Chapter 1: "Happy Birthday, Madi!"

510 13 4
                                    

Nagising ako sa ring ng aking cellphone. Inabot ko at pupungas-pungas na sinagot.

"Hello?"

"Maria Divina Mendoza! Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday... happy birthday to you!"

On the other line is my close friend, Alexandria Montalban, na kumakanta ng kanyang pagbati. Ine-expect ko naman na siya ang unang-unang bubulabog sa akin sa araw na ito.

"Hello, Lexi. Goodbye..." natatawa kong sagot.

Naupo ako, nag-sign of the cross... "Thank you po, Lord, for this day," taimtim kong dasal.

"Oist, oist, oist... style mo, Madi ha! 'Hello, goodbye' pati ako?! Ano na? Hindi ka ba talaga magse-celebrate?" pangungulit n'ya.

"Lexi, hindi nga! Siguro si mama, magluluto ng dinner, okay na 'yun. Pumunta ka na lang dito mamaya, okay?!"

"Ano ba namang drama 'yan, Madi! Na-reach mo ang ikatlong dekada ng buhay mo, tapos walang celebration?!

Napatingin ako sa bintana, napangiti. Siyempre grateful ako, for everything I have... siyempre masaya ako na umabot ng 30 years na maayos naman ang buhay ko. Kinapa ko ang bag ko sa gilid ng kama, kukunin ko sana, pero ibinaba ko rin. "Not today..." naisip ko.

"Oh well, since naka-birthday leave ka naman, pumunta ka na lang dito sa school, please. May favor akong hihingin sa'yo."

"Birthday ko, di ba? Ikaw pa may favor?"

"Taray naman eh! Tatanda kang dalaga n'yan! Sige na, before 3pm ha. Hintayin mo na 'kong mag-out mamaya. Bye, Madi!"

Bago pa ako nakasagot ay naibaba na ni Lexi ang phone.

Tiningnan ko ang relo, it's 9am. "Okay, before 3pm daw... maaga pa naman," naisip ko. Pero alam kong hindi na rin ako makakatulog kaya't bumangon na ako.


***

Sa kusina ako dumiretso dahil alam kong nandun si mama. "Ang bango..." nai-imagine ko na kung anong breakfast namin-tosilog-with her home-made tocino.

"Good morning, ma! Happy Birthday to me!" masaya kong bati. Lumapit ako at niyakap siya ng mahigpit.

"Happy birthday, Maria Divina!" bati n'ya.

Hinawak n'ya ang aking mukha, masuyo akong tiningnan sa mata na parang may gustong sabihin, at saka dampian ng halik sa noo.

Bago pa matuloy ang 'emo-ment' naming mag-ina, medyo OA akong lumingon-lingon at tumungin-tingin sa paligid.

"Mama... Maria Divina talaga? Papagalitan mo ba 'ko?!" Biro ko, dahil buong buhay ko, minsan lang akong natatawag sa buong pangalan ko, sa tuwing meron lang akong kasalanan.

"Mag-asawa ka na, Madi! Tanda mo na!"

Umupo ako at naglagay ng pagkain sa plato. Tiningnan ko si mama, parang seryoso siya.

"Boyfriend nga wala ako, ma, asawa pa? Saka busy ako 'no! I don't have time for that."

"Busy? O baka naman may hinihintay ka pang bumalik?"

"Umay gosh! Seryoso nga..." naisip ko.

"Ma, ang tagal na nun! Ang swerte naman n'ya kung hinihintay ko pa rin siya hanggang ngayon. Ano, pogi?" Kaswal kong sagot, habang patuloy ako sa pagkain.

"Madi, naabot mo na lang din naman 'yang ganyang edad, sana naman ang mapili mo this time ay 'yung tama na. Wala kaming ibang gusto ng papa mo kundi makita kang maayos, lalo't nag-iisa ka naming anak..."

I LOVE YOU KASI (published by Mindmaster Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon