3

1.8K 39 9
                                    

Chapter 3

Sa sobra kong inis ay itinago ko na ang cellphone ko sa drawer.

Hindi niya na tinantanan ang kaka-text o kakatawag sa akin. Hindi ko naman maaari itong patayin baka mag-kagulo pa at malaman ang pinag-gagawa ko sa school.

Nasabi niya na rin na, malaman niya lang na pinatay ko muli ang cellphone ko ay iyon nga, ang sabihin kay Mama ang nangyari, at iyon ang iniiwasan ko.

Humiga ulit ako sa kama at nagtalukbo, buti na lang at Sabado bukas, walang gagawin, makakapag-pahinga ako kahit papaano lalo na sa school.

"Janelle, anak." Rinig kong sabi ni Mama kasabay ang pagkatok sa pinto.

Dali-dali naman akong tumayo at pinagbuksan nang pinto si Mama. "Bakit po?"

"May tumawag sayo." Sabay abot nang telepono sa akin. "Pagtapos mo dyan ay matulog ka na. Kaya ka hindi nalaki, nagpupuyat ka lagi."

"Oo na po, good night, Ma." Sabay halik sa pisngi nito. Ganoon din naman ang ginawa niya sa akin bago ko sinarado ang pinto.

"Hello." Bungad ko sa telepono.

Humiga na din ako para diretso tulog na. Ang sakit na din nang likod ko lalo nga't nag-bake kami kanina.

"Janelle." Nagulat naman ako sa sumagot, lalaki. Akala ko sina Becca ito o di kaya si Ellie.

Wala namang ibang tatawag sa akin lalo na't gamit ang telepono namin.

"Sino 'to?"

"Hulahan mo." Lumalim pa ang boses nito. Para bang nang-aakit na hindi mo malaman dahil na rin ang ganda nang boses.

Ano ba yan, Janelle pati ba naman boses pag-nanasaan mo na, nahalikan ka lang ni Floyd kung anu-ano na ang pumasok dyan sa kokote mo.

Umiling-iling naman ako, hindi maaari iyon. Ang laking parte nang sistema ko ang kinuha niya. At ngayon nga ay bumabalik na naman ang alaalang iyon.

"Sabihin mo na lang kung sino ka, hindi ako mahilig manghula." Sabi ko rito.

"Bibigyan kita nang clue, gwapong nilalang na nakasalamuha at nakasama mo." Sabay tawa nang mahina kung sino man ang lalaking kausap ko.

"Gwapo? Wala naman akong kakilala bukod..... Ah! Vince!" Tumawa naman ako nang mahulaan ko iyon. Si Vince lang ang nagsasabi sa akin na gwapo siya, mahangin din ang taong iyon kaya nga lang may pagkamahangin talaga ang utak niya.

"Tangina, Janelle! Si Vince ang gwapo sayo? Bukas na bukas papasabugin ko ang mukha niya para magkapalit na ang mukha nila nang aso. Si Floyd 'to, shit."

Napatigil naman ako nang pag-tawa nang maabsorb nang utak ko ang sinabi sa kabilang linya.

"Aray naman hindi mo naman ako kailangang sigawan. At pwede ba may nalalaman ka pang pahula-hula dyan ikaw pa itong magagalit, kung sinabi mo na lang agad nang hindi mo pa ako murahin. Kailangan talagang may mura, a?"

"Oo, para ramdam mo na nagseselos ako tuwing naririnig ko ang pangalan niya na galing sayo!"

Para namang tinutusok tusok ang tyan ko nang sinabi niya iyon. Kumuha na din ako nang unan para pang-gigilan.

"Bakit siya lang ba ang gwapo sa paningin mo at sinabi ang pangalan nang lalaking iyon? Janelle naman, kahit hindi ako magpahula alam mo na ako na ito." Bakas sa boses niya ang pakaka-frustrated.

Second Chance at LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon