Kwatro - Ang Nakaraan

351 12 1
                                    

Bakit ba nila ako hinahabol?

Bakit ba nila ako tinatakot?

Sino ba sila?

Ito ang mga katanungan na sumasagi sa isip ni Jayson habang sya ay nasa kawalan ng malay, hindi parin nya maisip kung ano ang intensyon ng dalawang babae sa kanya.

Naalala ni Jayson ang kwento ng lola nya sa kanya tungkol sa isang pamilya na hindi parin na ireresolba ang pagkawala sa kanilang barrio. Nababalot parin ng misteryo kung anu ang nangyari sa pamilya na iyon at kung bakit sila nawala, nabanggit din ng kanyang lola na ang kambal na anak ng pamilya.

Sila kaya ang nawawalang kambal?

Nasaan ang mga magulang nila? At bakit nila ako ginugulo?

Punong puno ng katanungan ang pagiisip ni Jayson.

"Kuyyyyaaaaaaaaa!"

Biglang naalipungatan si Jayson at nagkaroon ng malay.

Mekmek: Kuya, tumayo ka nga dyan, nakakahiya sa mga tao, lasing na lasing ka na.

Jayson: Anung nangyari? Bakit ako nasa kalsada?

Mekmek: Nagsasayaw ka daw kanina dyan sabi nila kuya Bulrog ng bigla ka nalang daw bumagsak. Ginigising ka nila pero hindi ka magising, buti nalang ilang minuto palang ang nakakalipas at nakita kita.

Jayson: Nasaan yung kambal na babae?

Mekmek: Babae na naman kuya? Tumigil ka na sa kakababae mo at hinahanap na tayo ni Inay, move on, move on din.

Itinayo at inalalayan ni Mekmek ang kanyang kuya para makauwi na sila.

Jayson: Naalala mo ba yung kwento ni Lola nung mga bata pa tayo? Yung pamilya dito na nawala nalang bigla?

Mekmek: Sabi ng ibang mga ka baryo natin na masama raw ang ugali ng ama nung pamilya na iyon na tila bang araw araw daw sinasaktan ang pamilya nila, meron din nagsasabi na pinatay daw ng ama ang pamilya nya at itinapon sa malayong lugar at doon din nagpakamatay. Malay ba natin kung ano ang totoo.

Sa mga narinig ni Jayson gusto nyang imbestigahan ang mga totoong pangyayari dahil hindi parin sya matahimik kung ano ba tlga ang nangyari at bakit ginugulo sya ng kambal. May konekyson ba ang kambal sa pamilya na iyon?

Hindi mapakali ang Ina nila dahil wala parin si Jayson at Mekmek sa kanila.

Kekek: Mag hahating gabi na at wala parin ang kuya mo at si Mekmek

Raymond: Baka naginom doon kina ka bulrog nay.

Kekek: Raymond, pasundo na nga ang kuya mo at si Mekmek, sabihin mo maaga pa tayong aalis bukas.

Raymond: Sige po, nay.

Agad umalis si Raymond para sunduin ang kuya nya.

Susunod na kabanata.
Singko - Ang Nawawalang Pamilya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sino?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon