Chapter 3: First Meeting

31 2 0
                                    


SAM

"What are you doing here?"nagulat ako ng may sumulpot na lalaki sa harapan ko ng magmulat ako ng aking mga mata.

Sa sobrang pagkagulat ko,biglang tumayo ako sa tubig at nadulas ang mga paa ko sa bato. Lumubog ako sa kina ilaliman ng tubig. Pilit kong umahon dahil sa kinakapos na ako ng hininga. Pero medyo may kalaliman ang parteng iyon ng waterfalls.

Marami na akong nainom na tubig at unti-unti ng dumidilim ang aking paningin.

"Are you stupid or what?"dinig ko ang boses ng lalaki at ramdam ko na may humihila sa akin palabas ng tubig. Naramdaman ko na lang na binuhat niya ako at may ibinalot sa aking katawan.

"Hey! Can you hear me?"tanong niya habang mahinang tinatapik niya ang magkabilang pisngi ko ng mailapag na niya ako sa isang malapad na bato.

Nagmulat ako ng aking mga mata at nagulat ako sa sobrang lapit ng kanyang mukha sa mukha ko.

Biglang bumangon ako at sa hindi sinasadya,nauntog ko ang noo niya.

"Jesus Christ!"sigaw niya habang sapol ang noong nasaktan.

"I'm so sorry."hinging paumanhin ko.

"Are you that clumsy?"naiiritang tanong niya.

When I look at his face, parang tinamaan ako ng napakalakas na kidlat. Hindi binigyan ng hustisya ng mga litrato niya ang tunay na hitsura niya sa personal. Mas gwapo at makisig ito sa personal.

"K-khent Villamor?"tigagal na wika ko. "What are you doing here?"

"I believe, I'm the one who supposed to ask you that question. What are you doing here?"naka arko ang kilay na tanong niya. Nakatitig ito sa akin na as if hinuhubaran ako.

"Hubad?"biglang naalala ko na naka panty lang pala ako at ang manipis na bestida na nakabalot sa akin ay basa na rin. Automatic na tinakpan ko ang aking dibdib.

"What?"may namumuo na ngiti sa gilid ng kanyang mga labi dahilan upang uminit ang buong mukha ko.

"Don't look at me! Turn your head!"sigaw ko.

"I'm asking you Miss Gallar,what are you doing here?"madiin na tanong niya. Hindi man lang pinansin ang mga sinabi ko.

"I'm just taking a walk and it's just happen that I saw this place and captivated by its beauty. So I stopped and I swam."paliwanag ko.

"Didn't you saw the sign board outside our gate Miss Gallar?"

"Your gate is open and...."

"Are you sure my gate is open? Didn't you tried to climb our gate,did you?"putol niya sa sasabihin ko sana.

"Patay,nakita niya ba akong umakyat sa gate kanina?"naitanong ko sa aking sarili.

"You know,na pwede kitang kasuhan ng trespassing. But I won't do that. I enjoyed the view, so we're even now."makahulugan na wika niya habang hinagod niya ng tingin ang mga binti ko.

Awtomatikong napakapit ako ng mahigpit sa damit na hawak ko. Hindi ko pa rin naisuot ang damit ko sa mga oras na yon, in addition sa embarrassment ko sa harap ng lalaki.

"Would you mind if you can turn your back? I just want to put on my clothes." I said with a gritted teeth.

"What for Miss Gallar? I saw everything already. In details..."he said with an amused smile.

"Ang sarap hampasin ng pagmumukha ng lalaking ito!"I screamed inside my mind.

"But okay, I will pretend to be a gentleman. Go ahead, put on your clothes."at tumalikod ito.

Dali-dali kong sinuot ang damit ko ng maalala ko na ang bra ko ay nakapatong ito sa isang bato kasama ang flat shoes ko. Nagulat ako ng dinampot niya ito.

"I assume this is yours."ibinitin pa niya sa ere ang aking bra, pero nakatalikod pa rin siya sa akin.

Tinakbo ko ito at hinablot sa kanyang mga kamay.

I could die in embarrassment. I just wished that the ground will open up and shallow me.

"Next time, be aware of your surrounding Miss Gallar. Kung ayaw mo ma rape."wika niya at humakbang na ito papalayo sa kinaroroonan ko.

I cursed him a million times in my mind. Hindi bagay sa kanya ang mala anghel niyang mukha sa sama ng pag-uugali niya. I started to hate him.

"Now I'm ruined."napabuntong-hininga na saad ko.

KHENT

I thought was drowned. Dahil hindi man lang ito gumagalaw sa tubig. But when I decided to jump onto the water,kumilos ito. Our eyes met, at sa sobrang pagkagulat niya na out balance siya.

Kita ko ang paghihirap niya na makaahon sa tubig dahil lalo lang ito lumubog. I grabbed her dress and jumped into the water. Ng mahila ko na siya,binalot ko ang hubad niyang pang-itaas na katawan.

She is so beautiful with her wet hair. Matagal ko rin pinag-aralan ang buo niyang mukha habang nakapikit siya.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa tuwing magtama ang aming paningin. Yon bang parang kagagaling ko lang sa jogging.

"Saan ka galing apo?"tanong ni Lola ng makabalik na ako sa bahay.

"Mamo, sakop pa rin po ba natin yong maliit na waterfalls sa pinakadulo ng hacienda?"tanong ko.

"So, nakita mo na pala yon?"nakangiting tanong niya.

"I didn't know na meron pala waterfalls sa lupain mo Mamo."

"Alam mo ba na makasaysayan ang talon na yon apo?"nangingislap ang mga mata na sabi niya.
"Ang sabi ng dating may ari ng haciendang ito na si Don Miguel,doon niya unang natagpuan ang babaeng minahal niya, si Donya Marcela Vecencio."

"Hindi po sa inyo ang lupang ito Mamo?"tanong ko.

Umiling ito."Sa pinsan ito ng Lolo Martin mo. Ng mamatay na silang dalawa, sa Lolo Martin mo ipinamana ang hacienda dahil wala naman silang natitirang kamag-anak."kwento pa niya.

"Alam mo ba apo, karamihan sa mga taga rito na mga binata, dumadayo sa waterfalls na yon noong hindi pa ipinasarado ang buong hacienda. Nagbabasakali na matagpuan nila doon ang itinadhana sa kanila."patuloy pa ni Lola.

"Lola, mga kwentong bayan lang po yan. Nasa 20th century na po tayo at wala na po naniniwala sa mga ganyang klaseng kwento."sagot ko.

LAST BREED OF GENTLEMEN ( Bachelor's in love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon