Isang linggo na ang nakalipas mula nung nakita ko si Marion sa airport. Frankly speaking, wala pa rin siyang pinagbago. Gwapo pa rin siya pero hindi mababago ng kagwapuhan niya ang katotohanang tatanga tanga siya....... Well, I'm just telling the truth.
"Brielle, I already called Lavander. She's on her way at dala na niya ang susuotin nating lahat." Viola told me. Lavander is our personal stylist. "And she will be spending the rest of the day here so prepare your ears, okay?" Bakla si Lavander at sobra kung mag ingay. Dinaig pa niya si Anne Curtis kung makakanta, feeling niya ay siya si Asia's Song bird Regine Velasquez..
Pero may kakaiba sa aura ni Viola ngayon.. "Why so serious, Viol? It's so unusual." tanong ko.
"Stressed lang ako, Brielle.." sagot niya. Kunsabagay nakakastress talaga ang pag-oorganize ng party.
"Okay. Where is Van? Buhay pa ba siya?" tanong ko kay Viola.
"Kung maka-Van ka naman jan Brielle parang mas matanda ka sa kuya mo ah!" litanya niya. Naku!
"Hoy Violita! Kung makapagsermon ka naman jan daig mo pa ang isang misis na problemado sa asawa. Nagtatanong lang naman ako ang dami mo ng sinabi." ganti ko sa kanya. Napakasungit din niya ngayon ah. Unusual talaga.
"Haaaaay naku, Brielle. Baka problemado lang sa lalaki yan. LQ yata sila ni Intsik eh!" narinig kong sabi ni Kathy na papalapit sa amin. Kasalukuyan kaming nasa sala at si Viola naman ay abalang nagchecheck ng files. "Anong nangyari Viola?" natigil siya sa ginagawa niya. Humarap siya sa amin na basang basa na ng luha ang mukha niya. Nagulat ako.
"Kanina ka pa ba umiiyak jan ha, Viola?" walang kwentang tanong ko sa kanya. At doon ay umatungal siya.
"huhuhuhuhuhuhuhu TABBYYYYYY! huhuhuhuhuhuhu" nilapitan namin siya ni Kathy. Niyakap siya ni Kathy habang hinahagod ko naman ang likod niya. Magsasalita sana ako pero naunahan ako ni Vian na kapapasok lang ng living room. "What's happening here? Why is Viola crying?"
"I'm about to ask her that pero naunahan mo ako. Kathy, alam kong may nalalaman ka dito. Tell us. Yang intsik na yan gagawin kong negro!" I'm starting to boil. Kapag ganitong mga sitwasyon ay hindi ko makontrol ang galit ko.
"LQ nga sila, Brielle. Ano to unli?" pabalang na sagot ni Kathy. She's trying to make the atmosphere cool. But I'm sorry Kathy, you can't 'coz I'm H.O.T..
"Kung makapagsalita naman kayo dyan parang wala ako dito ah." sabi ni Viol.
"Hoy babaita! Magsabi ka nga sa akin ng totoo, ano ba ang nangyari sa inyo? Dalian mo!" inip kong sabi sa kanya. At ayun na naman po siya, walang tigil sa pag atungal.
"Eh kasi *huk* nakita *huk* ko siyang *huk* may kasamang *huk* babae. *huk*" she said between sobs, obviously.
"Girlaluuu! Mas maganda ba sayo yung pinalit ni intsik-to?" aba'y ang bakla nakikinig sa usapan ng mga magaganda.. Yeah, si Lavander yan. Humagulgol ulit si Viola. "Hoy baklitang maganda! Ni hindi ka man lang naramdaman na pumasok dito sa living room ah!" sigaw ni Vian.
"Paano naman kasi, bising bisi kayo sa babaitang yan na kung makaiyak eh parang ang gwapo ng intsik-to na yun! Mas maganda ba yung ipinalit sa'yo?" pagkasabi niyang iyan ay umatungal na naman si Viola.
"uwaaaaaaaa! huhuhuhuhuhu Yun na nga eh, mukha siyang espasol na pinarolyo sa pintura.. Pero mas malaki ang hinaharap niya kesa sa akin.. Magpaparetoke na ba ako?" At ayun, nabatukan ko siya. Babaeng to! Parang hinaharap lang magpaparetoke agad? Paano naman si Push-up bra di ba?
"Ay naku girlalu! Wag ka ng crayola khomeni dyan at mukha ka ng pusit. Baka mamaya hindi kayanin ng magical make-up ko at magmukha kang octopus! Paano na lang ang reputasyon ko bilang isang diyosa? huhuhuhu" tinignan ng masama ni Viola si Lavander. Uh-oh. Let the cold war begin.
"Hoy violet purple Lavander! Sinong mukhang pusit ha?! Gusto mo bang gawin kitang calamares dyan!!!" natigil nga siya sa pag iyak pero heto, nagsisigawan na sila.
"Ano ba naman yang jowabelles mo! Napakakere. Hindi na nakontento sa isang diyosa na katulad ko! *ehem ehem* Gusto mo bang resbakan natin?" nagulantang ang beauty ko! Si Lavander nag boses lalaki for the first time. hahahahaha Ang pangit!
"Hahahahahahaha Lavander! hahahah Ang pangit ng boses mong panglalaki! hahahaha" si Kathy yan na kulang na lang ay maubusan ng hangin sa katawan. Natawa na rin sila Viola at Vian samantalang si Lavander ay nakasimangot pa rin.
++++++++++++++++++++++++++
This is it. The night I've been waiting since I came back.
I am wearing a red long gown and it's quite revealing. I do not want to wear this actually but I need to.
Sa daang pinili ko, kelangan kong magbago para lang hindi na ulit matalo ng kung sino sino.
"You look pretty, little sister." sabi ni kuya habang pababa ako ng hagdan at lumapit siya para alalayan ako.
"You too, kuya." Nagulat siya dahil for the first time in history ngayon ko lang siya pinuri. “Wag kang nakanganga diyan Van. Mukha kang tanga.” Natauhan naman siya.
“I love you too, My sweet little sister.” And he smiled sweetly at me. “Alam ko namang gwapo ako Tabby. Hindi mo na kailangan pang ipangalandakan.” Kaya ayaw na ayaw ko siyang purihin dahil sa napaka-conceited ng kuya kong ito eh. Inirapan ko na lang, alam kong mapipikon lang ako pag sumagot pa ako eh.
I saw Dad coming with his white tux with a red rose pinned at the left side of his tuxedo. “Hey Mr. Collins! I will never question where I come from.. The looks tell it all Dad!” Van said. Nagsama na naman silang dalawa..
“You are just my photocopy, Van Kuper. Original is better, I assure you that.” Dad smirked at him.
“Just shut up the both of you.” Its Vian. She never fail to make me proud. Hahaha
“Well, it is not just me who’s irrirated. So proud of you, Vian.” I told Vian and gave her a sweet smile. “So, Dad, Van, stop being so narcissistic okay?” sabi ko sa dalawa. Sasagot pa sana si kuya pero buti na lang dumating na sila Viola at Kathy. At doon ay sumakay na kami sa sasakyan at tumungo na sa venue ng party.
Naririnig ko na ang malamyos na tugtog ng musika na nanggagaling sa hall na kung saan gaganapin ang party. Pababa na kami ng may naalala ako.
"Asan na nga pala si Lavander? Akala ko ba'y sasabay siya sa atin papunta dito?" tanong ko kina Viola. "Aba'y ewan ko sa baklitang yun. Baka naman paparating na rin siya." tugon ni Viol. At doon ay pumasok na kami sa hall.
******

BINABASA MO ANG
Payback is a Bitch (HIATUS)
HumorI was being taken for granted and unfortunately, I got tired. This time, I won't let anyone to mess up again with my already messed up life. Revenge, I think, is the sweetest payback. Payback is a BITCH. SO AM I. *bitch wink*