4

1.8K 67 11
                                    

Chapter 4

 "Bakit ang saya mo?" Taka kong tanong kay Becca.

Naririto kami sa cafeteria. Konti pa lang ang mga estudyanteng dumadaan. May pasok naman talaga kami ang kaso ay wala ang aming professor kaya napagpasyahan namin na kumain at tumambay na lang dito ni Becca.

"Ikaw lang ba ang pwedeng sumaya?" Nahihiyang tanong nito. Yumuko ito at tinuloy ang kinakain.

"Iba kasi ang ngiti mo ngayon."

"Ganito naman talaga ang ngiti ko, anong pinagka-iba?" Takang tanong rin nito sa akin.

Kung titignan ay mamula-mula pa ang mga pisngi nito. Hindi naman ganoon kainit. Centralize naman ang buong cafeteria at may iilang mga electricfan din.

"Sabihin mo na, hindi ko sasabihin kay Ellie."

"Wala naman dapat akong sabihin."

"Mag-de-deny ka pa, huli na kita. Tsaka hindi ka ba nagsasawa at halos ilang buwan ka na ni Denzel sinusuyo? Nakakasawa nang makita ang pagmumukha niya."

Ngumiti lang ito ng tipid bago sumubo ng panibago.

"Hindi naman siya nakakasawa, ang nakakasawa pa nga'y 'yung araw-araw kayong nagkikita ni Floyd."

Napa-ngisi naman ako sa sinabi niya. Tuwing naririnig ko ang pangalan niya ay tila baga na nangangarera ang puso ko. Masyadong malakas kung sumipa.

"Iba ang sa amin, kami ay kami na. Ikaw pinagtutulakan na namin, ayaw pa."

Imbis na  sumagot ito ay ngumiti na lang sa akin. Nakaka-loka, wala akong makuhang impormasyon sa babaeng 'to, masyadong malihim.

Binalik ko na lang ang atensyon ko sa pagkain. Naramdaman ko naman na nag-vibrate ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa.

Sweetie New Text Message...

"Where are you?" Napangiti naman ako ng makita ko ang text niya. Hinahanap niya na naman ako.

"Secret." Ni-replyan ko naman agad ito, kahit na hindi ko ito nakikita alam ko ng magkasalubong ang kanyang mga kilay.

Hindi ko pa napalapag ang  cellphone ko ng mag-reply na agad ito.

"I'm serious here, Janelle, where are you right now? I'm here at your room but heck i can't find you."

Napatawa naman ako sa text niya. Ewan ko ba,  natutuwa kasi talaga ako tuwing naghahanap ang lalaking 'yun. Akala mo ay lagi kong iiwanan.

Four months na kami ni Floyd. So far mas lumalalim ang pagmamahal ko sa lalaking iyan kahit na tuwing magsasama kami ay nar'yan pa din ang pagbilis ng pintig  ng puso ko.

"Anong nangyari sayo?" Napatingala naman ako at bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Janelle.

"Wala naman." Makuhulugang sagot ko rito.

Hindi ko na nireplyan ang boyfriend ko at ibinalik na lang muli ang aking cellphone sa kinalalagyan kanina.

"Ikaw nga itong masaya." Komento ni Becca sa akin.

"Lagi namang aking masaya, ikaw nga itong kakaiba kung ngumiti ngayon. Sabihin mo na, sekreto lang natin."

Lumapit pa ako dito para naman marinig ko ng maigi. Ang hirap lang sa babaeng ito ay ang pagiging mahina ang boses.

Second Chance at LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon