Dos - Ang Kapistahan

638 14 0
                                    

Kinaumagahan ng Agosto 8, 2014. Dali daling gumising si Jayson para tulungan ang kanyang ina para maghanda sa kapistahan.

Jayson: "Magandang umaga! Inay, anu po bamg ihahanda natin mamaya?"

Kekek: "Gusto ko sanang mag pansit at kare-kare."

Jayson: "Marami din po pala akong natutunan sa maynila na mga putahe para pandagdag nadin po sa handa natin mamaya."

Kekek: ''O sya.. Maglinis muna tayo at mamaya mamalengke kayo ni Raymond."

Si Raymond ang bunsong kapatid ni Jayson.

Pagkatapos maglinis ng mag ina, Inutusan ni Kekek si Jayson na gisingin na ang kapatid nyang si Raymond para mamalengke.

Jayson: "Mooooonnnn!!!"

Raymond: "Ooooohhhhh.."

Umakyat si Jayson para katukin na si Raymond dahil ayaw pa nitong lumabas sa kwarto.

Jayson: "Mamon! Gising na, at mamamalengke pa tayo sabi ni Inay."

Dali dali rin gumising si Raymond upang tulungan ang kuya nyang si Jayson. Pagkatapos nilang magalmusal sila ay umalis at dumiretso na para mamalengke.

Habang namamalengke sila Jayson at Raymond, nagsimula na ang prusisyon sa kanilang barrio.

Kekek: "Mekmek.. Pakitawag nga ang tatay mo dun kina ka Inday, ang aga aga baka umiinom na naman yun doon."

Mekmek: "Sige po inay."

Umalis agad si Mekmek para tawagin ang kanyang itay. Habang nagaayos si Kekek ng mga gagamitin sa pagluluto, biglang may kumatok sa kanilang tahanan.

" Tao po.. "

Bumaba si Kekek para tignan kung sino ang kumakatok sa kanila.

"Nandyan po ba si Jayson?"

Kekek: "Aba'y mga iha, wala sya dito, inutusan ko syang mamalengke. Mga kaibigan ba kayo ni Jayson? Tuloy muna kayo baka pabalik na din sya.

"Sige po di bale nalang.. Babalik nalang po ulit kami.''

Bago pa man makapagsalita si Kekek ng paalam ay bigla nalang tumalikod sa kanya ang kanyang mga kausap at umalis.

End of part 2

Susunod na kabanata

TRES - ANG KAMBAL

Sino?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon