Naranasan niyo bang managinip ng isang tao na blured ang mukha niya? Hindi ninyo siya maaninag at paghinahawakan ninyo siya hindi ninyo kaya lumapit or kahit nasa harap mo siya ang kamay niya ay parang isang milya ang layo pag ginusto ninyong hawakan siya or malapit siya pero pag inilahad niya ang kamay niya sayo malapit nga pero parang tubig ito or minsan parang bula na naglalaho. ->Baka daw may isang tao kang nasaisipan mo bago ka matulog at gustong gusto mo na daw siyang makita sa personal.
Ang dami kong nasabi pero iisa lang ang gusto kong ilabas.
These past few days I had dreaming a person with blured face and when I touched him, he doesn't disappear although I touch him. He was near by me, correction he was in front of me and the only thing that's make me feel wierd is when he laid me his hand I felt like I'm touching water.
Ang wierd ko ata. But someone told me na baka, baka lang naman, may gusto akong makita in personal but I can't.
Hindi ko alam kung bakit ito ang naidedicate ko sa iyo baka dahil sa mga nabasa kong gawa mo :)) sana magustuhan mo ito ^-^
___________________________________
*Man's bestfriend*
Naasar na ako sa mga nangyayari sa buhay ko taposmakikisabay pa si Joline? Ano ito teleserye? May kontrabida? Hay nako... kumalma ako ng kaunti at nagpasyang lumabas na sa C.R., bakanlalo akong makalbo kung mananatili pa ako doon.
Naglalakad na ako pauwi sa bahay malapit lang naman ang school ko sa bahay pero lumilipad pandin ang isipan ko sa nangyari kanina. Ginulo ko ang buhok ko dahil sa inis ko kay Joline, paano ba e uupo na sana si crush ko sa harap ko inangkahan niya agad ang braso at sabi doon naumupo sa upuan niya at kakalong nalang daw siya. Aba ang landi talaga ng isang iyon. "Nako pag ako nagkaroon ng lakas ng loob kakausapin ko na si crush ko. Sasabihin ko sa kan---"
Napahinto ako sa pagsasalita sa sarili ko ng may mabigat na dumamba sa akin kaya napapikit ako noong natumba ako.
Nang binuksan ko ang aking mga mata ay. . .
"Ah!!!" Napasigaw ako, aba sino ba namang hindi sisigaw? Dambahan ka ba naman ng isang malaking hayop na ito tapos pagbukas mo ng mga mata mo ay bubungad sa iyo ang mukha niyang naglalaway at nakadila na para bang gusto kang himudin, ang bigat niya pa."Miss ok ka lang ba?" Aba sinong nilalalang naman ang hindi maiinis pagnapakinggan ang mga katagang iyon?
"Nakikita mo nang dinambahan ako ng malaking nilalalang na iyan tapos na tumba ako at ngayon tatanongin mo ako kung ayos lang ako? Ginagamit mo ba ang utak mo?" Hinahanap ko ang taong nagtanong sa akin noon baka maupakan ko pa.
"Sorry miss, nakawala kasi sa tali ang alaga kong ito e. Sorry talaga huh?!" Naiinis pa din ako pero ok lang hindi naman sinasadya e.
"Aray nakakaasar na nga ang araw ko dahil sa Joline na iyan tapos ngayon ito namang aso dadambahan ako. Mas malaki pa sa akin, langyang buhay 'to oh! Pagmamalasin ka nga naman oh!" Pinipilit kong paalisin ang aso na nakapatong pa din sa akin, aba wala yatang valak iyong amo nitong tulungan ako.
"Heto na ako, sorry kinuha ko lang ang panali ni Jen ko." Aba't kapangalan ko pa ang aso. Anong buhay ito?!
"Aba kapangalan ko pa an----" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil sa isang nilalalang na nasarapan ko.
"Sorry talaga miss huh?!" Biglang tingin niya sa akin nanlaki ang mga mata niyang singkit.
"Jo-jonas i-ikaw pala. Ba-bakit ka na-nandito? A-anong gi-ginagawa mo di -dito?" Nabulol akong tanong, si crush nasa harapan ko tapos ganoon ang mga nasabi ko kanina, pagmamalasin ka nga naman oh! Langyang buhay naman ito oh!
"Jen?! Sorry huh?! A-ano kasi...hmmmmm..." tumingin siya sa aso at hinihimas iyon, hindi siya makatingin sa akin. "Kasi,.lumipat kami dito, kahapon lang ta-tapos mamamasyal sana kami ni J-jen ko. Pe-pero sorry talaga huh?!" Anong nakain nito at bulol din?
Jennalyn kalma ka lang, umayos ka chance mo na ito.
"Ah..." wala akong maisip na sabihin kun'di ah aba nakakamangha talaga ang kong ito. Gwapo at simple lang.
"Gusto mo kaming samahan? Hindi ako pamilyar sa lugar na ito e." Nakatingin siya sa aso, nakakaoffend ka na crush huh?! Ako kausap mo sa aso ka nakatingin. Aso ba kausap mo?
"Huh?! Ah sige wala din naman akong gagawin e." Smile ko sabay ayos ng damit at buhok ko. Haggard akong tignan sure ko iyon pero alam ko ding namumula ang mga pisngi ko ang init e.
Sumama ako sa kaniya, mali kanila pala kasama nga pala namin ang aso niya. Pero kahit asar ako sa asong ito nagpapasalamat ako sa kaniya kasi siya ang gumawa ng daan mali pala siya ang naging daan para magkausap kami ni crush ko, kaya kahit badtrip ako kanina nawala din iyon at napalitan ng isang malapad na ngiti dahil nakausap ko si crush at ngayon ay magkasama na kami papuntang park. Salamat talaga.
"Jen, huy! Nakikinig ka ba? Ayos ka lang ba?" Nagulat ako dahil ang lapit ng mulha niya sa akin, feeling ko nasusunog ang mukha ko ang init!
"Huh?! O-oo ayos lang ako. Salamat." Sagot ko. Nasa may park na pala kami hindi ko namamalayan.
"Hala, tamo 'to wala sa sarili. Kanina pa kaya akong nagsasalita wala ka pala sa sarili. Tinatanong kita kanina pero hindi ka sumasagot kaya sabi ko kung okay ka lang." May pagtawa niyang paliwanag
"Ano bang tinatanong mo? Sorry nawala ako sa sarili. Sorry naman. May iniisip lang." Paghingi ko ng tawad at napayuko. At umupo kami sa isang upuan sa may park.
"Bakit ba badtrip ka kanina?" Tanong niya.
"Ah, iyon ba. Wala na kakaasar lang kasi si Jol---" naputol ang sinsabi ko.
"Si Joline ba? Oo nga nakakaasar na siya minsan. Tulad kaninang tanghali." Napatingin ako sa kanya at nakatingin pala siya sa akin, namumula ako ramdam ko.
"Asar ka din sa kaniya? Bakit naman?" Pagtataka ko at iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
"Kasi uupo na sana ako kanina sa harapan ng crush ko, bigla lang niya akong hinila. Magtatapat na sana ako kay crush ko kanina e naudlot lang dahil niya." Pagtatapos niya.
Napayuko ako, ang swerte nung babaeng iyon. Magtatapat na sa kaniya si Jonas. Hay sana ako nalang iyon.
"Bakit nga pala Jen ang pangalan ng alaga mo?" Pagiiba ko ng paksa.
"Sinunod ko sa pangalan ng crush ko." Sambit niya na nakatingin sa alaga niya.
Napatayo ako kasi parang may mga karayom na tumutusok sa puso ko, ano ba yan. At akmang ako'y hahakbang na ay may pumilig sa aking mga paa, si Jen pala iyon. Humiga siya sa mga paa ko na para akong inaamo.
"Jennalyn..." hinawakan niya ako sa braso. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ano ito? Bakit niya ako pinipigilan? Pucha naman oh, ayaw kong umasa pero ano ito?
"Jennalyn...gusto kita! Matagal na hindi ko lang pinapahalata at torpe din ako kaya hindi ko maamin ang totoo. Jennalyn gusto kita!"
Natulala ako sa kawalan dahil niyakap niya ako ng mahigpit habang sinasambit ang mgakatagang "Jennalyn, gusto kita mali mahal na kita. Sorry kung torpe ako."
Niyapos ko din siya at nasabing "Mahal din naman kita noon pa e. Ikaw lang ang hinihintay ko."
~THE END~
BINABASA MO ANG
Strings Of My Journey [Random]
RomanceOne shots na punung-puno ng mga kalokohan ko. This is a piece ng mga random na bagay bagay sa buhay ko. Each song is dedicated to someone, na tumulong sa aking muling pag bangon. Hope you like it. ^-^