Tres - Ang Kambal

631 14 5
                                    

Kinagabihan at mag-sisimula na ang kasiyahan sa Barrio Macapili. Isa sa mga tradisyon dito sa Barrio Macapili ay ang isasayaw nila ang kanilang patron habang pinaparada ito sa kanilang kalsada.

Ang pamilya ni Jayson ay masayang nagdidiriwang ng kapistahan.

Kekek: "Jayson, may dalawang babae na naghahanap sa iyo kanina dito, kambal sila?"

Jayson: "Babae?" (Napapaisip) Eh, Ma ang kilala ko lang na babae dito ay si Mekmek at si Elria na taga kabilang barrio."

Kekek: "Diba lumuwas na rin si Elria sa Maynila? nagkakausap pa ba kayo?"

Jayson: "Hindi na kami naguusap ni Elria, Ma, mabalik po tayo sa sinabi nyo kanina, ano po yung istura nung naghahanap na babae sa akin?"

Kekek: "Yung isa mahaba ang buhok at maputi at yung isa naman ay maikli ang buhok at mas maliit siya kumpara doon sa isang babae"

Jayson: "Ano daw po ang sadya nila?"

Kekek: "Hindi rin nila nasabi dahil bigla nalang silang umalis, at ang sabi ay babalik nalang daw sila."

Raymond: "Baka dati mong kasintahan Kuya

Jayson: "Kasintahan? gusto mong ipalo ko sa mukha mo itong pinggan?"

Ramymond: "Parang nagbibiro lang eh."

Kekek: "O sya, tigilan nyo na yan at magsikain na tayo. "

Sabay sabay silang naghapunan at nakisaya sa mga kaganapan sa kanilang baryo, habang nagsasayawan sila sa kanilang kalsada, napatingin si Jayson sa isang bintana ng kanilang simbahan na para tilang may nakatitig sa kanya na isang babae. Napailing si Jayson at hindi pinansin ang bagay na ito, biglang sagi sa isipan ni Jayson.

"Kanina may naghahanap sa akin na kambal na babae, tapos ngayon may nakita ako na nakakatitig sa akin na hindi ko malaman kung ano ba yung nakita ko.."

"KUYA!"

Agad lumingon si Jayson, at pag lingon nya ay wala ng tao sa kanyang paligid.

"KUYAAA!

Hinahanap ni Jayson kung saan pumaparoon ang naririnig nyang boses na parang si Mekmek na kanyang kapatid ang tumatawag.

"KUYAAAAA!

At sa huling pag lingon ni Jayson ay may kaharap na sya na dalawang babae, Isa sa mga ito ay mahaba ang buhok at maputi ang kulay ng balat at ang isa naman ay katamtaman naman ang kulay at maiksi ang buhok.

"Hindi mo dapat ginawa iyon! Sinusumpa kita! Wala ka ng matatakbuhan" Pasigaw na sabi ng babae na mahaba ang buhok.

"Anong ginawa ko? at saan kayo nanggaling? nasaan ang mga tao dito?

Nanginginig si Jayson habang tinatanong ang mga salitang ito. 

"Wala kang alam?" Sabi ng isang babae na maikli ang buhok.

"WALA KANG ALAM? HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Paano mo malalaman kung binaon mo na sa limot lahat ng mga nalalaman mo? hindi ka ba masaya? hindi mo parin ba mapatunayan na isa kang hunghang? "

"Hindi ako makagalaw" wika ni Jayson.

Papalapit sa kanya ang kambal at tilang walang magawa si Jayson sa kinatatayuan nya ngayon, nilapit ang mukha ni Jayson sa biglang naagnas na mukha ng isa sa mga babae.

"Hindi mo parin ba ako nakikilala?"  Ngiwi na boses ng isang babae.

Binalian ng ulo si Jayson ng kambal at nilamon ng kadiliman ang paningin nito.

End of part 3

Susunod na kabanata

Kwatro - Ang Nakaraan

Sino?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon