SOMEONE'S ALWAYS SAYING GOODBYE

33 7 4
                                    

This one is for a person that...ewan.

A MYSTERIOUS person. Hhahhaahhahahahahh.

Molto po kasi siya eh, kaya mysterious! Joke lang peace.

Hmmmmmmm...napakinggan mo na yong kanta???

Totoo di ba???

Pang-hugot eh. Hahahahaha, joke lang.

Parehas tayong iniwan eh. Yan ang kantang pumasok sa isip ko that day na...'yon na yoon.

By the way, wala akong masabi eh. Hmmmmmm...

Sorry na lang kung lagi kang nakukulitan sa akin.

Sorry kung makulit ako.

Sorry kung lagi kitang napagbubuntunan ng galit.

Sorry kung minsan nagiging pabigat na ako sa'yo.

SORRY PO.

Salamat sa mga payo.

Salamat sa intindi.

Salamat sa pagiging worried.

Salamat sa mga days na andiyan ka pag nangungulit ako.

Basta...SALAMAT PO.

***pakatatandaan mo: LAGI KAMING NANDIDITO NG MGA KAIBIGAN MO, AKO NANDIDITO KUNG GUSTO MO NANGKAKULITAN SA ARAW NA WALA KANG MAGAWA OR SA ARAW NA MALUNGKOT KA NANDITO AKO PARA PATAWANIN KA, LIKE WHAT YOU DID FOR ME. :)

From: PATULOY NA MANGUNGULIT SA IYO PERO HINDING HINDI MANG-IIWAN.

___________________________________

*THANK YOU*


Naranasan nyo na bang mag-isa sa buhay? Yong time na humahanap kayo ng makakapitan pero walang tumutulong sa iyo. Kahit anong gawin ninyo iisang tao lang ang gusto ninyong makasama, mapagsabihan ng galit o makausap ay wala sa tabi mo. Laging hinahanap ninyo ang kalinga niya pero mas pinili niya ang mawala tayo sa buhay niya. Pwes ipapakita ko sa inyo kung paano magpasalamat sa mga taong nang-iwan sa atin.

Siguro nga lahat ng mga taong sa mundo naiwan na ng mga mahal nila or ng mga taong importante para sa kanila. Gusto nyo bang malaman kung saan ko hinuhugot ang mga pinagsasabi ko?

Simple lang naman e. Iniwan ako ng isang taong pinakamahalaga sa akin, isang taong dapat laging nasa tabi ko, isang tao na dapat ngayon ay pinaghihugutan ko ng lakas, isang taong dapat nagbibiga ng lakas sa akin, isang tao na umiintindi sa akin, isang taong dapat kasama ko sa hirap o ginhawa ng buhay ko, sa lungkot at saya sa buhay ko at lalong lalo na sa mga tagpongdapat siya ang gumagawa noon para sa akin at hindi si tatay.

Oo tama kayo ng iniisip, kung ang nasa isip ninyo ay ang nanay ko.

Oo iniwan niya ako dahilas pinili niya ang sumama sa ibang lalaki kesa ang anak niyang ngayon ay patuloy na nangungulila sa pagmamahal na kaniyang ipinagkait.

Ako si Johanna Mikaela, ituturo ko sa inyo kung paano maging matatag kahit na iniwan kayo ng isang taong dapat ay pinaghuhugutan ninyo ng lakas lalong lalo pag may problema kayo.

Simple lang naman ang kwento e. Isinilang ako noong ika dalwangpo at anim ng Hunyo taong isang libo't siyam na daan at nobenta y kwarto. Mag dadalwangpo at dalwa na ako kung inyong binibilang.

Alam kong masamang maghiganti o mag tanim ng sama ng loob sa isang tao, lalo na kung ang taong iyon ang nagluwal sa iyo at nag bigay buhay sa iyo. Ginawa ko ang lahat upang maging proud sa akin ang mga magulang ko at nagtagumpay ako doon. Pinagbutihan ko ang pag-aaral. Ginawa ko din ang lahat para limutin ang taong iyon.

Nag tapos ako ng pag aaral at kasalukuyang nasa ibang bansa upang matulungan at matustusan ang mga pangangailangan ng iba ko pang mga kapatid. Kapatid sa ama, nag asaw ng iba ang aking ama at salamat sa Diyos mabait ang aking inang tinuturing at nakakasama sa araw araw.

Sa aking bagong INA natutunan ang maging masaya, ang magpatawad at ang huwag magtanim ng loob sa kahit kanino lalong lalo na sa aking inang nagsilang sa akin. Siya ang aking INAng kasama noong mga nagdaang kaarawan ko. Siya ang aking INAng kasama ko mula noong ako ay naging walong gulang. Siya na ang aking INAng itinuturing na nagsilang sa akin. Siya ang tinuturing kong INA na aking mahal.

Oo nga at siya na ang aking bagong INA, pero isang araw may nakapag balik lahat ng sakit, poot at galit sa aking dibdib noong may bumanggit sa kaniyang nakaraan.

Siguro nga naging masama akong anak sa una dahil ang gusto ko lamang ay makapaghiganti sa taong nang-iwan sa akin. Pero ang pina hindi ko inaasahang mangyari ay natupad.

Siguro nga parte na ng panahon ang pagdating sa buhay ng tao na kailanganin ang pagbubuo ng kaniyang pagkatao. Ang panahong kailangan hanapin ang pagiging buo niya at ang panahon ng pagpapatawad.

Isang araw nag punta ako sa dating lugar kung saan andodoon lahat nang aming kamag-anak. Hindi ko inaakala na mapapadpad ako sa lugar kung saan ko huling nakita ang aking TUNAY na INA. Napaluha ako at nasambit ang mga katagang...

"Salamat nay, dahil iniwanan mo ako, nagbigyan ako ng motibasyon upang makarating kung nasaan man ako ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit ako nandidto ngayon, siguro nga tadhana na ang gumawa ng paraan para maging ganito ako. Salamat dahil hindi mo ako ipinalaglag noong nalaman mong ika'y nagdadalang tao sa akin. Salamat dahil kahit wala ka sa tabi ko ay binigyan mo pa din ako ng muthibo upang ipagpatuloy ko ang aking pamumuhay sa mundong kinagagalawan ko ngayon. Salamat dahil ikaw ang naging muthibo nga aking pamumuhay, oo alam kong nagsisisi na ako dahil dati hindi kita hinanap o ginustong hanapin ganoon ka din naman sa akin e, pero maraming salamat pa din sa pag iwan mo. Salamat dahil iniwan mo ako at mas pinili mo ang bago mong pamilya kesa sa akin. Salamat dahil alam ko may mga period na naalala mo ako. Salamat sa pag-giging ina sa akin ng siyam na buwan ng ako'y nasa iyong sinapupunan. Salamat sa dalwang taong ako'y iyong kinarga at inaruga. Salamat at hanggang ngayon hindi ka pa nagsisisi na ako'y iyong binigyan ng puwang dito sa mundong ito. Wala na yata akong masasabi pa, kundi...

Thank you nanay ko."



~THE END~

Strings Of My Journey [Random]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon