She

18 1 0
                                    


Ayan na ako na. Hmm. Siguradong walang matatanong itong mga ito sa akin.

"ne--" naputol yung sasabihin ko ng magsalita si Hannah.

"sino sa classroom ang nagustuhan mo ng matagal at sino naman yung seryoso yung pagkagusto mo?"

Natigilan ako. Hindi ko ineexpect na itatanong niya sa akin yun.

By the way I'm Marj at kung tatanungin niyo kung anung ginagawa namin, kami ay nangho-hot seat sa isa't- isa yung tipong parang pati secret mo ay malalabas mo. At itong si Hannah ay isa sa matalik kong kaibigan. Sa totoo lang sobrang close kami niyan pero hindi niya alam na inggit na inggit ako sa kanya.

Maganda at mabait si Hannah. Halos lahat nagkakagusto sa kanya at isa na dito si Zain. Matagal ko ng gusto si Zain pero wala eh. Pagandahan pa nga lang talo na ako eh sa puso pa kaya ni Zain.

Sasagot na sana ako sa tanong ni Hannah ng dumating si Zain kasama sina J.C at yung girlfriend niya na si Monica.

" anu na?" tanong ni Mike

"ahhhmm." tumabi sa akin si Zain. Anu ba yan?

"si Zain yung matagal tapos si Mike yung seryoso." dire-diretso kong sabi tapos ay tumungo.

Grabe nakakahiya. Pagkatapos nun hindi na ako nagsalita at sumali sa kanila.

Habang naglalakad na kami pauwi biglang may tumabi sa akin. Si Zain.

"may gusto ka pa ba kay kuya Lim?" tanong nito.

Well si kuya Lim ay isa sa mga nakasama namin sa isang play. Actually wala naman talaga akong crush doon nacutehan lang ako tapos binigyan na nila ng malisya.

Dahil ayoko malaman nila na may gusto ako kay Zain inako ko na lang yun.

"oo. Slight ang cute niya kasi eh." sabi ko

Hindi siya umimik at maya-maya'y umalis na sa tabi ko.

"kasi ang totoo ikaw ang mahal ko. Sorry" bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa likod niya.

Ang hirap naman kasi maging one sided love eh.

Kinabukasan malungkot akong pumasok with chinitang mata na halatang galing sa iyak at malaking eyebag. Kagabi kasi magkachat kami ni Zain. Tinanong ko siya kung sino crush niya at ang sagot niya "si Hannah. Wala ng iba pa."

Talagang halos pinagsakluban ako ng langit at lupa. Ang sakit kasi umaasa ako. Umasa ako na may gusto siya sa akin dahil dun sa inakto niya kahapon. Grabe ganito pala kasakit magassume. Ganito pala kasakit magmahal. Sobrang sakit na parang pinupunit yung puso mo.

Kainis kasi si kupido eh. Sa susunod kasi kupido kung papanain mo ako sana panain mo din siya.

Buong araw kong iniwasan sina Zain at Hannah.

'kringgg..kringgg..'

Uwian na sa wakas feeling ko kasi nasosuffocate ako. Kinuha ko kaagad yung bag ko at dali- daling lumabas ng may humila sa braso ko at hinatak ako hanggang sa c.r.

Nilock ni Hannah yung pinto at isa-isang binuksan yung cubicle at ng walang makitang tao ay humarap ito sa akin.

"anu bang problema mo?"

Hindi ako sumagot sa halip ay tumungo lang.

"kaibigan mo ko kaya dapat sabihin mo sa akin."

Hindi ko na napigilang umiyak. Humarap ako sa kanya.

" yun na nga eh. Kaibigan kita dapat ikaw yung karamay ko sa problema ko. Pero hindi. Kasi yung kaibigan ko yung problema ko, kasi ikaw ang karibal ko. Ikaw ang problema ko Hannah. Ikaw!!" hindi ko na napigilang humagulgol.

" anu bang sinasabi mo?"

" mahal ko si Zain matagal na pero ikaw. Ikaw yung gusto niya. Kaibigan kita hannah kaya mahal na mahal kita pero alam mo yung totoo inggit na inggit ako sayo. Ni hindi ko magawang magalit sa iyo kasi puro pagmamahal at kabutihan ang pina pakita mo sa akin at alam mo kung anu yung pinakamasakit. Na kahit ako sarili ko hindi kong magawang piliin kasi anu ba namang laban ko sayo diba?"

" bakit naman? Eh sa totoo lang ako nga yung inggit sayo eh. Kasi ang talino mo at hindi mo lang nakikita pero ang ganda- ganda mo. Inspiration nga kita diba. Tsaka ikaw yung tipong walang arte. Alam mo ba lagi kang ipinagkukumpara sa akin ng magulang ko at hindi ko magawang magalit sa iyo kasi wala ka namang ginagawa and ayokong masira ang pagkakaibigan natin. Ikaw kasi yung tipong totoo at---"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng yakapin ko siya at doon na siya humagulgol. Kung alam ko lang na ganito ang nangyayari sa kanya. Kung alam ko lang na ganito ang nararamdaman niya.

"sorry" sabi niya.

"shhh.. Dapat nga ako ang magsorry sa iyo eh."

" so magkaibigan pa din ba tayo?"

"oo naman."

Inayos na namin yung sarili namin at umuwi na.

You're Mine & I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon