Chapter 7

631 8 0
                                    

Chapter 7

Ngayon ang alis ni Finn papuntang Hawaii. Nakakalungkot man ay nakakaexcite din ang sasabihin nya pagbalik. Ano kaya ang sasabihin nya? Hay. I can't wait it! Sana bukas, two weeks na siya dun para makauwi na agad siya. Pshh. Iisipin ko na lang, mabilis ang pagdaan ng mga araw para hindi ako mag-isip at mainip sa kakahintay sa kanya.

Hindi ko rin siya nahatid kasi araw din ng race ko ngayon. Alam kong magtatampo na naman si Finn dahil doon. Pero promise, babawi ako pagdating nya. Pagkatapos ng race na 'to, titigil muna ako pansamantala para kay Finn at sa family ko. Babawi ako. Alam ko, may pagkukulang ako sa kanila dahil sa pagiging car racer ko. Babawi ako ng oras sa kanila.

" Kaya mo yan, Melina.. " sabi ng kasama ko. Ngumiti na lang ako sa kanya pagkatapos ay isinabit ko na ang seatbelt sa katawan ko. I feel strange today. Hindi ko alam kung bakit. Marahil, dahil umalis si Finn. Ngayon palang ay namimiss ko na siya.

Marami akong kalaban today. Hindi naman problema ang gender sa race na 'to. As long as magaling ka, pasok ka. Halos lahat lalaki. Iba doon, nakalaban ko na. Ang ilan naman hindi. Nakaramdam ako bigla ng kaba. Kakaiba talaga. Ngayon pa lang ako kinabahan ng ganito sa pakikipagkarera ko at malakas ang loob ko na mukhang may hinding magandang mangyayari. WALA NAMAN sana!

Hinawakan ko ng mahigpit ang manibela habang hinihintay ang pagbaba ng flag na hawak ng babae na nasa unahan namin. At nangyari na nga ang hinihintay ko. Pagkababa ng flag, agad kong pinatakbo ng mabilis ang sasakyan ko. Isinawalang bahala ko ang nararamdaman ko. Ayaw kong matalo. At never pang natatalo si Melina sa car race. Hindi ako magpapaapekto sa nararamdaman ko. Minsan na akong trinaidor nito.

Limang laps na lang ang natitira at kampante na akong ako na ang mananalo nang may biglang um-overtake sa akin. Isang itim na sasakyan. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan yun. Itinodo ko na ang pagmaniobra ng manibela upang malagpasan ang itim na sasakyan na yun pero hindi eto nagpatalo. Nakipagsabayan pa siya sa akin. Phew! Tough game. Naexcite ako ng bahagya. Bihira lang kasi ako makalaban ng ganitong racer. Ang kaba na naramdaman ko awhile ago ay naging excitement. He will never defeat me kahit magaling pa siya. Kahit nagagawa nya pang sabayan ako.

" No way, baby. " i uttered.

Nang nasa last lap na kami, itinodo ko na ang lahat. Mananalo ako dito. Sisiguraduhin kong mananalo ako. Natatanaw ko na ang finish line. Napangisi ako dahil konting konti na lang ako na --

" WHAT?! " sabay kaming nakarating sa finish line. Natahimik ang lahat. Tulad ko, hindi rin nila yun inaasahan. Hindi sila makapaniwala. It was my first time na may tumapat sa akin.

" Woah! As you can see guys, the audience here was shocked in what happen. May tumabla kay Melina Ayala. Eto ang unang beses na simulang pumasok si Melina sa larangan na 'to na may isang kalaban ang sinabayan siya sa pagdating sa finish line. Kitang kita nyo naman sa video na sabay talaga nilang naabot ang finish line. Wow! It was shocking and the same time, nice game! " nakita ko sa malapad na screen ang video kung saan pinapakita ang sabay naming pagdating sa finish line. Hindi ako makapaniwala. I thought i was the best female racer pero hindi pala. Kung sinuman ang nagmamaneho ng sasakyan na yun, magaling talaga siya. Patuloy sa pagsalita ang announcer habang bumababa ako ng racer car ko. Eto na siguro ang kutob ko na hindi maganda. Wew!

Ngumiti ako at kumaway sa mga sumisigaw ng pangalan ko. I won't say na he/she defeat me kasi nasabayan lang niya ako. And i promise na kapag maglaban kaming muli, sisiguraduhin kong kakain siya ng alikabok. Ugh.

Hinintay kong lumabas ang driver nun para naman makilala ko ang first time na tumabla sa akin. Medyo matagal pang lumabas kaya naiinip na ako. Nag-cross arm ako nang unti unti nang bumukas ang pinto ng sasakyan. Dahan dahan din inililitaw nito ang ulo ng taong nagmamaneho ng car racer. Ah, lalaki ang driver! Well, akala ko babae dahil hindi ko matatanggap yun.

He wave his head. Ginulo nya ang buhok nya at kinagat pa ang labi. Todo pa ngiti sa mga audience na nakatingin sa kanya. Ayos na sana ang lahat pero hindi ko matanggap na si DEAN ROBLES ang sakay nun. Of all people, bakit siya pa? Halos mamatay sa kilig ang babaeng kinindatan nya. Hindi pa rin nagbabago, notorious pa rin pagdating sa mga babae. Napairap na lang ako at tumalikod sa kanya. Ayaw kong harapin siya.. sa ganung lugar.. sa ganung sitwasyon. Alam kong nandito na siya pero i never thought na dito ko pa siya makikitang muli at makakaharap. Nakalaban ko pa. Wew!

Dumiretso na ako sa area kung saan andun ang mga kasama ko. Nagpaalam ako sa kanila na pupunta muna ako sa banyo saglit. Ano ba ang nararamdaman ko? Alam ko galit. Galit na muli na namang umusbong dahil nagpakita na naman siya sa akin.

" Bakit ikaw pa? " tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Maganda na ang Melina na nasa salamin ngayon. Matapang at walang kinakatakutan. Hindi na siya mahina. " Bakit ako magpapaapekto sa presensya ng lalaki na yun? Oh dear, come on Melina! Don't tell me, you're still inlove with him? " napailing na lang ako habang naglalagay ng lipstick. Inayos ko ang sarili ko bago ako lumabas ng banyo.

" Hello, Amber.. " sinusundan nya ba ako? Damn!

" Oh hi. " malamig pa sa yelo na bati ko din sa kanya.

" Pwede ba tayong mag-usap? " kung kanina, nakangiti siya sa mga babae. Sa akin, seryosong seryoso sya.

" Ano naman pag-uusapan natin? Wala naman yata. " ayaw kong magmukhang bitter sa paningin nya. Kahit gusto ko siyang sumbatan, hindi ko magawa dahil ayokong magmukha katawa tawa at apektado sa ginawa nya sa akin dati. Afterall, hindi rin naman nya alam na minahal ko siya dati.

" Alam ko, galit ka sa ginawa ko dati sa'yo. I want to say sorry sa ginawa ko. " tiningnan nya ako sa mga mata. Nakipagtitigan siya sa akin. " Sorry, Amber. "

" Wala na sa akin ang nangyari na yun. Past is past, Dean. Wag na nating balikan pa yun.. " i wish i can punch him para mabawasan ang galit ko sa kanya.

" No, Amber. Gusto kong pag-usapan natin yun. Ang laki ng kasalanan ko sa'yo. I wish i could turn back the time para maitama ko ang pagkakamali ko at mga kasalanan ko sa'yo. " tumawa ako pagak saka nilampasan siya. Ano ba ang ibig nyang palabasin? Jusko.

" Just forget it. Wala na sa akin yun. " lie. Liar Melina. Pero galit na galit ka kay Dean.

" I left you because I had a reason.

Now, I am back to have you

again. " inaakala nya bang maniniwala ako sa mga sinasabi nya?

No. A big NO!

Itutuloy..

My Runaway GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon