Chapter 16: The Party

10 0 0
                                    


SAM

First monthsary na ng Lifestyle and More at sobrang busy ko this past few weeks. Nagtravel ako ng Iloilo para ma features ko ang bagong pinatayo na City Mall ng P&A at KM Corporation.

Kasama din sa short interview ko ang isa sa member ng Last Breed of Gentlemen na si Dr. Aries Montecalvo na isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Khent Villamor.

Speaking or Khent Villamor, ilang linggo na rin na hindi ko siya nakita. Sabi sa akin ni Joven nagtravel ito sa Dubai for some business conference. Kasama ang isa sa pinakasikat na businessman sa buong bansa. Si Mr. Kurt Alexis Villamor, ang kanyang ama.

At the age of 30, si Khent na yata ang pinakabata na successful businessman on his generation. And Dr. Montecalvo on the second list. Magkasing edad lang silang dalawa at marami na silang malls and business buildings na pinatayo.

"Sam, meron tayong party tonight at 10pm sa Manila Hotel. Si boss Arnold na ang nag organise ng event for the party."wika ni Joven. Hindi ko namalayan na nakapasok na pala siya sa studio ko.

"Okey Jov. Staff and crew lang naman ang invited right?"tanong ko.

"I guess so. Hindi naman niya pinakita ang list ng mga guest eh. Anyway, hindi naman malaking party ang inihanda niya. It should be just Thanksgiving party. Some guest siguro yong mga naging guest rin dati ng show."

"Do I have to be there?"nag-aalangan na tanong ko.

"Syempre naman Sam, ikaw ang main host ng programa. You should be there."

"Gusto ko ng isang mahabang pahinga Jov, I'm so exhausted. Na miss ko na rin si Lola Marga at Alice. Two months ng hindi ako naka uwi sa Bacolod."malungkot na wika ko.
I never thought that having this program makes me too busy.

"Sweetie, maraming bagay ang dapat isantabi muna pag gusto nating umasenso. You're doing this not only for yourself but for Lola Marga and Alice too. Maiintindihan ka nila pag hindi mo muna sila madalaw. Besides, pwede mo naman sila papuntahin dito pag talagang gusto mo silang makita di ba?"

Nilapitan ko siya at niyakap. Buti nalang at andito ang kaibigan ko na to. Kahit papaano nakakaramdam ako na may masasandalan ako any time.

"Na miss mo siya ano? Kaya feeling mo ang empty empty mo."nakangiting tanong niya.

"Huh? Ano ba naman ang pinagsasabi mo?"kunwaring balik-tanong ko sa kanya.

"Huwag ka na ngang magka-ila pa. Basang basa na kita Zamantha. Alam ko na iba ang hinahanap ng puso mo. Bakit kasi ayaw mo pa aminin na nahuhulog ka na sa kanya?"

Tumalikod ako sa kanya at nagtungo sa harap ng dressing table ko. Pinagmasdan ko ng maigi ang mukha ko sa salamin na nasa aking harapan.

"Am I that too obvious?"wala sa sarili na tanong ko.

Marahang tumango si Joven. Nilapitan niya ako at pina upo sa silya.

"Bakit ba kasi pinapahirapan mo pa ang sarili mo Sam? Wala namang masama kung subukan mong magmahal di ba?"marahang sinusuklay niya ang buhok ko.

"Yon nga kinakatakot ko Jov eh. Paano kung ako lang pala ang may nararamdaman sa kanya? Paano kung tuluyan ng mahulog ang loob ko at wala naman pala siyang balak na suklian ang nararamdaman ko?"malungkot na tanong ko.

"Paano kung mali lahat ng paano mo? Hindi mo naman malalaman kung hindi mo susubukan di ba?"wika niya.

"Ewan ko Jov, basta natatakot akong sumubok eh."

"Sabagay, hindi naman kita masisisi. Sa kagaya ba naman ni Khent parang ang hirap sumugal. But he is worth the risk, Sam. Don't hold yourself."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Kanina pa kita hinahanap ahh. Saan ka ba galing?"tanong ni Joven ng makapasok ako sa loob ng venue hall.

"Nagpahangin lang ako sa labas Jov. Thanks God at natapos na rin ang program. Ikaw bakit hindi ka pa sumasayaw doon?"tanong ko.

"Pwede ba naman na ako lang? Dapat kasama kita."sabi niya sabay hila sa akin papuntang dance floor.

"Joven, hindi ako sumasayaw kaya ikaw na lang."nagpupumiglas na sabi ko.

Pero sadyang hindi niya ako binitawan hanggang makarating kami sa gitna.

"Ano ka ba? Party mo ito kaya dapat makisaya ka din. Ang killjoy mo naman."wika niya habang sumasayaw.

"Alam mo naman na hindi ako party lover at lalong hindi ako sumasayaw dahil puro kaliwa ang mga paa ko."reklamo ko.
"Babalik na ako sa upuan natin huh? Magpapakalasing na lang ako."dagdag ko pa at iniwan ko siya.

Ng makabalik na ako sa mesa namin,nagsalin ako ng wine sa baso at inisang lagok lang iyon.

Naka-apat na baso na ako ng wine ng biglang may umupo sa tabi ko. Nagtama ang aming mga mata at doon ko narealize na sobrang na miss ko siya.

"Mag-isa ka yata, pwede ba kitang samahan?"wika niya sa isang baritonong boses.

"Nakaupo ka na nga eh. May magagawa pa ba ako?"pagsusungit ko.

Kumuha siya ng baso at sinalinan ito ng wine at diretsang inisang lagok lang ito.

"How many glasses of wine did you already had? Parang hinog na kamatis na ang buo mong mukha."parang na aamaze na wika niya.

"I'm not drunk."sabi ko sabay kuha sa baso na hawak niya at ininom ko ang laman noon.

Napatitig ako sa mukha niya, when he laugh.

"Why are you laughing?"naiinis na tanong ko.

"Because you're so funny."sagot niya.

"Whattt?"nakataas ang kilay na tanong ko.

"You're drunk. So stop drinking now and let's go home."pagkasabi niya inalalayan niya akong tumayo.

"I'm not going home with you."iniwaksi ko ang kamay niya na humawak sa siko ko. Pero dahil medyo nahihilo ako muntik na akong matumba. Mabuti na lang at maagap niya akong nasalo.

"I told you,you're drunk."pagsesermon niya.
"Stay here and I'll talk to Joven. I'm going to bring you home now."pagkasabi niya,tinalikuran na niya ako at hinanap si Joven.

Nakita kong kasama niya si Joven pabalik sa kinauupuan ko. Nagiging malabo na ang paningin ko at parang idinuduyan. Napasandal ako sa sofa na kinauupuan ko.

"Hey, you're okey?"tanong ni Joven ng makarating na sila.

"I'm sleepy Jov."sagot ko.

"Please Khent, take her home. Hindi ko siya kayang ipag drive kasi nakainom din ako. At hindi ko din siya pwedeng ipagkatiwala sa iba."Joven said.

Ang alam ko lang sa mga sandaling yon, may mainit na mga palad ang humahaplos sa mukha ko at ang kasunod wala na akong matandaan.




LAST BREED OF GENTLEMEN ( Bachelor's in love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon