Chapter 1

358 33 24
                                    

"When writing your own love story, don't let anyone else hold the pen."

Daisy and Zach PART 1

***

DAISY

"Ang ganda naman niyang Doodle mo Daisy,"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ang ganda naman niyang Doodle mo Daisy,"


Nagulat ako ng biglang magsalita sa likod ko. I flinched at bigla kong nasara ang notebook ko. Saka ako napalingon sa nagsalita.


Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ko ang nagsalita. Ang bestfriend ko lang pala. Nandito kasi ako ngayon sa garden ng school. I'm a 4th year student already. Napalingon ako sa bestfriend kong si Violet.


"Violet naman eh! Bigla bigla ka na lang sumusulpot." Nasabi ko sa'kanya.


Bigla naman siyang natawa ng mahina, "Oh eh ano 'yang ginagawa mo? Dino-doodle mo nanaman ang pangalan niya?" tanong niya at tumabi sa'kin.


Tumango tango naman ako sa'kanya, "Gusto ko eh."


"Haynako Daisy you're wasting your time. Umamin ka na kaya sa'kanya?"


Bigla akong napasimangot kay Voilet. "Nahihiya ako. At natatakot ako sa pwedeng mangyari..." Nabulong ko.


Dino-doodle ko kasi kanina ang pangalang 'Zachary Leon'. 'Yan ang pangalan ng crush ko. Hindi ko siya ka-close pero araw araw ko siyang nakikita sa room namin dahil classmate ko siya. Hindi ko rin maamin sa kanya na may gusto ako sa'kanya dahil nahihiya ako. Isa akong dakilang torpe.


Zach is a member of the famous boy group here at my school. Kasali siya sa Dark Prince 5. Ang Dark prince 5 ay isang grupo dito sa school ng mga bully. Pero para sa'kin, iba si Zach sa apat. May goodside si Zach at 'yon ang nagustuhan ko sa'kanya.


I saw Violet rolled her eyes.


"Whatever Daisy. Sige suportahan na lang kita sa gusto mo. Pakita nga ulit niyang doodle mo," sabi niya at hinawakan ang notebook ko.


Dahan dahan ko naman binuka ang notebook ko ng mapakita kay Violet ang nagawa ko.


"Grabe Daisy! Ang galing mo talagang magdrawing at maglettering. Mana ka talaga sa mama mo," sabay ngiti ni Violet sa'kin.


Written Love (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon