5

396 11 0
                                    

Naka-ngiti akong bumaba sa stage matapos kong matanggap ang aking diploma. Hinanap ng mga mata ko ang kinaroroonan nila Mama at Papa. Nang makita ko sila ay kinaway ko ang diplomang natanggap ko.

'I love you, anak' kahit hindi ko narinig ang sinabi ni Mama ay 'yan ang binuka ng kanyang bibig.

Sa wakas, matapos ang mahabang panahon sa pag-aaral ay natapos rin kami. Wala na akong po-problemahin, tapos na ako sa kolehiyo at natanggap ako sa isang five star hotel bilang assistant chef.

Matapos matawag ang lahat ng estudyante ay nag-closing remark na. Dali-dali naman ako lumapit kay Becca tutal iilan lang naman na upuan ang namamagitan sa amin.
"Congratulation to us!" Masayang bati ni Ellie. Hindi ko napansin na nasa pwesto na namin siya.

"Akala ko talaga hindi ka makaka-graduate!" Pang-aasar na wika ko kay Ellie, umismid lang siya at kumapit sa braso ni Becca.

"Saan kayo didiretso, pag-uwi ninyo?"

"Pupuntahan ko na muna si Denzel sa tagpuan namin bago kami kakain sa labas nila Mommy, nakapag-reserve kasi. Kayo ba?" Hanggang ngayon mahinhin pa rin kung mag-salita si Becca, hindi na rin namin pinipilit siya na maging walang hiya.

"Sa bahay lang kami, doon naghanda sila Mama, pinagsabay na iyong amin ni Floyd." Dahil nga'y ngayon rin ang graduation nila Floyd kaya pinagsabay na ang celebration ng aming mga magulang.

"Kakain rin kami sa labas nila Mama, para no hassle." Sumang-ayon naman akobsa sinabi ni Ellie, mas maganda pa nang kumain sa labas para wala ng po-problemahin sa mga hugasin. Kawawa naman sila Manang mamaya.

"Mauna na ako sa inyo, naghihintay na kasi si Denzel sa akin." Tumango kami at hinayaan siyang umalis.

"Kayo ni Floyd, wala ba kayong date?"

"Sa linggo kami aalis, sa ngayon napag-usapan namin na sa pamilya na muna kami." Speaking of him hindi ko pa siya nakikita mula kanina. Nauna lang sila ng ilang oras kaysa sa amin.

"Oh, baka mamaya magkalaman na 'yang tyan mo! Alalahin mo, ka-kagraduate lang natin."

Tumawa naman ako sa paalala niya, wala naman akong dapat ipag-alala, napag-usapan na namin ni Floyd ang ganyang bagay. At gusto niya rin ang ideyang kasal muna bago kuhanin ang tinatawag niyang sa kanya lang dapat.

"Hindi mo dapat sa akin sinasabi 'yan, kung hindi kay Denzel. Tingin pa lang parang kakainin ng buhay si Becca."

"Point taken!"

Hanggang pagsakay namin sa kotse ay walang Floyd ang lumitaw.

"Where's Floyd, Mama?" I asked her as I checked the parking lot.

"Nauna na sila ng Tita mo sa bahay. Ilang oras pa lang kayo hindi nagkikita ni Floyd miss mo na agad, paano pa kung may trabaho na kayo."

"Ma naman, hindi kaya. Kapag ba tinanong miss na agad?"

"Naalala ko pa dati ayaw na ayaw mong nakikita si Floyd na dumadalaw sayo, ngunit tignan mo nga naman." Makahulugang sabi ni Mama. Umismid lang ako, akala mo naman ikakasal ako, eh ka-kagraduate ko lang naman.

"Huwag muna kayo magpa-kasal ni Floyd, sanayin niyo na muna ang sarili niyo na magkalayo, hindi umiikot ang mundo sa inyong dalawa lang." Kinalabutan naman ako sa sinabi ni Papa sa akin.

Seriously? They're going to discuss this after my graduation? Wala nga akong nakikitang senyales na gusto na akong pakasalan ni Floyd, wala pa akong naipupundar para sa sarili ko, tapos ganito? They got to be kidding me.

Bumukas ang gate namin, may iilang sasakyan ang naroroon. Kahit ang sasakyan ni Floyd ay naka-park na rin.

Nauna akong bumaba at hinintay sila Mama at Papa para sabay-sabay kaming pumasok sa loob. May tawanan na nanggagaling sa loob. Dumiretso kami sa kusina, at naroroon ang pamilya ni Floyd at si Floyd na naka-masid lang sa kanila.

Second Chance at LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon