Chapter 2: 17? Six Years? OMG!!!

108 2 0
                                    

"Gel, maaga akong aalis mamaya ha," paalam ko sa officemate ko.

"Okies," sagot n'ya. "Buti ka pa waiting na lang for the event, puwede na pumetiks."

"True!" masaya kong sagot. "At alam ni Lexi na maluwag ang sched ko! Naka-hanap tuloy ng excuse ang bruha!"

Sa almost eight months ko sa bago kong trabaho ay madali kong nakagaanan ng loob ang officemate kong si Gellie Hernandez. Siguro dahil same age at parehong single. Swerte lang siguro ako ng slight sa kanya dahil nagka-bf na 'ko kahit papa'no, siya, NBSB (no boyfriend since birth).

I just started working in this events company. Nagustuhan ko dito dahil may counterpart kami sa Singapore. Chances are, the company would send you there to do some projects.

At kahit sandali pa lang ako dito, mas at home, mas kumportable. Una, dahil flexible ang time. Hawak mo ang oras, as long as you can deliver. Kapag busy, busy talaga. Can't complain. Pero kapag maluwag, swerte! Pangalawa, may unlimited internet access: hashtag: social network! Pangatlo, siguro kasi ito talaga 'yung gusto kong gawin—to conceptualize, to organize, to just make something out of nothing. Iba 'yung sense of fulfillment.

Kaya siguro in a way ay excited din akong gawin ang school play.

Hindi ko na inabala pa si Gel dahil alam kong busy siya. Isinuot ko ang earphones and tuned in to my favorite FM station. At dahil hindi busy, naisipan ko munang mag-open ng Facebook.

"Huh? Nanganak na naman pala si Amy," sa isip ko. Classmate ko siya noong elementary. "Oh, si Clarisse, ikinasal na!" Classmate ko noong high school. I tripped on several same stories while looking through my Facebook page—nanganak, ikinasal, got engaged, etc., etc.

"Anyare? Season ba ngayon?" Natawa na lang ako nang ma-realize ko, "Bitter, 'teh?"

Okay. Logout. Close.


***

"Shocks, late na 'ko..." sa isip ko.

Hindi ako nakaalis ng maaga sa office dahil may biglaang client call.

I went straight to the auditorium, as instructed by Lexi. Doon na daw ako ime-meet ni Eros.

"Oh my, si Eros..." naisip ko. Eto na naman ang kakaibang kabang hindi ko alam kung saan nanggagaling. Ngayon na lang ulit nabanggit ang pangalan n'ya after the first meeting. Hindi na namin napag-usapan ni Lexi, hindi na rin naman ako nag-usisa pa.

"Okay," sa isip ko. Hinga'ng malalim at marahan kong binuksan ang pinto.

Sa side entrance ako pumasok para malapit sa stage. Nasa harapan si Eros kausap ang mga estudyante na nakaupo at nakikinig sa kanya. Lahat sila ay napatingin sa gawi ng pintuan pagbukas nito.

Napatingin ako kay Eros. Parang bumagal na naman ang paligid.

"Ano ba, Madi?! Slow-mo-moment talaga lagi?!" saway ng isip ko. I smiled.

"Hi, everyone. Hi, Eros. Sorry I'm late," bati ko.

"Hello, Divina." Si Eros. "Guys, please meet Ms. Maria Divina Mendoza, our acting coach."

Nagtayuan ang mga bata para bumati. Sinenyasan ko sila na maupo na.

"Hi, guys! Ate Madi na lang, magkaka-age lang naman tayo," biro ko.


***

Mabilis na dumaan ang oras. We were done with the introductions, script reading and assignment of characters. Kasama rin sa meeting ang mga bata na naka-assign with Eros sa paggawa ng props.

I LOVE YOU KASI (published by Mindmaster Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon