ay gagamitin mo para lang makaalis at makasama ang mahal mo. Iniisip ko lang kung alam mo kaya na mahal kita anong mangyayari? Tsss... Hindi mo na kaya ako gagamitin para lang magkalapit kayo? Nasasaktan ako kapag nakikita ko kayong masaya na parang tugmang tugma kayo sa isa't isa. Naiiyak ako kapag naaalala ko ang mga pagkakataong masaya tayong magkasama na parang kambal na hindi mapaghiwalay. Pero kailangang tanggapin ang katotohanan na hindi na mababalik ang dating pinagsamahan. 

HEART and MINDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon