Chapter 3

729 8 0
                                    

Chapter 3

" I can believe this til now. Masyadong mapanganib ang ginagawa mo. Ilang beses ko ba yan sasabihin sa'yo. " sa kabila ng pagiging mataray ng ate Marnie ko. Maalahanin syang tao lalo na sa amin na pamilya niya. Eksaktong isang taon na din ang nakalipas buhat nung nangyari ang pinakasaklap na okasyon sa buhay ko. Buti na lang, nangyari yun dahil kung hindi. Hindi ko malalaman kung saan akong field nabibilang at sa sports yun. Isa ako sa sikat na car racer sa Pilipinas ngayon. Hinahangaan ako sa taglay kong galing bilang racer. Bilang babae, isang karangalan yun dahil isa nga akong babae. Bihira sa racing ang may babaeng magaling at sikat maging sa ibang bansa. Yun din ang dahilan kung bakit pinapatigil ako ni ate Marnie na mangarera pa sapagkat mapanganib daw yun. I love racing at hindi madali ang sinasabi niya. Hindi madaling iwan ang sport na minahal ko na ng husto. Sa sport na yun, dun ko sinimulang bangunin ang sarili ko.

" Ate, magaling kaya 'tong kapatid mo. Wag kang mag-alala. Yakang yaka ko yang mga race na yan. Ilang race na ang naipanalo ko despite sa pagiging baguhan ko. " pagmamayabang ko. Buhat nung nawala si Dean, doon ko itinuon ang atensyon ko sa car racing. Dun na-boost ang confidence ko at tiwala sa sarili. Nakilala ko ang sarili ko kung saan ako magaling. Well, thanks to Dean anyway. Kung hindi dahil sa kanya hindi mangyayari 'to ngayon.

" Melina naman! Hindi naman madaling sport ang pinasok mo eh. Madami namang sport dyan na madali at hindi mapanganib e. Bakit car racing pa talaga kung saan high risk. Nagbago ka na talaga, Melina. Para ka ng ibang tao. " natawa na lang ako sa sinabi niya.

" Ako pa rin 'to, Ate. Wala namang nagbago e. Ako pa rin si Melina Amber Ayala, ang kapatid mo. Nothing change. " nakita kong napailing siya.

" Yeah. Ikaw nga si Melina Amber Ayala pero ibang pagkatao ka na. Hindi ka na yung dating Melina na lagi kong bini-baby. Wala na yun. Iba ka na. Sopistikada ka na. Maganda. Wala ng kinakatakutan. Wag mo kong sisisihin kung bakit ko nasabi yun. Hindi lang talaga ako sanay kahit isang taon ka na ring nagbago. Minsan, iniisip ko, kasalanan nga 'to ni Dean. Binago ka niya. Nang umalis siya, dinala niya rin ang buong pagkatao mo. " pagkatapos nun, umakyat na siya. Iniwan niya ako ron sa sala. Ano pa ba ang magagawa ko? Nagbago na ako. Hindi na ako ang dating Melina na inaapi at kinakawawa then higit sa lahat, hindi na ako NERD! I am now beautiful and the most gorgeous car racer in the Philippines.

I heaves. Bakit ba big deal kay ate Marnie ang pagbabago sa buhay ko. Bakit ganun na lang siya? Ako pa rin naman 'to e.

" Don't get her wrong, Sweetie. She loves you kaya siya nagkakaganun. Namiss lang niya ang dating ikaw kaya niya nasasabi yun. "

" Dad! " i gave him a huge hug. " Kasi naman Dad. Hindi pa rin niya matanggap na wala na ang dating ako. Ibang Melina na ako ngayon.Ang nerd na si Melina, wala na. Patay na! "

" Try to understand her. Kahit ako, namimiss ko rin yun. Para ka kasing baby namin nun kahit hindi ka naman bunso. May mga bagay kami na hindi pwedeng gawin ngayon na noon, pwede pa. "

" Wala namang nagbago e. Pwede nyo pa ring gawin yun ngayon. Ako pa rin 'to, Dad. Hay! You should be happy sa kung ano ako ngayon. " i was upset. Feeling ko, iba na ako sa kanila kahit para sa akin wala namang nagbago. Damit at make up lang naman nagdagdag sa akin eh. Bakit sa kanila, iba ang nakikita nila. Kung may nagbago man sa akin, yun ay yung puso ko. Puso ko para kay Dean.

Itutuloy..

My Runaway GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon