STAY

32 7 2
                                    

Para sa'yo 'to.

Alam mo ba nung pinakinig mo sa akin ang kantang ito isang tao lang ang pumasok sanisip ko.

Oo siya nga, tapos nung napatingin ako sa iyo naalala ko ikaw ng din pala.

Ang sakit di ba?

Sabi mo nakapagmove-on ka na. But the way you move I know meron pang konting sakit jan sa loob loob mo.

Wala lang, SORRY huh?!

Puro hugot tayo kanina, pasimuno ako kahit tawa ng tawa ako alam kong pinagmamasdan mo ako kahit na kaheadset ka alam kong inoobserbahan mo ang bawat kilos ko.

Salamat sa pag aalala huh?! Pati sa pag-intindi. Sorry dahil alam kong nasasaktan ka minsan pero binabale wala mo lang lalo na pag-hugot day natin :)

'Yon lang, wala na akong masasabi...ingat ka lagi, andito si ate pag maykailangan ka at kung gusto mong mang-gera sabihan mo lang ako, handa ako jan... (joke lang).

Ehemmmmm...

Meron pa nga pala akong sasabihin.

Huy ikaw palang ang may alam nung sinabi ko sa iyo tungkol sa kanya. Pag nagkita ulit tayo update kita. Huwag mong iso-social huh?! Atin lang yon.

Tungkol naman doon sa choccolates ni dude mo ang masasabi ko lang ay...

DON'T WORRY, kukulitin ko para hindi tayo snobin. Hahhahhahhha... sabihin mo kung anong gusto mo at ipaparating ko na lang sa kaniya.

Take care always and God bless. ILOVEYOUkc ^.^

___________________________________

*Not enough*




"Labas naman tayo."

"Hindi ako pwede e."

"Bakit? May gagawin ka ba?"

"Oo lalabas kami ng mga kaibigan ko e."

"Na naman?"

"Oo, pagbabawalan mo
ba ako?"

"Kailan naman kita
pinag bawalan?"

"Yan ang gusto sa iyo e."

"Oo na, panalo ka na.
Sa susunod tayo naman huh?!"

"Oo naman ikaw pa?
E mahal kita."

"Hmpf... palusot ka e.
Sige na, mahal din kita."

~call ended~

Tampo akong ibinaba ang cellphone ko, lagi na siyang kasama ng barkada niya e. Hindi ko na siya nakakasama.

Pero siguro tama lang din iyon baka mamaya pagsawaan niya ako dahil lagi kaming magkasama at lagi kong ipinagpipilitan na lumabas kami at lagi kong gustuhing magkatabi kami.

Ang mahalaga mahal niya ako at mahal ko siya, MAHAL NAMIN ANG ISA'T-ISA. Ok na ang lahat marinig ko lang ang mga katagang iyon mula sa kanya, kinikilig na din ako pag sinasabi niya iyon. Hayyy swerte nga ako sa boyfriend ko.

~at school~

"Dhe, sabay tayo sa lunch mamaya huh?! Libre mo ako madaya ka na hindi ka na nanlilibre." Sabi ko habang nakaankla ang braso ko sa kanya at ang ulo ko ay nakapatong sa balikat niya at sabay kaming naglalakad.

Strings Of My Journey [Random]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon