Chapter 3: Scented Little Pink Paper

131 3 2
                                    


Ilang araw na ang lumipas at ilang araw ko na ring dine-deadma ang pag-uusisa ng puso ko. "23 years old lang si Eros?!" hindi pa rin ako nakaka-move on.

Dumalas ang mga practice dahil malapit na ang actual performance. I was keeping myself busy most of the time at hindi na rin naman para maging close pa sa kanya, tulad nang una ko sanang plano.

"Kakaririn sana kita eh, kung naging mas matanda ka lang... kahit 25 lang, pwede na..." lagi kong naiisip kapag nasusulyapan ko siya, sabay iling, sabay buntong-hininga.

Minsan, while we were on break, naulinigan ko ang dalawang member na nakaupo malapit sa kinatatayuan ko sa bandang likuran ng auditorium, nagbubulungan:

"Ang gwapo talaga ni kuya Eros, 'noh?!" Sabi nung isa na parang kinikilig pa.

"I know right?! Ang bango pa, grabe!" sang-ayon nang isa. "May girlfriend na kaya siya?"

Napaisip ako, "Oo nga 'noh? May girlfriend na kaya siya?" Wala sa sariling napasulyap ako sa kinauupuan n'ya.

Busy ang team nila sa paggawa ng backdraft para sa stage. Hands-on siya sa drawings, cutting, painting, etc. And I think he doesn't mind kung madumihan man siya. "Wow, hindi maselan," naisip ko.

After the rehearsal, habang naghahanda na ang lahat sa pag-uwi, may isang estudyanteng nagtanong sa akin, "Ate Madi, ilang taon ka na po?"

At tulad nang sa ibang nagtatanong, ito lang ang laging sagot ko: "Hulaan mo..." with my sweetest smile.

"Ahh... 25?"

Natawa ako, "Talaga? Sige, pwede! Pwede na 'yan."

"'Yung totoo, ate," pilit n'ya.

"Sabi mo 25," pilit ko rin.

"Higher or lower?"

"Sige na nga,,, higher."

Nakisali naman ang iba pa, "26? 27? 28? 29" iling, iling, iling, iling – ang sagot ko sa magkakasunod nilang tanong.

"30?" Hindi ako umiling. "Ate Madi 30 ka na?" Pasigaw na sabi nung isa.

"Sumigaw tayo? Talaga?" pataray kong biro.

"Uwi na, uwi na!" Pagtataboy ko sa kanila habang tumatawa. At naglabasan na sila.

"Parang hindi ka pa po 30, ate," pahabol ng huling batang lumabas bago tuluyang tumakbo paalis.

Tatawa-tawa akong umiiling, "Wow! 25!" sa isip ko.

Hindi ko napansin na nandoon pa si Eros, nakaupo. "Really? You're 30? You don't look 30." Pormal n'yang sabi.

Napatingin ako sa kanya, "Bakit kaya ang seryoso nito?" naisip ko.

"Bakit naman? Dahil ang cute ako?" Pabiro kong sabi, just to break the ice.

Lumapit ako sa side kung saan nandoon ang mga props at backdraft, kunyaring tinitignan-tignan ko ang mga ito para hindi halatang gusto kong tumalikod sa kanya.

"Hindi..."

Nilingon ko siya, nakataas ang kilay.

"Kasi maliit ka," sabi n'ya, sabay ngumiti.

"Haayyy... ayan na naman... ang cute talaga!" Pigil ang kilig ko.

"Kainis ka! Thank you ha," pagalit kong biro sabay talikod muli. "Shocks, ang init ng pisngi ko," ramdam ko, I'm blushing.

"Galing mo talagang mag-drawing. Ano 'to, hobby?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Yeah, hobby. I'm an Architect by profession, so sabi ni tita, pakinabangan naman daw n'ya ang pagiging arkitekto ko," tumatawang sagot n'ya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I LOVE YOU KASI (published by Mindmaster Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon