Dating silent reader ako dahil naging broken kaya ang ginawa ko nagbasa ako ng isang book. Yong mahaba ang hinanap ko.
Nakakita ako ng one book na
'I Love my E. X.' ang title. Nakaka-curious ang title 'no? The author is dawn_paris, dedicate ko 'tong one shot na 'to sa kaniya.I like the story dahil tungkol sa magbabarkada na hinamak ang lahat para sa kanilang pinuno, ang kailang Ace Queen. Nagustuhan ko iyon dahil na hindi nila iniwan ang isa't isa. Sa hirap at ginhawa magkakasama sila. At ito ang kwento na nagpapatunay na kahit anong mangyari andidiyan ang mga kaibigan mo para sayo.
Nagustuhan ko ang story niya kaya nag-follow ako sa kanya. And the day after she followed me back. She is my FIRST follower, so I nust wanted to say thank you so such and keep the good work.
God bless you always ^.^
___________________________________
*My Ideal Boyfriend*
Naglalakad na ako pauwi sa amin, galing sa birthdayan ng pinsan ko. Kasama ko ang aking kuya at ang girlfriend niya. Alam niyo ba ang feeling na parang sinama lang kayo nang isang tao para maging dahilan upang makalabas ng bahay? Ganoon ang nararamdaman ko at naglalampungan pa sila dito sa harapan ko, awkward. Pero alam ninyo nakakainggit silang tignan, parang aso't pusa sila kung mag-away pero sa kasweetan naman talo pa sina nanay at tatay namin e.
Ang daldal ko 'no?
Malayo na ang narating namin pero hindi nyo pa ako kilala, ako nga po pala ang nag-iisang prinsesa ng Ilao at Santos family. Maria Johanna Ilao Santos, (palakpak naman kayo dyan...biro lang).
Nakatira Maynila, third year high school pa lamang ako. Pangarap kong maging isang stewardess ngunit ipinagkait iyon ng aking tadhana dahil sa height ko, kaya pangarap lang talaga iyon at hanggang doon lang. Mababa ang aking kasiyahan maging ang aking luha. Mahilig mang-surprise pero ayaw na kong ako ang isu-surprise, emotera madalas, wierd minsan, kpop lover, kdrama adik, gusto laging sigurado sa mga ginagawa at higit sa lahat NBSB, walang naman sigurong masama kung hindi ko pa nakikita ang aking soulmate, hindi naman sa walang nanliligaw, hindi ko palang talaga nararamdaman ang koryenteng sinasabi nila o kaya naman ay hindi pa natatagpuan ng aking mga ang mga matang aking gusto masilayan.
Sabi ng mga kaibigan ko wala na daw ganoon nilalang sa mundong ito pero sabi ko naman hinding hindi ako bibitaw sa kanya dahil kung wala siya dito, I'll wait him in heaven.Ngunit dumadaan ang mga moments na minsan napapaisip ako kung may ganoong tao pa talaga, hindi sa ayaw kong magpaligaw pero nabalitaan ko na wala talagang gustong manligaw sa akin dahil daw baka magulpi ko lang sila or monster girlfriend daw ako kilos palang. Hindi ko po alam bakit ganiyan ang mga balita ukol sa akin, siguro dahil laging mga lalaki ang mga kasama ko at hindi ako pasexy kung magbihis. Oo mga lalaki ang mga kasama ko lagi pero ate ang turing nila sa akin at rispeto ang sikreto kung bakit hindi nila ako kayang kalabanin. Pero iisa lamang ang pangungusap pag ang paksa namin tinatalakay ay pag-ibig.
Ideal boyfriend? Mabait, ayaw ko nang astang gangster, kayàng ibili ako ng napkin pag meron akong dalaw, responsible at higit sa lahat mahal ako nang TUNAY, big letters para alam. But physical ideal boyfriend ko, hindi ko muna sasabihin.
"You are waiting for someone that doesn't exsist!"
Noong mga panahong iyon halos akong mawalan ng pag-asa, siguro dala na din ng matagal na pag-hihintay ko. Noong dumating ang 20th bithday ko iisa ang naging wish ko, ang makilala na siya, minsan kasi sa aking kapapantasya napapanaginipan ko na din siya pero blured ang mukha niya.
Dicember na pero hanggang ngayon wala pa din ang aking prince charming, kaya nagpasya akong bumitaw sa aking paniniwala. Siguro nga childish pa ang isip ko noong at naniniwala pa ako sa mga prince charming, sa happy ending at sa pag dating ng "my ideal boyfriend".
Nasa MOA kami ng bestfriend kong girl, galing kami sa pag-bili ng mga pang-decor para sa christmas tree namin at mga regalo na din. Halos lahat nabilihan ko na isa na lang ang wala, ang bestfriend ko pero hindi ko naman siya pwedeng bilhan ng regalo na kasama siya. Niyaya ko na siyang kumain sa may fast food chain malapit sa terminal.
Matapos naming kumain lumabas na kami sa fast food chain tapos hinatid ko siya sa jeep na sasakyan niya pauwi. Hinintay ko talaga iyong umalis para sigurado akong hindi na niya ako masundan.
Matapos noon ay nagtungo ulit ako sa loob ng MOA, sa aking pagliliwaliw pati ang aking isip ay bahagyang lumipad.
Paano nga kaya kung dumating ang iniintay ko? Siguro kung dumating siya noon edi sana hindi na ako nag-iisa ngayong mga oras na ito at hindi na din sana ako nag-iisa sa buhay ko ngayon. Sana---
Bigla akong nabalik sa realidad dahil sa may isang taong nasa harap ko na halos magkadikit na ang aming mga labi isang maling galaw ko lamang. "Aouch po!" Iyan lamang ang aking nabanggit, hindi ako gumagalaw at halos ilang minuto kaming magkayakap at ang aming mga mata ay hindi namin maalis sa pagkakatugma nila at kahit gustuhin kong ibaling sa ibang direksyon ay hindi magawa dahil sa aking mga nakita. Kumalas ako nang makaramdam na ako ng ngalay halos nakahiga ako sa ere na kayakap siya. Kahit kinikilig ako humiwalay ako baka mahalata niyang may gisto na ako sa kaniya, pakipot epek din pag may time.
"A-ayos ka-ka lang po ba?" Halos mabulol sa nginig si future husband ko, ang lakas ng trip ko walang basagan inlove na ako e.
"Oo naman, ikaw po ba?" Diretso kong tanong pero sa sahig nakatingin feeling ko ang init sa MOA kahit ang lakas ng aircon. Tumango lamang siya bilang sagot. Halos ilang minuto kaming hindi nag iimikan pero tinitignan ko siya kahit sa gilid ng aking mata, God thank you. Ang ganda ng papasko mo sa akin, ang lakas ko pala sa iyo. Thank you so much!!!
I though hindi ko na makikita at makikilala siya.
His name is Paul Jasper Alcantara, my future husband este boyfie palang naman, ligawan niya lang ako sasagutin ko ito agad e.
My ideal boyfriend...
Exsist!
Sa pisical na anyo?Gusto ko...
*Matangkad (dahil pandak po ako, huwag nang alamin kung anong height ko) gusto ko po kasi pagniyapos niya ako ay buo (hindi nyo gets? Basta iyon na yon! Peace).
*Payat pero hindi ting-ting.
*May braces pero sa taas lang.
* Malalaking brown eyes.
*May salaming makapal, genius look lang para sa akin. Ang cute niya!
He is my ideal boyfriend.
~THE END~
BINABASA MO ANG
Strings Of My Journey [Random]
RomanceOne shots na punung-puno ng mga kalokohan ko. This is a piece ng mga random na bagay bagay sa buhay ko. Each song is dedicated to someone, na tumulong sa aking muling pag bangon. Hope you like it. ^-^